Sunday, November 29, 2009
OYM!
Pinilit ko talaga sa amin na magkaroon ng internet kasi mas mura ang chat kesa tawag plus yung kuya ko nasa abroad din tsaka yung asawa ng aming bunso, mas convenient lahat sa amin pag may internet. Malaking tipid sa load sa akin. Kung dati 8 cards ang budget ko sa isang buwan, ngayon pwedi na ang 3 cards pag walang okasyon. Yun nga lang tuwing Friday or Saturday ko lng sila naka-kachat. Dahil sa 4 hours time difference, tulog na sila pagkatapos ko sa work. Ok na sa akin yun. Normal chat hours naman ng aming nanay is almost 3 hours lagi..hehe. Grabeh, sumusuko ang aking nanay sa akin. Masakit na daw ang tenga niya...hahaha. Tinatawagan ko din sila in-between days. Sabi ng aking nanay, daig ko pa nga daw nung nagta-trabaho ako sa Maynila. Parang andun lang daw ako. (Sa akin, sana nga andun lang talaga ako)
Buti nga natuto na ding mag-chat ang aking mga kapatid. Dahil siguro naranasan din nila ang magtrabaho sa ibayong dagat. Alam na nila ngayon kung gaano kahalaga ang YM pag nasa abroad ka. Dito kasi, walang limit ang usapan...one to sawa kumbaga. Unlike pag sa mobile, laging bitin ang usapan o kaya naman nagmamadali lahat kasi alam na mahal ang tawag pag overseas. Kaya ako, sanay sila dati sa amin ..."HELLO MA! MUSTA NA? OK NAMAN AKO DITO. CGE, BABAY!". hahaha....o kaya naman on other side of the line "LOLA, SI TITA NASA PHONE"-sigaw ng pamangkin ko sabay takbo ng mabilis papunta sa nanay ko..."HELLO ANAK, NASA LIKOD AKO NANG BAHAY, BUTI NA LANG SINAGOT NI GEY2 ANG PHONE. MANGANGANAK KASI ANG BABOY NGAUN KAILANGAN MAY NAKABANTAY. YUNG KABABATA MO PALA NANGANAK NA, NINANG KA DAW. SI MANONG ISUNG (jogging mate namin dati sa baryo) NANDTO NGAUN SA PINAS, TINATANONG KA. PUNTA AKO SA TITA MO BUKAS, BIRTHDAY NG APO NIYA, SAMA KO SINA GEY2, AWUD, & KOB (my three pamangkins)...kwento pa si madir..hanggang sa "MA, MERON NA AKONG NARIRINIG NA WARNING SIGN DITO PAUBOS NA ANG LOAD KO, PAG NAWALA AKO IBIG SABIHIN UBOS NA"...."OK"-sabi ng nanay ko sabay tuluy sa kwento at biglang may naalala pang bagong kwento...at Tooooot..Toooot. Tooooot....naputol na ang linya.
Ako, naiwang balisa at hindi mapakali. Pag feeling ko makakatulog naman ako, sa next tawag ko yun ang unang-una kong itatanong. Pero pag feeling ko kailangan kong malaman yun, punta sa tindahan at bili ng card. Bitin. :-)
Pag sa YM, patatagan kami. Actually, parang paulit-ulit kami kung minsan ng aking nanay. Kung minsan nagku-kwento siya biglang sasabihin niya sa akin parang nakwento na daw niya sa akin. Naikwento na nga niya. Pag wala na kaming mapag-usapan showbiz at politics naman. hehe. O kaya naman pagku-kwentuhan namin ang palabas..usually TV Patrol kasi live ito sa TFC. Kaya parang magkasama lang kami sa bahay na sabay nanonood. :-)
Why suddenly i thought to blog YM? kasi ka-YM ko ang kuya ko kanina lang. As i've earlier blogged, isa na siyang chef ngaun. Ang kulit kulit ko daw sabi niya. Kinukulit ko kasi siya to send me back pic na naka-uniform at yung mga gawa niya para sa aking blog. I'm so proud of him kc and I want to blog him as chef. hehe....Sana mapadala niya ang mga ito soon. :-)
Ang comment ng kuya ko regarding my request:
"Bakit nakatalikod na litrato ang gusto mo? Ikinakahiya mo ba ang itsura ko? Pangit ba ako?"
