Sunday, May 22, 2011

Ang 'Tawag' Ni Nanay

Kaninang umaga, habang sakay ako ng dubai bus papasok sa ofis, nag-ring ang aking phone. Napaisip ako, sino kaya ang tumatawag sa akin? Binuksan ko ang aking bag at tiningnan ito. Kinabahan ako nang makita ko na mobile number ito ng aking nanay. Huminga ako ng malalim, taimtim na nanalangin na sana wala namang masamang nangyari sa amin at sinagot ang tawag.

ako: hello 'ma, bakit? anong nangyari? (sobrang pag-aalala kaya yan ang nasabi ko)
nanay: wala naman, kinukumusta lang kita at ibabalita ko lang sa'yo na nandito na si mac (bunso namin na naging seaman kailan lng)
ako: huh...buti nakauwi siya agad?
nanay: nagbunutan daw sila sa barko at siya ang napili.
ako: kumusta naman si mac?
nanay: ok naman, ayun tuwang-tuwa at kalaro niya si kobe (anak ng aking bunsong kapatid)
ako: nakasakay ako ngaun ng bus, papasok pa lang sa ofis. 'ma, chat tayo sa friday nina mac.
nanay: cge, ingat ka dyan....ok naman kami dito.
ako: ingat din 'ma.


After ng pag-uusap ng aking ina. Naisip ko ang aking bunsong kapatid. Naisip ko din ang kanyang anak na si kobe (2-year old child). May nakakaiyak na eksena si kobe nang umalis ang kanyang tatay at sumakay ng barko. Kinwento ito ng aking nanay sa akin at talaga namang naawa at naiyak ako sa aking pamangkin.

Masayahing bata si kobe. Hindi ito ilag sa tao kaya madaling alagaan. Sabi nila, pag lola daw ang nag-aalaga sa bata, magiging spoiled ito. Pero hindi si kobe, or hindi ang nanay ko ang tipong magi-spoiled? hehe....Tuwid na tuwid na itong magsalita. Nakakausap ko na yan sa chat. :-)

Gabi na noon. Patulog na daw si kobe. Nanghingi na ng kanyang gatas nang maalala ang kanyang papa.

kobe: "lola, baba tayo. punta tayo kay papa" (alam niya kasing sa kwarto sa baba natutulog ang kanyang papa samantalang sila ng kanyang lola ay sa kubo).
lola: wala dun sa baba si papa mo. di ba sumakay siya ng barko.
kobe: lola, barko...tubig?
lola: oo, maraming tubig...tulog na tayo, gabi na. (sabay yakap sa kanyang apo)

Saturday, May 21, 2011

My Weekend Schedule

Thursday
3pm - straight from office, diretso ako sa bahay nina Jo malapit sa amin.
5pm - we will go to Westzone supermarket dahil ako ang in-charge sa pagkain sa bahay namin pag Thursday.
6:30pm - magluluto kami ni jo sa bahay
7:30pm- manonood ng tfc, magsasalang ako ng aking labahin sa washing machine habang nanood at nakikipagkwentuhan.
8:30pm- eating time
9:30pm- teleseryes time
10:30pm- uwi na kami kina jo dahil sleepover ako dun
11:00pm- movie marathon hanggang sa makatulog kami

Friday
8pm - morning person si jo kaya nakaluto na yan ng breakfast namin pag gising ko. :-)
9pm- continuation nung marathon namin or 'basa' ng libro. mahilig din sa libro ang husband ni jo kaya ang dami kong pagpipilian. pero ni isa wala pa akong natapos..hehe..
12pm- lunch time. kainan ulit. as usual kakain na lng ako. hehe..ganun ako ka-buhay prinsesa sa bahay ng aking mga kaibigan. (maging kina ivy ganun din ako, yung fren kong taga-mirdiff)...di ako nakakaramdam ng hiya sa kanila. :-)
2pm- balik kami ni jo sa amin...maliligo ako at magpapalit lang ng damit.
3pm- punta ng St. Mary's Church
3:30pm- attend Children's mass. sinasadya namin na sa children's mass kami kasi sobrang natutuwa kami sa mga bata. nakakahawa ang kanilang kasiyahan.
4:30pm- go to a mall - Festival City, Deira City Centre or Burjuman Centre. Dyan lang kami pagala-gala. Mostly sa Deira City Centre kami kasi may carrefour! hahaha....window shopping kami ng mga kagamitang pang-kusina at kung anu-ano pa.
7pm - dinner time - eto ang aming standard order sa mcdo pag magkasama kami ni jo - two cheeseburgers, upsize yung drinks (apple juice or orange juice) at fries, two sundae ice cream (w/ choco fudge), mc chicken nuggets plus 2 extra cups! hehe...
8pm- ikot ulit sa mall. pag may nakitang sale at gusto ito. sasabihin na "ang mura na lang! bili tayo?" pag nag-yes yung isa. sigurado uuwi kaming masaya! madalang lang kasi kaming magka-gusto sa isang bagay. basta dapat pareho kaming bumili...walang lamangan...hehe....
9pm- uwi na ng bahay namin dahil may pasok na ako kinabukasan.


