Naalala ko ang aking unang boss dito sa UAE, si Mr. Ibrahim. Isa siya sa mga nakita kong totoo sa kanyang pananampalataya. Isinasabuhay niya kung ano ang turo sa kanila. Kumusta na kaya siya? Alam niyo bang at one point in time, naging masigasig siya sa paghihikayat sa akin na sumali sa kanila? Baka lang daw magustuhan ko? Binigyan pa niya ako ng libro with detailed explanation ng kanilang paniniwala. Bilang respeto sa kanya, binasa ko din naman ito. Siguro weekly, kinukumusta niya kung ano ang nalalaman kong bago sa kanila. Naisip ko, baka naman umasa ang boss ko. Kaya sinabi ko sa kanya---pareho lang kaming naniniwala sa Diyos, magkaiba lang ang tawag namin. Iba-ibang paraan ng pananampalataya pero pareho ng hangarin at adhikain. Naintidindihan naman ako ng boss ko. Mas open-minded siya siguro dahil sa States na siya lumaki at nag-aral.
Paalala sa mga mapapagawi dito ngayong Ramadan. Bawal na bawal ang kumain/uminom/lumunok sa public. Ito ay bilang respeto sa mga kapatid nating nag-aayuno. Kung hindi ka marunong rumespeto, kulong ang abot mo sige ka. Pwedi namang kumain pag Iftar na (Iftar means 'breaking the fast), tuwing sunset, kadalasan 6:55pm. Meron pang palatandaan na Iftar na, ito ay pag narinig na ang putok ng canyon.
Pang-limang na Ramadan ko na dito sa UAE mula nang dumating ako dito noong Nov 2005 --isa sa Sharjah at apat naman sa Dubai. Ang mga larawan sa baba ay apat taon ko na ding nasasaksihan. Napagdugtung-dugtong namin na isang taong mapagkawang-gawa lang ang may sagot yearly sa Iftar ng mga taong nasa larawan. Sympre hindi namin alam ang pangalan niya pero nakikilala namin siya sa mukha.
kung Foodtrip ang hanap mo, mag-eenjoy ka dito sa Dubai
Halos lahat ng mga Hotel at Restaurant ay merong Iftar Promo.
Pero meron ding mga taong masaya na kahit ang Iftar nila ay sa
parking lot lamang ng isang Hotel.
naka-ready na ang lahat, any moment kakain na sila.
inaantay na lang nila ang putok ng canyon
(na hanggang ngaun di ko pa rin makita kung saan naka-pwesto)
Note: Kuha ang mga larawan mula sa balkonahe namin nang patago. Isang malaking kasalanan din yata sa kanila ang tumingin sa babae tuwing Ramadan.
No comments:
Post a Comment