Nagtataka siguro kayo sa title ng post ko. Two weeks ago, napanaginipan ko kasi ang tungkol dito. Nagkaroon daw ng grand EB dito sa Dubai. Excited daw ako na makita ang ibang blogger. Pumunta daw ako. Napakasaya daw ng atmosphere. Super friendly ang lahat. Parang party sa wari ko. Tapos eto ang ilang eksenang nagpagising sa akin:
blogger 1: uy blogger 2, ang ganda ng blog mo. gustung-gusto ko ito. you're a brilliant writer.
blogger 2: thanks..pero ikaw talaga ang magaling magsulat..idol nga kita..
animus/ako: (nahiya ako kasi alam kong hindi naman outstanding ang aking blog. gusto ko lng talagang magsulat...dahan dahan akong tumalikod at naalalang kumuha ng drinks)
Nang magsalita si......
blogger 3: i hate it pag yung blogger hindi alam ang pinagsusulat sa blog niya. Lalu na pag gumagamit ng mga shortcuts like nde, ngaun, etc...
Napalingon ako...Parang ako kasi ang tinutukoy. Na-hurt naman ako kahit totoo ito. At hindi ako makapaniwala na ang nagsabi pa nito ay si blogger 3. Base sa pagkakakilala ko kasi dito sa blog niya, hindi siya ang tipong magsasalita ng ganun. Ang bait niya kaya. Patunay ang napakadaming pumapasyal, naaaliw at bumabalik sa blog niya.
Sumama ang loob ko sa panaginip. Sa isip ko, tuwang-tuwa pa naman ako sa blog niya dahil magaan sa pakiramdam ang mga sinusulat niya tapos lalaitin niya lang blog ko.
Then..nagising na ako.
Nawala na ang sama ng loob na naramdaman ko. hehe. Napangiti ako. Ibang level na ang pagba-blog ko, pati sa panaginip dinadalaw ako. At talagang sumama ang loob ko kay blogger 3 (na walang kaalam-alam) nung nilait ang blog ko? hahaha....Di ako makapaniwala, kasi feeling ko kung totoo mang mangyari ito...nde ganun ang magiging reaksyon ko...i'll just take it as constructive criticism. :-)
baka ako si blogger number 3? bwahahaha..
ReplyDeleteIbang level ka na nga!!! :))
ReplyDeleteKabaligtaran daw ang panaginip, at malamang pinupuri ka na ngayon ni Blogger 3 :D
Kapag naranasan mo ung nararanasan ko, malamang ibang level ka na nga...ganito, magtatapo lang ako ng basura, habang naglalakad iniisip ko kung ano kayang pwedeng isulat tungkol sa hawak ko? lolzz, tutuo yan! natawa lang ako sa sarili ko nun hehehe, sa lahat kasi ng ginagawa ko ngayon, lageng may tanong na "ano kayang magandang isulat tungkol dito?" :D
@ duboy,
ReplyDeleteoissstt..where have you been?!!long time no hear.
hahaha..di ikaw si blogger 3...dahil kung ikaw yun, di na ako mabibigla sa panaginip kung laitin mo man blog ko...joke lang naman yun di ba? :-)
@ LordCM,
ReplyDeletehahaha...natuwa naman ako sa iyong fearless forecast na pinupuri na ako ngayon ni Blogger 3. :-)
grabeh! to the highest level na yan LordCM!!!!di ko pa naman nararanasan yan..hanggang sa pag-iisip ng topic for the day at panaginip pa lng ako. hehe.