Napatawa niya talaga ako dito. I explained to him na gusto kong magpaka-anonymous sa blog ko. Pero kung gusto niya, cge ipo-post ko pic nia dito. Akala ko sasabihin niya, cge i-post ko (ang kuya ko is kabaligtaran kasi namin ng aming bunso- mahiyain daw kami). Buti na lang ayaw din nia. hehe.
Saturday, November 28, 2009
Saying Yes Responsibly
The Tagline:
Everyday millions of people around the world are moving their lives forward, making things happen. Saying 'yes' to a brighter future.
The Lyrics:
Standing on your two feet baby
Tell me what do you need
Oh
It's not to show or prove, make your move
Do what you gotta do
Do what you gotta do
Standing on you two feet baby
Tell me what do you need
Stand up on your two feet baby
That's how it's got to be
ps:
today is another milestone in my 'blogging' life. i successfully posted the first ever video in my blog (from YouTube). i'm so proud of myself. lol. feels like heaven. :-)
Friday, November 27, 2009
Being Childlike Once in Awhile
I gotta feeling that tonight’s gonna be a good night
that tonight’s gonna be a good night
that tonight’s gonna be a good good night (x3)
I was right all along. It was really a good good night. Thanks PC for having to bear with my kind of 'trip'. :-)
@ Stargate, inside Zabeel Parkthis is supposed to be the Planet Earth but can't find Philippines in it.
Thursday, November 26, 2009
Sleepless in Dubai
When i'm consciously feeling lonely & dissatisfied, that is the time i get to re-think & reassess my own life. I always get the same assessment everytime i do it- that i'm so blessed and my life is not that bad afterall. Then, i'll be okay. Ready na ulit makipaglaban sa buhay-buhay. :-)
I am more mature now. Dati kasi pag nalulungkot ako, ayokong lumabas ng bahay. Masyado akong nagpapakalunod at sinusulit ang nararamdaman kong kalungkutan. lol. But i've changed now, parang kayang-kaya ko na ang lahat. Or natanggap ko na lang na ganito talaga ang buhay sa abroad. Bittersweet.
Eto ang mga ilang bagay na nakakapagpaalis ng 'homesickness' sa akin:
ngitian pa ako ng ganito. parang ayoko nang umalis tuloy. hehe.
nagagawa ko lang ito pag lumalabas akong mag-isa so this is the perfect time for me.
favourite ko ngaun mga nobela ni Jodi Picoult. :-)
Tuesday, November 24, 2009
My Two Brothers & Our Nanay
Sabi ko sa nanay ko, huwag siyang mag-alala. Ngayon pa lang magpapakabait na ako sa mga kapatid at mga pamangkin ko para pagdating ng araw maalala nila ako at alagaan. hehe. Huwag ko daw gawing biro ito baka magaya ako sa isa na namang kamag-anak na babae na 43 years old naman. Ngayon daw nagsisisi siya na hindi siya nag-asawa. Nahuli daw siya sa biyahe. Eto pa ang sinabi ni madir, dapat daw sa edad ko ngayon meron na akong boyfriend! Tama bang i-pressure ako. hehe. I told her about daring myself getting a date before this year ends, tawa siya. ( i'll blog the dev't of this soon).
Back to my two brothers:
MP- He's the 'bunso' in the family. Unlike me & my kuya, he is super tahimik. He seldom talks. Sabi nga nila, paano kaya daw siya nanligaw at nakapag-asawa. In fairness, napakaswerte niya sa kanyang naging asawa. Ang bait daw at marunong sa buhay. Coming from my mother, naniniwala ako dito. Napakabait din kasi ng aking kapatid. He's currently busy in his farm (this is a true farm, not Farmtown.lol). He's a farmer now :-). We're so proud of him for he has become a responsible person esp. now that he's a family man. He has a one very cute son turning one-year old this Feb which we all adore. I remember when he told me that he's getting married, i was adamant then for really for me, he's still my little brother.
