"Tatay: anak, nandito lang ako. di ko kayo iiwan. di ako mawawala.
Ako: 'tang, akala ko iniwan niyo na ako/kami. di ko kayang mawala kayo. salamat at buhay pala kayo.
Tatay: o wag ka ng umiyak dyan. nandito lang ako lagi sa tabi mo.
Ako: (mahigpit lang na yakap-yakap ko ang aking ama)..........."
And then magigising ako, panaginip lang pala. Wala na talaga ang aking tatay. Binawian ito ng buhay noong Jan 25, 1995 dahil sa car accident. Sa mga puntong ito, ang nagagawa ko na lang ay ang umiyak at mag-wish na sana ang panaginip ko na lang ang totoo.
As years passed, natutunan ko na ding tanggapin ang napakasakit na pangyayaring ito sa buhay ng aming pamilya. Alam kong masaya na ang aking tatay kasama ng ating Panginoon. At kagaya ng kanyang paulit-ulit na sinasabi sa akin sa panaginip 'lagi lang siyang nasa tabi ko' :-)
Today, the 24th of July is my father's birthday. It could have been his 58th birthday.
Dear 'tang,
Happy Birthday! I miss you so much! Dalaga na ang iyong baby girl (pag nabasa ito ni kuya, sasabihin niya soon magiging matandang dalaga na nga! hehe)
I love you 'tang! Thank you also for the love and guidance through all these years. :-)
love,
tin
p.s. 'tang, you'll be proud of me,
yung pangarap na bahay ni nanay
natupad ko na. love you ulit! :-)
No comments:
Post a Comment