Beside sa schedule ko sa taas, naisisingit ko pa rin ang mga importanteng kagalaan like birthday party ng isang kaibigan, baby shower ng isang kaibigan, meet-ups with friends/klasmeyts, serious talk with friend. Ang medyo na-sacrifice ay yung chat date namin ng aking ina na one-to-sawa pag friday. di kami magtugma ng time ngayon pag Friday. masyado ding hectic ang sked ni madir. mabilisang tawag na lang ang aking ginagawa..hehe....


Nasanay na ako sa ganitong aktibidades pag weekend. In fact, hinahanap ko na ito. Nung dumating nga yung husband ni jo from business trip minsang Thursday..sabi ko, tulog muna siya sa amin kasi sleepover ako sa kanila pag Thursday...hehe..joke lang yun...tanggap ko na ngayon na may-asawa na ang aking kaibigan. tanggap ko na din ang kanyang asawa na sobrang bigat ng aking dugo nung una (mahirap mang aminin pero dahil sa selos at feeling iiwan na ako ng aking kaibigan nun)...hahaha...pero tapos na ang kabanatang yun dahil close na kami ngayon ni glen, ang asawa ni jo.

Btw, actually drama ang kwento ko ngayong gabi. Nalulungkot ako kasi aalis na si jo sa dubai next month.

phone conversation last thursday (@ 1pm)
jo: tin, sleepover ka today?
tin: huh?! (nagtaka ako kasi kadarating lng ni glen, bumisita pa nga sila sa bahay)
jo: iniwan na ako ng asawa ko. (yung work kasi nina glen ay laging out of the country; home office lang nila ang dubai)
tin: grabeh naman...ba't ang bilis naman ngayon? kadarating lang niya ah?
jo: ang hirap nga...eh kaso trabaho yun eh....kaya napagdesisyunan na namin na alis na ako ng dubai..meron na akong ticket. pina-book na namin. sa June na ang alis ko.
tin: nalungkot naman ako jo....naiiyak ako.
jo: ang dami ko ng iniyak kanina...mamaya na lang tayo mag-usap.
tin: pero jo di ka na ba talaga mapipigilan? :-)
jo: gusto ko ngang magpapigil eh..pero dun din naman kasi ang pupuntahan namin
(sa Canada na magse-settle sina jo. siya ang mauuna muna dun at pag nakahanap na siya ng work, pwede na niyang kunin si glen. in the meantime, kailangan muna nilang tiisin ang hirap ng pagiging malayo)

Nalulungkot ako talaga. Iniisip ko na lang na sa mas magandang lugar naman ang pupuntahan ng aking kaibigan. Para sa magandang kinabukasan naman ng kanilang pamilya ito. Nabanggit ni jo sa akin "wag ninyo na akong ihatid sa airport, ayoko na ng drama sa airport. ihatid nyo na lng ako hanggang sa taxi." naiintindihan ko ang kalungkutan na nararamdaman ng aking kaibigan.




Sunday, May 15, 2011

Nakipag-EB Ako (Ulit)! :-)

Never did I imagine na makikipag-EB ako bilang blogger. Pero heto ako ngayon naka-dalawang EB na! Kagaya ng 1st EB, naging masaya na naman ang 2nd EB ko last Thursday 12 May 2011 . Same pa rin ang cast, si azel ng Hue & You pa rin ang aking ni-meet. This time ako naman ang nag-invite. :-)

Fully-booked lahat ng weekends ko magmula nung mag-start ako ng work. Kasama sa to-do-list ko ang pakikipag-meet ulit kay azel. "She saw me at my worst nung mawalan ako ng work"....aba, aba, sympre gusto kong makita din niya ako at my best! hehe...(pero parang wala naman yatang pinagkaiba) :-)

Just in case, may maghanap ng pic sa nangyaring EB. Pwede nyo itong makita sa FB ni azel. (sori, yung FB ko is good as abandoned na,mas madalas pa ako dito sa blogger. tsaka anonymous blogger ako hope you'll understand)


to azel,

thank you ulit sa paglalaan ng time. bilib ako sa energy mo!
walang binatbat ang kadaldalan ko sa'yo (kalahati lang yata). hahaha.
sa uulitin ulit! :-)

