Friday, July 8, 2011

Still Meant To Be In Dubai....

"Masaya Ka Ba?", ito ang signature na tanong ng aking bisor sa akin tuwing makikita ako. Honestly, hirap akong sagutin ang simpleng tanong na ito. Napapaisip ako. Masaya nga ba ako????Alam kong isa ako sa mga maswerteng nilalang dito sa Dubai. Nawalan man ako ng work recently, agad-agad naman itong napalitan. Okay ang mga kasama ko at nag-eenjoy ako sa napaka-challenging at very demanding na new work ko.

Pero bakit hindi ko masagot ang tanong na ito? Bakit nga ba?!? Isa lang ang naisip ko, dinadalaw ako ng 'homesickness'. Gusto ko ng umuwi ng Pinas. Now na! pero sympre hindi pwedeng ganun. Kelangan ko munang iplano ito. Iniisip ko din naman kapakanan ng pamilya ko. Ayokong maging padalos-dalos sa aking desisyon. (next year, i'm expecting na magiging malinaw na ang aking planong repatriation)

Natatawa ako sa sarili ko. Sobrang busy ako lagi sa work and yet nakukuha ko pang mag-drama dito. Day-off ko kasi. hehe. Bukas, may pasok na ulit. Workaholic na ako ngayon. Na-recruit na ako ng aking mga ofismeyts. I don't think na masama ito para sa akin. In fact, blessing in disguise ito. Kumbaga, timing na timing ang pasok nito sa phase ng aking buhay sa Dubai. :-)

Meron na akong visa from my new employer. It seems meant to be pa ako na mag-stay sa Dubai for now. Pangako ko sa sarili ko na pipilitin ko pa rin maging masaya dito. I owe it to myself na maging masaya. hehe....

Ang hirap maging masaya pag nag-iisa ka. (With all due respect sa mga kaibigan ko na andto sa dubai, nagda-drama lng ako dito sa blog ko). Pero dahil nga mahal ko din ang sarili ko. Ayoko sympreng malungkot ito. Gusto ko din namang maging masaya. Kaya from now on, babantayan ko ang sarili ko. Magiging aware na ako sa mga nakakapagpasaya sa akin.

Pero teka lang, ano nga ba ang mga nagpapasaya sa akin ngayon?
1) mga new ofismeyts ko na sobrang kukulit at mga in-born joker
2) si kobe, ang aking two-year old na pamangkin. grabeh! as in naiyak ako sa kakatawa dahil sa sayaw niya. habang nagcha-chat kami ng aking nanay, lumapit ito sa kanyang lola at sasayaw daw siya. meron palang naka-save na video sa laptop at yun ang ginagaya niya. tuwang-tuwa ako sa kanya. as in to the point na naluha ako sa sobrang kakatawa. hahaha...ang galing galing ng aking pamangkin. :-)
3) ang aming dream house- malapit na malapit na itong matapos...natutuwa akong isipin na katas ng dubai ito, di naman napunta sa wala ang aking pagsasakripisyo dito ng mahigit limang taon.
4) the happiness of my mother- makita ko lang na maligaya si madir at walang iniisip na problema, masaya na ako.

eto pa ang ilan na nagpapasaya at magpapasaya sa akin:
1) blog- i should have atleast 1 blogpost a week.
2) gala - friday lng off ko pero pipilitin ko pa ring gumala kahit sa tabi-tabi lng
3) books/novel- meron akong 10 novels na nakapila. magiging masaya ako pag nakatapos ako ng kahit isa ngayong month (currrent reading: Big Cherry Holler by Adriana Trigiani)
4) harry potter- inaabangan ko na ito. malapit na!

Tama na muna ang mga ito. Pag tinanong ako ngayon ng aking bisor kung masaya ba ako? Masasagot ko na ito ng walang alinlangan na "Yes, i'm happy!" :-)



My Exit to UAE For Visa Change
05 July 2011 7-10pm
Dubai-Muscat-Dubai



yan lang aking bitbit dahil airport to airport lng ako
pumasok pa ako sa ofis nung araw na ito

No comments:

Post a Comment