Sunday, October 11, 2009

Anticipating

I have a little patience in waiting
I hate count downs
For I feel restless & uneasy
Sometimes I easily get bored too

I'd rather keep myself busy
And try to focus on something else
Than look on the time ticking
That seems like a timebomb to me

But this time is very different
For I am anticipating in excitement
My beloved kuya will be coming here
And that would be very very soon! :-)

To my one and only Kuya, i'm super excited that I wrote you a poem na nde yata nagra-ryhme. hehe. I promise your stay here will be memorable! I'm now thinking of our would-be-itinerary. Madami tayong pupuntahan at kakainan. In case you don't know, super magkasundo kami ng aking kuya sa kainan. Pareho kaming malakas kumain. :-)

Saturday, October 10, 2009

Ang Sarap Balikan :-)

Kanina lumabas ako at nagpunta sa pinakamalapit na mall dito para mag-withdraw at magpadala sa aking nanay sa pinas. Habang naglalakad ako ay nag-iisip akong kung ano ang pwedi kong i-blog ngayon. Wala kasi akong maisip kanina. Then nakita ko ang dalawang magsing-irog na magkahawak-kamay. Bigla nagsalita ang aking isip at napangiti "i know that feeling!". Sabay hirit, maisulat nga. hehe. :-)
Pero hindi lovelife ang ikukuwento ko sa ngayon, kahit gustuhin ko man wala talaga akong mapiga..hehe...Subalit madaming mga taong naging bahagi ng buhay ko, mga taong nagbigay inspirasyon sa akin, mga taong nagpakilig ng todo-todo sa akin, mga taong naging crush ko. Ang kanilang alala ay tunay namang kay sarap balikan. In chronological order:

Mr. Chan. Fourth year highschool ako nung maging crush ko si Mr. Chan. Napakabait kasi. As in literally nanlalamig ako tuwing nakikita ko sabay nagba-blush pa. Teacher ko siya sa T.H.E. (Technology & Home Economics), siya ang nagtuturo tungkol sa isometric, perspective drawing at kung anu-ano pang drawing. Eh yun ang pinaka-hate kong subject. Hindi ako marunong mag-drawing. Aminado din akong wala akong ka-art art sa katawan. Pero dahil talagang tinamaan ako ay pinilit ko ang sarili kong matuto. Never akong nagpagawa ng drawing sa iba. Sa taong ding ito ay first time kong sumali sa sports sa intrams namin. Of all sports, basketball pa ang aking sinalihan kasi si Mr. Chan ang aming coach. hehe. Tandang-tanda ko pa Feb 14, may program sa iskul namin kasi Teacher's Day. Naghanda kami ng personal na munting regalo ni RL (na super crush naman ang isa kong teacher). Binigyan namin ang aming mga guro ng magandang ballpen na may design pa na heart ang kanilang mga balot. Si RL ang gumawa ng mga design. Hiyang-hiya talaga ako nun. Sabi ko kay RL hindi ko na kaya ang kahihiyan. Siya naman, wala naman daw kaming masamang ginagawa. Wherein kung minsan nag-iistay kami sa iskul para lang masilayan pa sila ng matagal. hehe. Hanggang maka-gradweyt kami ay sila pa rin ang itinatangi ng aming mga puso. Last day sa iskul namin ay nagpaalam kami ni RL sa kanila sabay abot sa aming bitbit na goodbye at thank you card sa kanila with matching may pagka-dramatic effect pa!..lol.
Sa tuwing magkikita kami ni RL, kumare ko na ngayon, natatawa na lang kami sa aming pinaggagawa. Napapahalpak talaga kami sa kakatawa. Binabalikan namin ang aming hayskul lyf na kay saya. At napasaya pa lalu dahil sa kanila. :-)

