Unang Balita
Nakatanggap ako kanina sa ofis ng forwarded message na nagsasabing effective 01 Aug 2010, ay mandatory na ang membership at contribution sa Pag-ibig Fund ng mga OFW na katulad ko. No PAG-IBIG means No OEC at No POEA Registration. Wala naman akong violent reaction na narinig sa mga kasamahan ko patungkol dito. Good news din ito sa mga nagbabalak mag-housing loan. :-)
Pangalawang Balita
Tahimik ako kanina sa bus. Seryosong sound trip ang aking 'trip'. Dahil meron akong 420 songs na bagong kanta sa iPod ko! Thank you NS!
Medyo nakaidlip pa ako nang mag-ring ang aking phone. Si pinsan from Abu Dhabi :-). Nangungumusta lang daw. Sabi ko sa kanya, bukod sa pangungumusta sa akin baka meron pa siyang gustong sabihin? Natawa siya kasi yun lang daw talaga at na-miss niya lang ako bigla. Masaya naman si pinsan at okay naman ang naging birthday party niya last weekend. (na gustung-gusto kong puntahan kaya lang nauna ang isang okasyon na ako pa ang nag-schedule) I asked him na padala naman niya ako ng pics para naman makita ko ang naging party niya.
Hindi pa nagtatapos dun ang istorya. Pagdating ko sa bahay, may natanggap akong text message sa aking pinsan. Sabi niya, 'teh, tsaka ko na lang ipapakilala sa'yo ang aking bagong lovelife.' Natural naging maligalig na naman ako pagkabasa nito. Tinawagan ko agad ito. Pinaalalahan ko lang naman. Wala namang problema sa akin ito. Tanggap ko naman. Hangad ko lamang ang kaligayahan ng aking pinsan. Good news ito para sa aking pinsan. :-)
Pangatlo at Huling Balita
Nakaugalian ko na ang magpunta at dumalaw sa aking mga sinusubaybayang blog. Kahit nga wala silang bagong post, pumupunta pa rin ako. Wala lang, naging routine ko na. hehe...Ngayong araw na ito, natuwa ako kasi may bagong post ang isa sa mga sinusubaybayan ko. Click agad ako sa blog niya nang biglang ooopppppsssss....problema.....mukhang ni-private na niya ang blog niya..hindi na ito open to public...kaya yun medyo nalungkot at napaisip bakit kaya? hindi ko na din ito malalalaman. Bad news naman ito para sa akin. :-(
Related ito sa Pangatlo at Huling Balita:
ReplyDeleteTuwang-tuwa ako kagabi dahil nabasa ko na ulit ang blog ng aking sinusubaybayan. Nagbakasakali lang ako at yun nga open to public na ulit (nagka-technical problem lng yata). Yipppeeee! Tuloy ang ligaya ko! hehe...This is a so-good news to me! :-)
Related naman sa Unang Balita:
ReplyDeleteHindi natuloy ang mandatory contribution ng mga OFW para sa Pag-ibig Fund. Napigilan ito ni Bise Presidente Binay. Mas good news naman ito sa lahat ng OFW. :-)