Madali sana ito kung nasa pinas kami. Isang puntahan lang sa divisoria, andun na lahat kakailanganin para sa isang birthday party. Tipid pa! I remember the 1st-ever birthday party na aking inorganisa para sa aking pamangkin na babae na si gey2 (4-year old siya noon). Nangyari ito noong april 2005. May plano na akong mag-abroad noon kaya wala akong sinasayang na okasyon noon. Ako ang naging organizer, emcee, etc. etc..kulang na lang mag-clown ako. hahaha....Isang malaking revelation ang nangyari noon, nagsilabasan ang mga tinatagong talento ng aking mga pamangkin. Nawala ang kanilang mga hiya sa ibang tao. Feeling nila bidang-bida sila. hehe...Pinagsuot ko ba naman sila ng mga superheroes costumes tapos meron pa silang dance number sa program. Much to the delight ng kanilang mga magulang at sympre ako din. Kaya kung saka-sakaling payagan akong magbakasyon this Christmas, kasama sa aking itinerary ang isang christmas party para sa aking mga pamangkin at sa mga bata sa amin.
Btw, before anything else kelangan ko munang planuhin ang birthday party ni miguel (ang aming baby dito sa dubai, anak ng aking kaibigang si ivy & ryan). Medyo mahihirapan yata akong mag-emcee nito. Mga inglesero ang mga kalaro ni miguel. haha...Kaya iniisip kong mga games ay yung madaling i-explain sa kanila..hahaha....Ewan ko ba, ang hilig kong mag-volunteer. Sabi ko sa aking kaibigan, ako na ang bahala sa party! hahaha...Malakas ang loob ko kasi hindi ako nahihiyang magtanong-tanong or magpatulong sa ibang mga kaibigan. hehe. Kagaya na lang ng invitation ni miguel sa ibaba. Hindi ko tinigilan si NS (dating kaopisina/busmeyt) hanggat di niya ito nagawa. hehe... Thank you ulit NS!
No comments:
Post a Comment