Bryan. Si Bryan ay kaklase ko noong college. Isa siya sa pinakamatalino sa klase. Naging champion sa isang tagisan ng talino. Never kong inamin kay MC, bestfriend ko, na crush ko si Bryan (nakikinita ko na ang reaksyon ni MC pag nabasa ito..hahaha..). Naging malapit na din kasi sa amin si Bryan at kaibigan nito. Kasa-kasama namin sila pag break time, bago uwian ay sabay-sabay kaming tumatambay at nagmemeryenda muna. Kakopyahan din namin sila ng assignment. Parang ang galing ko naman, sa akin kumokopya ng assignment si Bryan. hehe...Takot na takot nga si MC baka daw ma-develop ang dalawa sa amin. Ayaw kasi niya sa dalawa. Kung pwedi nga lang huwag na daw silang sama ng sama sa amin. Ang tawag kasi ni MC kina Bryan ay mga kulay putik tapos nag-yoyosi pa sila kaya hindi maiwasan na maamoy namin. In fairness to them, pinilit naman nilang huwag mag-yosi tuwing magkakasama kami.
Ilang buwan din kaming naging close then hindi na namin alam kung anong nangyari bakit bigla nag-iba ang grupo namin. Basta ang alam ko, nawala ang nararamdaman ko sa kanya nang ipakasal namin siya sa Marriage Booth na inorganisa namin nung College Week.
Sa ngayon, si Bryan ay very successful na sa kanyang napiling propesyon. Meron pa din naman kaming contact sa isa't isa. Though wala akong balita tungkol sa lovelife niya at wala naman akong balak alamin..hehe..Tama na sa akin na minsan ay naging makulay ang buhay college ko dahil sa kanya. :-)

Gie. Si Gie ang pinaka naging matindi kong crush so far. Siya ang Manager namin sa dati kong work dito sa Dubai. Dumaan lang siya ay feeling nasa ibang mundo na ako. Sa kanya naging totoo ang mga kilig na aking nararamdaman pag nagbabasa ng love stories. Hindi din lingid sa aking mga kaopisina ang mga kilig moments ko sa kanya..hahaha...natatawa tuloy ako. Madami kasi iyon. Ang simpleng paghawi ng buhok niya ay talaga namang nagpapakilig sa akin. Ang aking workstation ay directly nakaharap sa kanyang ofis. Kaya naman lagi kong suot ang aking salamin sa mata para masulyapan siya. Musika din sa pandinig ko ang bawat salita na marinig ko sa kanya kahit hindi naman sa aking sinasabi nito.
Ngunit ewan ko ba, parang pinaglalaruan ako ng tadhana. Napaka-metikuloso ko pagdating sa work. Pero kay gie, parang wala akong nagawang tama sa paningin niya. Kusang nawala ang todong kilig ko sa kanya. Hanggang sa mag-resign ako at lumipat ulit ng work- ang current work ko na.
Isa sa mga pinakamasayang yugto ng buhay Dubai ko ay nung makapag-trabaho ako sa kumpanya ni gie. Hindi lang dahil sa kanya bagkus dahil din sa mga taong naging malapit sa akin at mga taong naging kaibigan ko doon. Na hanggang ngayon ay mga kaibigan ko pa din.

Disclaimer: Ang mga totoong pangalan ng mga taong nabanggit sa itaas ay kusang iniba sa kagustuhan ng manunulat na panatilihing pribado ang mga ito.

Everyday Routine


my workstation (ang kalat!) :-)





