Wednesday, August 24, 2011

Deja Vu

May sweldo na kami for this month! Yippee! Eid Holiday (end of ramadan) na next week at naka-bakasyon na ang mga bossing kaya maaga ang aming sahod. Magandang balita ito kaya naisipan kong tumawag kanina sa aking nanay para i-inform na pwede na niyang kunin sa Friday ang padala ko kasama na ang aking late na birthday gift para sa kanya. (note: i make sure na ina-advise ko na ang date ngaun kasi naikwento sa akin ng nanay ko dati na na 'wow mali' siya sa bangko...nag-text ako na nagpadala na ako then dahil kelangan na kelangan niya nun, nagpunta siya agad sa bangko para kunin ito..pero wala pa pala...nakalimutan kong sabihin na 2-3 days bago makarating ang padala pag bank-to-bank)


Pagkadating ko kanina sa bahay after ofis (4pm), agad kong ni-dial ang mobile number ng aking nanay

The Scene
(phone is ringing....matapos ang tatlong ring, sinagot na ito. pero nde ang nanay ko ang nasa kabilang linya bagkus ang bunso kong kapatid)

bunso: hello 'te....dala ko ang cellphone ni nanay nasa Manila pa ako.
ako: huh?!? bakit? sasakay ka na ba ulit ng barko? parang nangyari na ito kasi. hehe..
bunso: (natawa ito) oo 'te, sasakay na ulit ako. bukas na flight namin, sa Singapore ulit ang sakay.
ako: nangyari na talaga ito. nagkausap din tayo nung una mong sakay sa barko. dala mo din cellphone ni nanay. nasa Manila ka din nun at inaantay ang tiket mo...enewei, ingat ka dun..natatawa tuloy ako...
bunso: ingat ka din 'te.
ako: siyanga pala, paano ko makakausap si nanay.
bunso: tawag ka na lang kay cel (wife of my brother, kakauwi lang niya last week sa pinas dahil natapos na ang contract niya sa Taiwan)
ako: o cge, send mo sa akin ang number niya.
bunso: cge 'te
ako: basta ingat na lang ulit.
bunso: ingat din 'te.


Natatawa talaga ako sa mga pangyayari. Nakausap ko ang aking nanay at ni-kwento ko din ito. :-)

Dear God,
Thank you po sa blessing na ito sa aking kapatid.
Thank you din po sa timing dahil nagpang-abot pa silang mag-asawa.
Napakasaya po ngayon ng aking pamangkin. :-)
Masaya din po ang aming nanay gayundin ako.
Maraming-maraming salamat po!

love,
tin



p.s.
sa pagkakatanda ko naisulat ko din dito ang nangyaring pag-uusap naming magkapatid noon kaya binalikan ko ang mga blogposts ko...at eto ang aking nakita---My Little Brother's Now A Seaman. by the way, 6am din bukas ang flt ng aking kapatid papuntang Singapore. Doon sila sasakay ng barko. Pero this time, pangalawang pagsakay naman niya sa barko. :-)



2 comments:

  1. hahaha, tawa naman ako dun sa na-wow mali si nanay mo lolzz kasi naman eh :D

    congrats sa lahat, dami mong blessings ah, ganyan daw kapag mabait :)

    ReplyDelete
  2. @ LordCM,
    hehe...nagtanda na naman ako, di na naulit yun. :-)

    grabeh nga LordCM, i feel so blessed & grateful sa mga recent happenings....gusto ko ng maniwala na mabait ako. :-)..hehe...mabait naman daw talaga ako, pag tulog! haha..

    ReplyDelete