-tin


Matapos ang napakahabang daldalan namin ni azel, sabi ni azel "next tym, EB tayo nina iyakhin para may iba namang bangka". sabi ko naman, "oo nga, tingin ko isa ding bangkero si iyakhin. ang dami laging tao sa kanyang blog eh". :-)


Hmmmmm...mukhang makaka-more than 2 EB's ako sa blogging career ko! Now Counting. :-)



Saturday, May 14, 2011

Never Give Up

"tin, ayoko na. sobrang pagsubok na ito. hirap na talaga ako."
-text message galing sa isang kaibigan :-(


Para Sa Isang Kaibigan,
Alam kong hindi madali ang pinagdadaanan mo ngayon. Pero hang-on please. Don't give up. This too shall pass. Matatapos din ang lahat ng problema.
Ako ay nalulungkot sa mga pangyayari. Pero wag mawalan ng pag-asa. You're a strong woman. Wag kang papatalo sa ganitong problema. And more importantly, maniwala tayo kay God.
I'm praying na sana malampasan mo ang pagsubok na ito.

Dear God,
Wag nyo pong pababayaan ang aking kaibigan. Bigyan nyo po siya ng lakas at kakayahan para maresolbahan ang kanyang problema. Tulungan nyo po siyang makapag-isip ng maayos. Ilayo nyo po siya sa lahat ng kapahamakan. Amen.

Friday, May 6, 2011

Children's Laughter

"Let the little children come to me, and do not hinder them,
for the kingdom of God belongs to such as these."
Mark 10:14


Ibang saya talaga ang nararamdaman ko pag kasama ko ang mga bata. Magaan na magaan ang loob ko sa kanila. Feeling 'nanay' ako. :-)

Yesterday, nagkaroon kami ng bowling fun game sa company namin (88 points lng nakuha ko, pero ok na ko dun atleast i'm not the lowest pointer. hehe...masaya pa rin ang team namin kahit talo kami). Sa tingin ko, ako ang pinakamasaya dahil na-meet ko dun si BC, ang cute na cute na anak ng aking boss. Naging 'nanny' ako nito ng ilang oras. Hindi ko nilubayan. hehe...And then na-meet ko din si CS, ang anak naman ng isang kaopisinang Indian. Siya yung kakulitan ko din dun. Bago lang ako sa company pero feeling ko ang tagal-tagal ko ng kakilala ang mga batang ito. Ayoko pa nga umuwi dahil gusto ko pa silang alagaan. Nasabi ko nga kay BC "pasyal siya sa ofis, para alagaan ko siya." Maaga akong nagpaalam (@10pm) dahil wala akong kasamang pauwi. Nag-aabang ako ng taxi sa labas ng makita ako ng nanay ni CS, nag-offer silang ihatid ako sa bahay. Di na ako nagpakipot dahil gusto ko pa naman talagang kulitin si CS. Pagkababa ko sa sasakyan, ang sabi ni CS sa akin "gudnyt, see you again" a very sweet child! :-)

Kanina, first time kong naka-attend ng children's mass (@ 3:30pm kasama si jo). And it won't be the last dahil balak kong ulitin ito. Ang saya kanina. Kuhang-kuha ni father tom ang kiliti ng mga bata pati na matatanda. Pero ang napansin ko kanina, tuwang-tuwa ako sa mga tawa ng mga bata. Contagious ang kanilang kasiyahan. Si jo din tuwang-tuwa. May nakita kaming cute na baby girl na naka-dress. Sabi niya, pag babae daw ang first baby nila, ganun din ang fashion-style nito tapos iipitan niya ang hair. Weeehhh, excited na din ako para kay jo. Sana nga magka-baby na sila!!!!!

Pagkatapos ng mass, dumiretso kami sa DFC (Dubai Festival City). Nagpunta kami sa Ikea, para magtingin-tingin ng mga kagamitan sa bahay. Ito na ang aming trip ngayon, mga gamit na sa bahay ang wini-window shopping o kaya naman mga presyo sa supermarket. hahaha. Nanood din kami sa cinnabon kung paano ginagawa ang mga cinnamon rolls.