our office at Dubai Investments Park


my residence at Deira Dubai, UAE

Ang Aking Kuya

Simula pagkabata ay proud na proud na ako sa aking kuya. Siya ay kilala sa amin. Siya ay hindi mahiyain. Kilala niyang lahat ang tao sa amin. Kayang-kaya niyang kausapin ang lahat. Matanda man o bata. Mayaman man o mahirap. Bata pa lang kami ay namulat na kami sa kahirapan. Sa aking alaala ay nakikita ko ang aking kuya na sumisigaw ng 'ice drop!' pag umaga at 'penoy balot!' pag gabi. Ganun kasipag at kadiskarte ang aking kuya sa edad na 10 taong gulang. Minsang bakasyon sa iskul ay nag-setup pa siya ng munting tindahan sa harap ng bahay namin at kami namang dalawang nakababatang kapatid ang tumatao dito. (Kahit labag sa kalooban namin ng aking bunsong kapatid ay sinusunod namin ang aking kuya. may takot kasi kami sa kanya).
Wala man sa honor roll ang aking kapatid ay lagi naman siyang kasama sa mga aktibidades sa iskul. Marunong siyang sumayaw mag-isa. Kaya din niyang kumantang mag-isa nang hindi nahihiya. Marunong din siyang mag-drawing. Madalas sa kanya ko ipinapagawa ang mga project ko sa iskul pag tungkol ito sa drawing. Iniisip ko sana nabigyan ako ng kaunting ugali ng kuya ko. Nakikisalamuha sa lahat ng tao. Hindi nakakapagtakang naging SK Chairman siya nung kanyang kabataan.
Mahilig din sa mga hayop at ibon aking kuya. Merong time na naging parang zoo na ang aming bakuran. Dinadayo ito ng mga kaklase ko dahil merong ahas, rabbit, kalapati, batu-bato, pagong at kung anu-ano pa na alaga niya. Pinagbigyan siya ng ang aking mga magulang sa kanyang mga hilig, binilhan siya ng baril at rambo knife. Ang aking namayapang lolo ay sa kanya din ipinamana ang kanyang pinakakamahal na possession- ang kanyang lumang baril. Nang magbinata, nahilig naman siya sa pagpapalaki ng katawan. Naging idol niya si Arnold Schwarzenegger. Sumali siya sa iba't ibang paligsahan ng palakihan ng katawan.
Mahal ko ang aking kuya pati na ang aming bunsong kapatid ngunit hindi ko ito masabi ng personal sa kanila. Hindi kasi kami nasanay sa bahay na nagsasabihan ng 'i love you' sa isa't isa. Lalu na parehong lalaki ang aking mga kapatid. Minsan naisipan kong gumawa ng sulat sa kanila (nag-aaral ako sa Maynila noon), pagkauwi ko sa bahay ay nakita ko ang sulat na nakakalat lang sa aming bahay. Nabuksan naman nila pero deadma. Mukhang wala silang panahon sa pagda-drama ko..hehe....Yun na ang una at huling sulat ko sa kanila.
Maaga kaming naulila sa ama kaya in a way, ang kuya ko na ang tumayong ama namin ng aking kapatid. Dahil na rin sa kagustuhan kong makatulong din sa aming pamilya ay pinagbuti ko ang aking pag-aaral. Naka-gradweyt ako sa kolehiyo.
Nag-review ako para sa board exam at pumasa sa tulong at suporta ng aking pamilya. Naiyak ako nang malaman ko na nag-prayer text brigade pala ang kuya sa mga kaibigan niya para makapasa ako sa board. Nabanggit ito ng isa sa mga kaibigan niya sa akin. Na-touched talaga ako at malaking bagay sa akin ang ginawa niya. Lagi ding nandyan ang kuya ko pag alam niyang malungkot ako. Bigla na lang magsasalita yan at tatanungin ako kung okay lang ba ako.
Meron din silang silent agreement ng mga barkada niya na bawal akong ligawan ng mga ito. Sayang, as in ang dami talagang guwapo sa mga barkada niya..hehe....Anyway, alam kong gusto lang niya akong protektahan.
Nang mag-desisyon akong mag-boyfriend na ay nanahimik at nag-obserba lang siya. Sabi nga nung ex-bf ko, para daw siyang inoobserbahan sa laboratoryo ng kuya ko at iba daw ang pakikitungo sa kanya pag hindi ko nakikita. Hindi nagtagal ay naghiwalay kami. Tinanong lang nang kuya ko, ano ang dahilan? sinaktan ba daw ako? Nung sinabi kong desisyon ko din makipaghiwalay. Parang feeling ko lumiwanag ang mukha ng aking kuya hehe..Ayaw kasi nila dun.
Meron nang sariling pamilya ang aking kuya. Every now and then kahit andito na ako sa Dubai ay lagi niyang ipinapaalala sa akin na mag-ingat daw ako lagi, madami daw na lalaking manloloko. Huwag daw akong maniwala kaagad-agad. Basta daw dapat makilala muna niya kung sinuman ang magustuhan ko. Kilala daw niya ang likaw ng bituka ng mga ito. Pero lately, mukhang nagsawa at medyo nainip na ang kuya ko sa akin. Tinanong ba naman ako kung wala ba talaga akong balak mag-boyfriend na? Hahanapan na daw niya ako. Hindi ako naniniwala. :-)


