All set na ako. I'm ready to go home. Sa sobrang excitement ko, kung minsan feeling 'homesick' ako! waaaaaahhhhh......iniisip ko na lang malapit na. ilang tulog na lang. hehe....
Right on schedule naman lahat ng planned trips ko. Meron na akong tiket pauwi (DXB-SIN-MNL). Noong May ko pa nga ito binili. hehe...Takot akong maubusan ng booking. Tuloy ang aking stopover sa Singapore! Yun nga lang, wala talaga akong mahagilap na kaibigan doon. Kaya first tym akong gagalang mag-isa. Nakaka-excite din. :-)
Nabili ko na din ang tiket namin ng aking kaibigan for our Bohol trip. First tym kong mag-online purchase! Ok naman pala. Kinalimutan ko muna ang takot kong bumili thru internet (dahil risky at madaming fraud, mahirap na baka maging biktima ako)..hehe...Only on this occassion.
At ang pinaka-pinaghahandaan ko na Hongkong trip namin ng aking nanay ay nagiging malinaw na din. Dahil sa August 20 ay makukuha na daw ng aking nanay ang kanyang passport. Yipppee!!!! Yun na lang ang inaantay ko para ma-finalize at mai-book na ang aming tour. Excited na ako dito. Nag-usap na din kami ni madir, matutuloy kami. :-) Umaapela kasi ang aking nanay na kung pwedi next year na lang daw. Naaalala niya kasi ang aming proyekto sa bahay. Nanghihinayang siya sa gagastusin. Tinanong ko ang aking nanay ng masinsinan habang ka-chat ko siya (last Saturday) kung gusto ba niyang mamasyal o wag na lang? Kasi para sa kanya naman talaga lahat ng aking ginagawa. Napangiti ang aking nanay. Sapat na iyon para ituloy namin itong trip na ito. :-)
Ang Aking Balikbayan Box
dahil stopover ako sa Singapore (for Universal Studios),pinauna ko na ang aking balikbayan box noong July 31. hehe.
sea cargo ang pinili ko dahil mas mura
ganito ako katipid. haha...mana sa nanay. :-)
Ang Laman ng Aking Balikbayan Box
grabeh, super effort ako sa pag-alala kung ano
ang laman ng box ko para lang may mai-post dito. hehe.
nagpa-press release na ako sa amin na wala talaga akong
pasalubong ngayon (unlike noong unang uwi ko last year).
puro sabon at colgate lang ang uwi ko ngayon. hehe...
very understanding naman ang aking pamilya,
ni wala nga silang special request.
ok na daw na makapagbakasyon at makita nila ako. naks! hehe...
No comments:
Post a Comment