After naming mapagod at kumain, umuwi na kami. Sa loob ng bus, naalala na naman namin ang mga bata kanina sa simbahan. Nakakatuwa talaga sila. Naramdaman ko din na gustung-gusto na ng aking kaibigan na magka-baby. She will really be a good mother. I'm praying na sana ibigay na ito sa kanila. Excited na din ako sa aking magiging inaanak! :-)





Monday, May 2, 2011

The Choice To Make

Paunawa: Ang inyong matutunghayan ay isa lamang kwentong kutsero ng may-akda. Gawa lamang ito ng kanyang imahinasyon. Bukod sa hindi pa kasi siya inaantok kahit 11:40pm na ng gabi, nakadagdag pa ang kagustuhan niyang makapagsulat sa kanyang blog ngayong araw na ito. :-)



Tahimik ang buong kabahayan nang biglang mag-alarm ang cellphone niya. 6:25am na. Agad siyang bumalikwas ng bangon. Dati-rati ay i-snooze niya ito at tatawad pa ng ilang minutong tulog pero hindi sa araw na ito. Inaabangan niya kasi ang araw na ito. Ito kasi ang itinakdang araw para maibigay na niya ang kanyang desisyon na babago sa kanyang buhay.

SHE LOVES HIM BUT........
No question about it, mahal niya ang taong ito. Kaya niyang isakripisyo ang kanyang pansariling kaligayahan para sa taong ito. Kaya niyang gawin lahat. Ngunit di niya ito gagawin. Napakadami niyang rason. At ang pinakamabigat na dahilan is hindi kasi siya ang kanyang pinapangarap na mahalin.

HE LIKES HER BUT.........
Ilang buwan na din siyang sinusuyo ngunit wala talaga siyang nararamdaman para dito. Ayaw niya itong umasa pa dahil wala siyang maasahan. Masasayang lang ang kanyang panahon. Mas mabuti pang ibaling niya ito sa ibang pagkakaabalahan.

SHE LIKES HIM AND.......
Gustung-gusto niya itong tao nito. "gabi-gabi na lang sa pagtulog ko, ikaw lang panaginip ko. pag ako'y gising na, ikaw pa rin ang nasa isip", yan ang kanyang kanta. Itinuturing niyang konserbatibo ang sarili pero sa isip niya, hinding-hindi siya magpapakipot sa taong ito. Kung pwede nga lang YES na ang sagot, kahit wala namang tinatanong.


Maaga siyang pumasok sa ofis. Month-end closing kaya di niya namalayan na 5:30pm na, uwian na pala. Dahil sa demand ng kanyang work, nag-decide siya na mag-extend ng few more hours. After matapos ng kanyang gawain, nagpaalam na siya sa mga kasamahan. Napatingin siya sa kanyang suot na relo. 7:30pm na. Nagtungo siya sa lugar na napagkasunduan. Bago siya pumasok, huminga muna siya ng malalalim sabay sambit sa sarili na "this is it, it's now or never".

Napaghandaan na niya ito. Ilang beses na din niya itong napag-isipan at ipinagdasal. Buo ang loob niya sa kanyang desisyon---doon siya sa kung saan siya magiging tunay na masaya.
















Tuesday, April 26, 2011

Puzzled

Nagkita-kita kami ng aking mga highschool classmates two weeks ago, 5 kaming nandito sa Dubai. Bumisita kasi ang isa naming kaklase dito at nag-ayang magkaroon kami ng mini-reunion. Napag-usapan namin ang gaganapin na grand reunion ng aming batch sa year 2012! Hindi lang ang section namin ang punong-abala ngayon. 10 sections lahat kami at sa tulong ng FB malapit ng makumpleto ang bawat section. ito ang magiging first-ever grand reunion ng buong batch '97 kaalinsabay ng aming ika-15th anniversary . Di pa ako confirm kung makaka-attend ako pero gusto kong makapunta sympre. Masaya ito for sure. :-)

Pero saglit, patalastas lang yan. Napaisip lang ako sa naging desisyon ng aking kaklase/kaibigan. Ang kanyang message sa amin, "friendships, i'm going home. nasa airport na ako. i'm leaving dubai, hindi ko na kaya sa office." huh?!! lahat kami nabigla dahil wala kaming clue kung anong nangyari. wala ding nabanggit ito nung magkita-kita kami. ang saya-saya pa nga namin.

nung naghahanap ako ng work, isa siya sa mga masugid na tagahanap ko ng pag-aaplayan. kaya naman laking tuwa niya ng makahanap na ako ng work. tapos biglang ngayon, inunahan pa niya ako ng pag-uwi ng pinas! whatever her reasons, nirerespeto ko ito. i wish her all the best! as of this writing, wala pang reply from her. although meron akong hint/hunch na siya ay lalagay na sa tahimik. wala na akong ibang maisip pa na dahilan. :-)



walang kinalaman ang puzzle sa pic, gusto ko lng i-upload ito. hehe.
isa sa mga pinagkaabalahanan namin ni jo nung wala akong work
pero sumuko kami dahil ang hirap mag-isip at magbilang! hahaha. :-)