Sa Kabila Ng Lahat

Hindi ko maiwasang malungkot tuwing nakatutok sa aming telebisyon dito sa ibayong dagat.
Wala man ako sa sariling bayan ngayon ay 24/7 kong nalalaman at inaalam ang kondisyon ng aking pamilya at kababayan. Ramdam ko ang paghihirap ng ating mga kababayan. Ako ay dumadalangin na sana matapos na ang krisis na ating pinagdadaanan.
Hindi pa nga tayo nakakarekober sa hagupit ng bagyong Ondoy ay dumating na si bagyong Pepeng. Nawa'y bigyan pa tayo ng dagdag na lakas at katapangan para malagpasan natin ang mga pagsubok na ito.
Sa mga panahong ding ito, hindi din matatawaran ang pagsuporta ng bawat Pilipino saan mang bahagi ng mundo. Madami tayong mga kababayan ang lubos at buong pusong tumutulong sa ating mga kababayang apektado. Ako ay nakikiisa sa kanilang mga mabubuting adhikain.
Sa huli, ako ay positibo na muli tayong makakabangon at makakabawi. Hindi tayo pababayaan ng Nasa Itaas. Maniwala tayo.


Wednesday, October 7, 2009

Yahoo Inbox

It is my routine to always check my yahoo email whenever I am on-line. I don't want to miss any message from friends. And somehow, i'm hoping to receive message from someone. But since I'm so lazy reading forwarded & spam messages, I now have 2,591 unread messages! I just wish I did not overlook important emails.
While in my work email, I always make sure I don't have unread messages. Because it means there are no pending issues with me, i'm updated and on top of my work. I receive an average of 35 emails (not including personal mails) everyday in the office. I am able to manage my work email perfectly but I can't seem to do the same in my yahoo email.
I don't know what keep me from cleaning my yahoo inbox. Is it because long time ago, this inbox had caused me too much happiness and at the same time too much heartaches? Did I intentionally ignore incoming mails because I want to forget everything about them? These could be the reasons. But nope, right now I just simply don't have much time. Besides, i'm more into blogging right now. :-)

The Untold Inbox Folder
I had used my yahoo email as my business email in my first company here in Dubai. To make my mails manageable, i subdivided my messages and created folders for each subjects/companies/issues etc. It was during this time that I created this one folder especially made for one person.
From July 6, 2006 to March 17, 2007, this folder accumulated 294 messages from this one person. I remember all are happy messages except the last 2 messages. This folder is not complete for there are two messages received after that (one in 2008 & another one this year)but I failed to transfer them.
I did think of deleting this folder before but there is a force within me telling me not to. And so I cancelled the thought, what I did instead is tried not to see that folder as much as I can. Right timing for I resigned and transferred to another company in Apr 14, 2007. We don't have access to yahoo mail in the office, just a work mail. I became busy. I found some good friends. I went out and enjoyed the world. I almost forgot about this folder. Almost but not quite.
I've learned so much from this folder. I can only be thankful of it. I would have wanted to make the ending differently. But fate interfered. To quote one of the messages in the folder, it says "if i stay i will only be in your way, so I'll go". :-(

