Tama na muna ang drama... hehe....Naglaho ang 'drama mode' ko dahil sa aking pinakamamahal na kuya. For some reason, di ako makalog-in sa YM ko one week na. Ni-try ku ulit ngayong gabi at sa wakas nakapasok din ako! Baka kasi meron akong mga importanteng messages. Timing na timing naka-online ang aking kuya! Invisible mode ako kaya nag-buzz ako sa kanya kung available ba siya to chat. Nasa ibayong dagat din ang aking kuya. Na-miss namin ang isa't isa at kung anu-ano ang aming napag-usapan. Napagkwentuhan namin ang mga plano namin sa pag-uwi sa pinas. Magtatayo ng business ang aking kuya at nangako akong susuportahan ko ito. hehe....Natutuwa ako sa aking kuya. Ang dami niyang plano at alam kong kayang-kaya niya itong tuparin. Tentative date daw ng kanyang plano is before Christmas this year. Ang sabi ko ako, next year pa para makapag-ipon pa ako ng i-invest ko sa kanya. Proud na proud si kuya ko sa akin, ang balita daw niya tapos na ang bahay na ipinapagawa namin. Sabi ko, malapit na malapit na. :-) Meron daw siyang pinapagawa ngayon in preparation sa kanyang mga plano. Napa-wow ako sa aking kuya dahil talagang seryoso ito. Na-excite ako dahil magiging parte ako at ang aming bunsong kapatid sa kanyang mga plano at nakikinita ko na ang aking aktibong partisipasyon! Sana maging successful ito. (kuya, alam mo namang bilib na bilib ako sa iyong diskarte at pakikitungo sa mga tao eversince. kayang-kaya mo ito. natutuwa akong malaman ang iyong mga magagandang plano. as promised, suportahan taka. ingat ka dyan! see u in pinas soon!)
Monday, July 18, 2011
Just When I Needed You Most...
Napakababa ng aking energy sa mga panahon ngayon. Ang daming pangyayari at pagbabago sa aking paligid. Merong masaya, merong malungkot. Ngayon ko nararamdaman ang pag-iwan sa akin dito ng aking kaibigang si jo. (jo, sana ay nasa mabuti kang kalagayan dyan sa canada. sana makahanap ka na agad ng work dyan para makabili na kayo ng bahay at para may matulugan na kami dyan if ever bisitahin ka namin dyan hehe...mis u na!)...sumabay pa ang isang kaibigan dito sa dubai na sa hindi ko malamang dahilan hindi ko mahagilap more than 3 weeks na! (sa aking kaibigan, sana ay okay ka lng kung nasaan ka man. andito ka pa ba sa dubai? meron na naman ba akong nagawa or nde nagawa? ano ng nangyari sa'yo? i trust that all is well with you. wish ko lang magparamdam ka na.)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment