Friday, October 16, 2009

An Open Letter

It's 12 midnight here. Everyone's asleep but me. Something's bugging me right now. I need to let it out but I can't seem to find the right words to say. I'm so lost. I don't know how will I exactly put the things in my mind into words.

I blog hopped awhile ago. As usual, I visited those blogs that I follow regularly. I had mentioned those blogs in my first ever public post. I really wanted to leave a comment on their blogs. I wanted to tell them how much they inspired me of their writings. I wanted to make an appreciation of their good works. But something is keeping me from doing it. I just don't have the guts to make that move.

I don't know when will I be ready to tell the world of blogosphere that I do exist. My blog is public for two weeks now but I'm still anonymous to everyone. I do visit other blogs but I make sure I do not leave visible traces of me. Will someone ever find me in that way? I know I'm asking for impossible.

May Minamahal

Nagkita-kita kami ng mga kaibigan ko last Eid, 3rd week of Sep 2009 (ofismeyts sa 2nd company ko sa Dubai). Madalang na lang kaming magsama-sama ngayon, kaya naman parang reunion ang nangyari. Sobrang saya dahil miss na miss namin ang isa't isa. Kami ang pinakamaingay sa kwentuhan at pinakamasaya sa restaurant na kinainan namin.

Update kami ng buhay-buhay namin. Update sa work. Syempre update sa ever favorite topic namin-lovelife. Buti na lang kaming anim na girls lang ang present nun. Girl talk ang nangyari. Mga no holds barred ika nga. (Meron pa kaming kaibigan na tatlong lalaki pero mga hindi nakarating dahil hindi namin talaga inaya.hehe)

Fact: Lahat silang 5 girls na naiwan dun sa company namin ay nagkaroon ng lovelife simula ng lumipat ako ng ibang company.

Fiction: Naisip ko kung isa kaya sa kanila ang umalis instead ako, e di sana meron na din akong lovelife.lol.

Masaya ako para sa kanila. Alam ko kasi napakasaya ng may minamahal at may nagmamahal sa iyo. Iba kasi ang dulot na kaligayahan nito maski pa maraming nagmamahal na kaibigan at kapamilya. Iba pag meron kang makakasama sa araw araw hanggang sa pang-habang buhay.

Lahat sila iisa ang sinasabi sa akin, panahon na daw para ma-experience ko din ito. Ngumiti lang ako sa kanila dahil alam kong hangad lang nila ang kaligayahan ko. Ako din naman ay naniniwala at umaasang balang araw ay ibibigay din ito sa akin. Hindi naman ako nagmamadali.
An excerpt from the song May Minamahal performed by Agot Isidro mula sa movie soundtrack ng pelikula nina Aga Muhlach & Aiko Melendez 1993 (original song of Rachel Alejandro):
May minamahal
Bawat taong may damdamin
May minamahal
Tulad mo at tulad ko
Nakadama sa isa't isa ng
pag-ibig
At ngayo'y nagmamahalan
ng tapat
'Pag nagmamahal
Bawat sandaling kasiping
ka'y anong bilis
Bawat oras ay mayro'ng
Kasaysayang anong sarap
Anong tamis
Maligaya nga ang taong
nagmamahal

The Art of Letting Go

Why is it so hard for me to let go?
When will I learn the art of doing one?
What will I do to make it easier?
Who will I call to make it bearable?

Why do I keep on holding on?
Why can't I just go and move on?
Why can't I come up to a clear decision?
Why am I even asking all these questions?






this is my mobile since 2005.
a priceless possesion.
he's already tired.
needed a well-deserved break.

But I can't seem to let him go like that.
Not just yet please.

Isang Simpleng Pangarap

Bukambibig ng mga kasama ko dito sa Dubai ang kani-kanilang farm sa Farmtown. Pag nasa company service kami, may maririnig ka na lang nagpapasalamat sa mga gifts na ipinadala sa kanya. Nagmamadali namang makauwi ang isa dahil kelangan na daw niya mag-harvest pag-uwi. Yung isa naman nagpapadalaw sa kanyang farm. Sabay pilit sa akin na mag farmtown na din daw kasi ako. Yung ka-ofismeyt ko na ibang lahi, na-shock ng malaman na wala pa din akong Facebook account hanggang ngayon. I'm not existing in this world daw! Pero napansin ko nga din, wala ng nag-memessage sa akin sa Friendster ngayon. Kung meron man, spam messages naman. Mukhang lumipat na lahat sila sa Facebook at nanirahan sa mga farm. lol.
Tawag naming mga hindi 'in' sa kanila ay mga farmer. Sa room na lang namin ay apat ang farmer dito. Sila ay hindi basta bastang farmer lang. Napaka-dedicated at sobrang sipag talaga. Biruin mong alas dose na ng gabi ay busy pa silang nagtatanim. hehe. Biruan nga namin kung mga kagaya nila lahat ng farmer sa Pinas, walang maghihirap at walang magugutom sa Pinas.
Actually, pangarap ko ang magkaroon ng isang maliit na farm malapit sa aming lugar. Pag nag-retiro ako ay doon na ako mamalagi (oopps, medyo malayo pa pala ito). Meantime, gagawin ko muna itong bahay bakasyunan na kung saan pwedi kaming mag-piknik or magpalipas ng oras. Sa gitna ng manggahan ay patatayuan ko ito ng isang maliit na kubo. Gusto ko kumpleto ang mga kagamitan sa bahay para pweding mag overnight. Meron mga iilang kambing at baka sa farm. Pero sa likod nito ay mayroon itong manukan na sapat para matustusan ang pang-araw na araw na gastusin namin.
Kasabay ng pagsikat ng Farmtown ay ang muling pagbalik ng aking pangarap. Pangarap na nais ko ding maisakatuparan. Kagaya ng mga 'farmer' na kakilala ko, ganun din ako ka-determinado para magkaroon ng sariling farm. :-)

Wednesday, October 14, 2009

Aaminin Ko Na

Naikwento ko na sa naunang blog ko na minsan sinumpong ako ng topak at hindi sumama sa overnight outing naming magkakaibigan. Matagal-tagal na kaming hindi nagkakasama ng mga kaibigan ko palibhasa may kanya kanya kaming pinagkakaabalahan. Napansin ito ng mga kaibigan ko at nag-plano sila ng overnight stay sa isang hotel sa Ajman. Excited ang lahat pero last minute nag-back out ako.
Nabigla lahat sa ginawa ko. Ako kasi ang numero unong pasimuno sa mga lakaran. Hindi sila sanay na tahimik ako sa kanila. Alam kong magtatampo sila sa akin sa hindi ko pagsama pero alam kong mauunawaan din nila ako.
Si ID. Tinawagan ako at nakikiusap sa akin na magbigay daw ako ng valid reason bakit hindi ako sasama para maintindihan niya ako. Hindi na daw niya alam ang nangyayari sa akin. Wala akong maibigay. Ang nasabi ko lang is hayaan na lang muna ako. Mag-enjoy na lang sila. Wala naman kaming problema. Hindi siya kontento sa sagot ko. Gusto niyang pag-usapan namin ito pero wala talagang lumalabas na salita mula sa akin. Sinabi ko na lang na kailangan ko ng ibaba ang phone dahil kasalukuyang nasa gitna ako ng daan. Bago kami magpaalam sa isa't isa ay nagpahabol ang kaibigan ko na kailangan naming i-resolve ito pag pwedi na ako. Wala siyang kaalam-alam na ako ay nangigilid na sa luha kaya hindi na ako makapagsalita.
Si RD (asawa ni ID). Sinabi lang sa akin na basta i-ready ko lang ang gamit ko tsaka na ako mag-decide kinabukasan kung sasama o hindi. Sa isip ko, alam kong buo na ang desisyon ko-hindi ako sasama.
Si JC ( magkasama kami sa haws). Kay JC ko sinabi na hindi ako makakasama sa outing namin. Wala akong binigay na dahilan. Sinabi ko ito a day before ng outing. Walang reaksyon si JC. Bago yun, meron ng katahimikan namamayani sa amin. Kung minsan, sinasadya kong late na umuwi para tulog na siya o kaya naman maaga akong matutulog pag ako naman ang nauna sa bahay.
May dahilan ako kung bakit ayaw kong sumama sa outing. Alam ko ding alam ng mga kaibigan ko ito. Hindi ko lang ito masabi sa kanila. Hindi ko lang ito maamin.
Magkakasama kaming apat sa isang bahay sa Sharjah noong bago pa lang kami sa UAE. Sabay si ID & JC na pumunta dito then after 2 months kinuha nila ako. Tapos sumunod naman si RD, nahuli siya kasi ayon sa aming survey, mas madali makahanap ng work dito ang mga kagaya naming taga-kwenta. Boom kasi talaga ang Dubai noon- taong 2005.
Then the following year 2006, nag-decide kaming sa Dubai na lang manirahan kasi lahat naman kami ay sa Dubai na nagtatrabaho. Dahil medyo may kamahalan ang renta ng Dubai kesa sa Sharjah, hindi na namin ma-afford na kumuha ng isang bahay para sa aming apat. Tumira kami ni JC sa bahay ni Tita F (ang tumulong sa amin sa pagpunta dito). Samantalang ang mag-asawang ID & RD ay nag-rent ng room malapit din sa aming tinitirhan.
Naging okay naman ang lahat sa amin. Mas naging close pa kami ni JC. Magkasama kami sa lahat ng bagay. Hindi kami mapaghiwalay. Sabay sa lahat ng lakaran, sabay nagjo-jogging, sabay magkwentuhan, sabay magtawanan, sabay mamasyal, sabay sa paglalaba, sabay sa pagluluto, sabay sa pag-iisip para kaming sina B1 at B2.
Early 2007 ay ipinakilala ni RD ang isang ofisymet kay JC, si G na boyfriend na ngayon ni JC. Hindi ko ito napaghandaan. Masaya ako para sa kaibigan ko na finally na-meet na niya ang kanyang The One. Pero hindi ko ito maipakita. Bagkus kabaligtaran pa ang nangyari . Umiwas ako sa kanya kasi nasasaktan ako. Feeling left out ako. Parang tingin ko kay G isa siyang kontrabida sa buhay ko. Civil naman ako pag nagkikita kami. Though me mga times parang hindi siya existing sa akin.
Napansin ito ni JC. Ilang beses na din naming napag-usapan ito. Ilang beses na din akong humingi ng sorry dahil sa cold treatment ko.Kaya lang ganun siguro pag nababalot ka ng pagseselos. Nakakagawa ka ng bagay na hindi mo gustong gawin. Nagagawa mong gawin pa rin ang mga bagay kahit alam mong makakasakit ang mga ito.
At yung hindi ko pagsama sa outing namin ay ang aking deklarasyon na meron nga akong problema. Nalaman ko kasing kasama din namin si G sa outing. Alam kong hindi ko mapipigilan ang sarili kong magselos at bigla na lang mawala sa mood pag nakikita ko sila kaya nag-decide na ako na huwag na lang sumama. Nagpapasalamat ako at nirespeto ng mga kaibigan ang desisyon ko. Naintindihan nila ako.
Pero after ng aking ginawa, na-realize ko na napaka-immature at insensitive ko sa feelings ng mga kaibigan ko. Naging selfish ako. Pinagsisihan ko ang aking nagawa. Ipinangako kong babawi ako sa mga kaibigan ko. With all sincerity, humingi ako ng sorry ulit kay JC at sinabing yun na ang huli.
Alam ko namang mahal ako ng mga kaibigan ko kaya wala akong dapat ipagselos. Never naman nila akong iniwan at alam kong hindi nila ako iiwan kailanman. May nag-advice sa akin na ilugar ko daw ang sarili ko sa kaibigan ko. Naisip ko tuloy, kung ako ang may kaibigan na kagaya ko. Malamang hindi ko ito matitiis at hahayaan lang itong malunod sa pag-iisa. Pero hindi ito ginawa ng mga kaibigan ko.
Nasa work in progress stage na ako ngayon. Binabati ko na din sa wakas si G pag nagpupunta sa bahay. Hindi ko na sila iniiwasan ngayon. Mas malinaw na ang isipan ko ngayon. Dahil ang totoo kung anuman ang makakapagpasaya sa kaibigan ko ay doon din ako.

Tuesday, October 13, 2009

A Visit

There is always a feeling of guilt inside me whenever I fail to attend the weekly mass for whatever reasons. My weekly visit to church is like a weekly renewal of vow to Him. There in silence, I profess my love to Him. I thank Him for all the blessings in my life. I repent and ask forgiveness for the sins I committed. I make a promise that He will always be my first priority in my life. I submit myself to Him.

I used to tell everyone (with so much conviction) that I am very close to Him. That I am His favorite for He is giving me whatever I need and whatever I ask. Then one day, it changed. My faith was tested. I'd drifted away from Him. I intentionally ignored Him. He is always calling me but I did not answer. I busied myself to everything but Him, then before I knew it, He became stranger to me.

But reality bites, I can't live without Him. He's my everything. So I made a conscious effort to please Him and to bring back our closeness once more. At first, I felt akward and hesitant for I knew I'd hurt Him for doubting Him. I'm afraid He won't accept me anymore. Then someone told me, I need not afraid for we have a forgiving and compassionate God. True enough, He forgives me even before I ask for it.

Now, our relationship is better than ever. We have a constant communication. I'm confident to say, we are not only closer but we are also more open with each other.

Monday, October 12, 2009

Word of Honor

Naaasar ako sa mga taong hindi marunong tumupad sa kanilang mga salita. Malaki man ito o maliit na bagay lang. Ako kasi ang tipo ng taong sinusunod talaga ang mga bagay na ipinapangako. Kaya kung minsan i end up being frustrated pag nakatagpo ako ng mga taong hindi kayang tuparin ang mga sinasabi.
Madami-dami na din akong nakatagpo na kagaya nila. Hindi ko sila maintindihan. Ganun ba kahirap ang tumupad ng mga pangako? Why promise kung hindi mo naman ito kayang tuparin? Kung minsan, mga kaibigan ko pa ang mga ito. Dahil sa mas importante naman sa akin ang pagkakaibigan kaysa sa mga salitang hindi tinupad kadalasan pinapalampas ko lang ito at hinahayaan ko lang humupa ang aking pagka-asar. Then okay na ulit. Ngunit kung minsan merong kung anumang nababawas, yung bang parang nawawalan ako ng gana.
Sabi ko nga pag may ipinangako ako, gagawin ko talaga lahat para matupad ito. Pero this is only applicable pag pangako sa ibang tao. Kapag sa sarili na ako nangako, ang dali ko nang ipako. Sana magawa kong tuparin din ang mga pangako ko sa sarili ko.
Mid of this year, meron akong ginawang mga little promises/challenges to myself (mga never been done before) na kelangan kong gawin before the year ends. Noong una determinado talaga akong tuparin lahat ito ngunit ngayon i'm losing hope. Iniisip ko na i-scrap na ang mga ito bago pa dumating ang deadline. hehe.
1) read a good book in a coffee shop alone (suggested ito ng aking kaibigang si MC)
2) watch a movie in the big screen alone! (attempted thrice, lahat nde natuloy dahil sa takot,ayoko ng movie at kung anu-ano pang dahilan...pero ito kayang-kaya kong tuparin malayo pa naman end of the year)
3) hindi ako magiging KJ, i will say yes sa lahat ng mga mag-aaya sa akin ng lakad kung wala naman akong schedule na lakad sa iba ( i already broke this, nde ako sumama sa out of town/overnight na lakad namin ng mga kaibigan ko. worse yet, nag-yes ako nung una then nag back-out ako dahil sinumpong ako ng topak. pinagsisihan ko na ito. nag-promise ulit ako. this time ang promise ko ay never ko nang gagawin ang ginawa ko sa mga kaibigan ko. i will be more sensitive sa feelings nila & make sure na kontrolado ko ang topak ko..hehe)
4) makikipag-date ako (kadamay ko ang ofismeyt ko dito, we made a pact na dapat kahit isang date man lang ay kailangan magkarun kami this year by hook or by crook. lagi kasi kaming inaasar sa ofis na papunta na kami sa pagiging matandang dalaga. at first, i thought ang dali-dali lang gawin nito. date lang naman sabi ko. being very vocal about it sa mga kasama ko, aba would u believe tatlo agad nag-text sa akin!!?!! pinamigay pala ng mga kasama ko ang number ko..wala akong nireplayan. parang feeling ko, i'm for sale..hehe....anyway, binawi ko na ito. ayoko na. na-pressure ako. biruin mong nag-isip talaga ako how to get a date before the year ends? :-) )

Kaya dapat maintindihan ko ang mga taong hindi kayang tuparin ang kanilang mga pangako dahil sa simpleng dahilan na isa din akong kagaya nila. :-)