Monday, October 5, 2009

Mga Tunay na Kwento ng Pag-ibig

Mahilig akong magbasa ng romance pocketbook dati. First year highschool ako nun nang ipakilala ito sa akin ni BC, isang kaibigan ng kaibigan ko sa baryo namin. Nagkainteres agad ako sa pagbasa ng mga istorya ng pag-ibig. Madalas kinikilig pa ako habang nagbabasa ng mga ito. Timing naman, merong rentahan ng pocketbook malapit sa iskul namin at naging suki ako dun. Paborito ko noon ang Valentine Romance. :-)
After highschool, sa Maynila na ako nag-aral. Akala ko noon matatapos na ang aking pagka-adik sa pocketbook. Nagkamali ako, mas naging adik pa ako. Nadiskubre kong meron pa-rentahan na naman ng pocketbook malapit sa aming boarding house at iskul. Pwedi mo itong isoli after 3 days basta ibibigay mo lang sa kanila ang registration card mo. Merong time na kinuha ko lang registration card ko dahil tapos na ang semester.hehe. Natatawa tuloy ako ngayon. Ganun pala talaga ako ka-adik nun. Naging paborito ko naman ang Precious Hearts Romance. :-) Hindi ako nagsasawang magbasa noon. Kahit nasaan ako- sa iskul, sa boarding house, sa dyip, sa bus at maski sa bahay namin sa probinsya. Mabilis lang akong makatapos ng isang tagalog pocketbook- matagal na ang dalawang oras. Kaya pag meron akong time, nakakadami talaga ako ng pocketbook na puro mga kwento ng pag-ibig. Tapos, 2nd year college ng maging close kami ng bestfriend kong si MC. Isa din siyang certified adik! Meron siyang sariling pa-rentahan ng pocketbook sa kanilang bahay sa Navotas. Dito na ako mas lalong na-adik. Ibang level na ito, naging tagasubaybay naman ako ng mga series na pocketbook. Bawat isang series merong humigit-kumulang na 25 pocketbooks dito. Nakarami din ako ng series, pero ang naging all time favorite namin ng aking kaibigan ay ang Kristine Series. Natapos namin ang series na ito, fourth year college na kami! Sa mga panahon na ito, nagsimula din akong magbasa ng mga English pocketbook kagaya ng Mills & Boon at Harlequin Romance.Hanggang sa dumating ang time na parang alam ko na agad ang mangyayari sa istorya. Siguro sa sobrang daming istorya na nabasa ko, parang ang tingin ko ay magkakapareho na sila. Bago pa ako gumaradweyt sa college ay nauna na ang pag-gradwyet ko sa pagbabasa ng pocketbook.

Napadami yata ang aking introduction. Gusto ko lang ipaalam sa inyo kung gaano na kadami ang aking mga nabasang kwento ng pag-ibig. Pero ang susunod ninyong matutunghayan ay mga totoong kwento ng pag-ibig na nagbibigay inspirasyon sa akin para maniwala pa rin sa pag-ibig.


Lovers in Friendster
Nakilala ko si CF dito sa Dubai nung Dec 2005. Siya ang nag-train sa akin sa unang kumpanya kong pinasukan dito sa Dubai. Ako sana ang pansamantalang papalit sa kanya habang siya ay naka-maternity leave. Saglit lang ang aming pagsasama dahil after a month ay nag-decide akong lumipat sa ibang kumpanya habang hindi pa nila ako nabibigyan ng visa. Sa maiksing pagsasama namin ay nabuo ang isang matagalang pagkakaibigan. Naikwento niya ang simula ng istorya ng pagmamahalan nila ng kanyang asawang si MF.
Si CF at MF ay magka-schoolmate nung highschool. Magkakilala sila sa mukha pero never silang nagkausap man lang. Though sabi ni CF, medyo crush na niya dati pa si MF :-). Nagkahiwalay sila ng landas after highschool. Naging busy sa college at pagkatapos sa kani-kanilang mga career. Dahil may ate si CF dito sa Dubai, nag-decide siyang subukan ding magtrabaho dito. Fyi, si CF ay NBSB (no boyfriend since birth) sa mga panahong ito. Wala siyang kaalam-alam na mababago ang buhay niya ng isang message sa Friendster.
Samantala, si MF ay isa nang ganap na inhinyero at ang isang kagaya niya ay in-demand noon sa UAE. Kaya naman hindi niya hinayaang mawala ang malaking oportunidad. Nadestino siya sa Abu Dhabi (humigit kumulang dalawang oras ang layo sa Dubai). Nang maging maayos ang lahat kay MF ay sinubukan niyang magkaroon ng contact sa kanyang one great love. Hindi siya mahilig sa mga social networking pero sumali pa rin siya sa Friendster at nagbakasakaling doon siya makakuha ng impormasyon kay CF. Tama ang kanyang kutob. Nakita niya sa Friendster si CF at laking tuwa niya ng makita ang impormasyon na nasa UAE din pala ito. Kahit may pagkamahiyain, naglakas-loob siyang mag-send ng message kay CF.
Palibhasa busy si CF sa madaming bagay, hindi niya regular nabubuksan ang kanyang Friendster . Minsan, pagkauwi niya galing sa ofis sinabihan siya ng kanyang kapatid na meron nag-message sa kanya sa Friendster at itinatanong kung kakilala ba niya si CF. Na-curious si CF kung sino ang naghahanap sa kanya so dali-dali niyang binuksan ang kanyang account sa Friendster at dun na niya nakita na meron palang mga messages si MF na two weeks old na.
Doon na nagsimula ang walang hanggang pagmamahalan nina CF at MF. Ilang taon ang lumipas mula noon, sila ay nagpakasal at nabiyayaan ng isang magandang supling na si baby HF. Ngayon ay nasa Canada na sila, masaya at magkakasamang namumuhay doon.
Lagi kong naalala ang kanilang istorya tuwing nag-memessage sa akin si CF sa Friendster. Natutuwa ako at kinikilig pa din. Sinasabi ko din kay CF na isa sila sa mga inspirasyon ko pagdating sa buhay pag-ibig. Ang Nasa Itaas kasi ang sentro ng kanilang pag-iibigan. Sa kanila ko din napatunayan na True love waits. :-)


Untitled Love

Si Maria (hindi tunay na pangalan) ay isa sa mga matalik kong kaibigan. Siya ay likas na may pagkabusilak ang puso. Hindi matatawaran ang kanyang pagmamahal at pag-intindi sa lahat ng mga taong nakapalibot sa kanya. Kayang-kaya niyang ipaglaban ang mga taong mahal niya.
Hindi nakapagtatakang madami ang umaaligid sa kanya para lang sila ang piliin nito. Nagmahal siya sa unang pagkakataon. Naging maligaya siya sa kanyang unang pag-ibig ngunit ito din pala ang magdudulot sa kanya para maranasan ang sakit at hapdi ng isang nagmamahal.
Nawalan na siyang ganang magmahal ulit. Ayaw na niya kasing masaktan ulit. Nagbago ang kanyang pananaw sa pag-ibig. Ayaw na din niyang mahulog ang loob kahit kaninuman.
Si Romeo (hindi tunay na pangalan) ay kaibigan ni Maria mula pa noong college days nila. Isa din siya sa mga nakilala kong sobrang bait. Kung tutuusin bagay na bagay talaga sila ni Maria. Though may nararamdaman na siya kay Maria ay pinili niyang manahimik at maging masaya na lang para sa kaibigan. Pinilit niyang maging mabuting kaibigan dito. Lagi lang siyang nandoon para kay Maria.
Nang masawi sa pag-ibig si Maria ay nasaktan din si Romeo para sa kaibigan. Ipinangako niya sa sarili na hinding-hindi niya hahayaang masaktan si Maria. Wala mang lakas ng loob para masabi ang nararamdaman, idinaan niya ito sa gawa. Naging visible siya sa lahat ng pinupuntahan ng kaibigan. Nakipagkaibigan sa mga kaibigan nito. Pati sa pamilya ni Maria ay nakipaglapit ito.
Sa pagdaan ng panahon, si Maria ay nakarekober na. Wala na siyang nararamdamang sakit. Pero wala pa rin siyang balak umibig ulit. Kuntento na siyang meron siyang mga kaibigang nagmamahal sa kanya kasama na si Romeo.
Dahil laging magkasama ang dalawa, hindi tuloy maiwasan na tuksuhin silang dalawa. Syempre si Maria ay todo tanggi-magkaibigan lang daw talaga sila at hanggang doon na lang. Hindi niya namamalayang nasasaktan na ang kaibigan dahil meron pala itong itinatagong damdamin sa kanya.
Hanggang sa dumating ang araw na hinahanap hanap na ni Maria si Romeo. Para bang hindi kumpleto ang araw niya pag hindi niya ito nasisilayan. Na-realize ni Maria, inlab na siya kay Romeo. Hindi niya pinilit at sinadya ngunit nangyari.
Ang pag-iibigan ng dalawa ay naging ehemplo naming magkakaibigan. Mula pa noon ay alam na naming magiging masaya sila sa isa't isa. Kampante kami na ang natutunang mahalin ni Maria ay si Romeo na lubos ang pagmamahal sa kanya. :-)