Ang ikinakatuwa ko sa kapatid ko nung bata kami is pag meron siyang kailangan, lapit agad siya sa akin. Ako naman, feel na feel ko ang pagiging ate. He calls me 'Te' short for Ate. He's the only person who calls me that way. Would you believe ako ang tagagawa ng love letters ng aking kapatid nang magsimula siyang manligaw nung highschool? hehe. Salutatorian daw nila ang nililigawan niya, gusto niya english ang letter, sympre nagpapasikat si bunso. haha. Ganun kabilib sa english ko ang aking kapatid. Hindi naglaon napasagot ng aking kapatid ang kanyang nililigawan. Ako ang numero unong natuwa. In fairness sa aking kapatid, sulat kamay naman niya ang mga love letters na ibinibigay at isang babae lang ang sinusulatan namin. Partners in good crime kami talaga nun.
JP- He's our big brother. Nasa ibayong dagat din siya. Kelan lang cguro mga two weeks ago, he phoned me for his good news. He is now a chef! I'm not joking. He never attended a formal cooking school, though i have no doubt kayang-kaya niya ang maging chef. Sa bahay namin dati, pag nagluto siya para siyang chef talaga. Lahat kami pagod sa kanya sa kaka-assist sa kanya. hehe. Sabi nga namin ni madir, nakuha niya ang kanyang gusto. We're just so proud of him! Lalo na ang aming nanay at ang kanyang pamilya sa Pinas. He has a 9-year-old son and a 6-year-old daughter na kamukha ko daw. Lagi kaming napagkakamalan dati na mag-ina pag sinasama ko siya sa lakaran. :-)
To read more of my kuya, please click my previous blog entry Ang Aking Kuya.
When we were younger, i always tell other people that our 'bunso' was the favorite of our mother while me was the favorite of our father ('tang, mis na kita. 2nd yr highschool ako nang mawalan kami ng tatay). Our parents would always tell us we are all their favorites- pantay pantay lang daw kami. When I grew older, my mom confessed to me that iba daw ang panganay na anak which is my Kuya. Lahat ibinibigay sa kanya. Hmmm, kuya nakalamang ka sa amin dun ah. Anyhow, sa aming magkakapatid walang sibling rivalry na nangyari. Mataas talaga ang respeto namin sa isa't isa.
Would you believe next to my mom is sa Kuya ko ako natatakot. I guess ganun din ang nararamdaman sa amin ng aming bunsong kapatid. Takot not because of anything but because of the love and respect we have for each other.
Back to the concern of my mother:
Tinanong ko siya kung sino sa dalawa kong kapatid sa tingin niya ang kukupkop nang maluwag sa akin pagtanda ko if ever nde nga ako makapag-asawa. hehe. Aba with all her pride, sinagot niya ako na wala daw akong problema dun kasi love na love daw ako ng aking mga kapatid. :-). Sabay sabing pero nde daw makukumpleto ang kanyang kasiyahan sa buhay pag nde niya nakitang may sarili akong pamilya. Hala, ang nanay ko masyado niya akong minamadali. Bakit daw nde ko subukang makipag-chat or makipag-text mate? Hahaha...napatawa talaga ako ng malakas dito. Uso naman daw ito kasi yung anak ng kumare niya, nakapag-asawa thru chat lang. Biglang sisingitan naman niya na pag daw nag-asawa ako, sasama siya sa akin. Doon siya titira sa amin. Sabi ko talagang dapat ang mapangasawa ko mabait talaga. Kaya huwag kaming mainip baka piniprepare pa ng Nasa Itaas or baka on the way na pala. :-)
Ang aking nanay talaga. Binibigyan ako nang isipin ngayon. hehe. Bukas chat ulit kami, baka biglang mabago na ang topic. Napapansin ko parang all time favorite niya ang tungkol sa pagpapamilya ko. Next year daw 29 na ako, yung pinsan ko kasi na feeling ng lahat ng kamag-anak namin na tatandang dalaga 29 nakapag-asawa siya. So biglang nasabi ni madir, malalampasan ko pa pala ang record na iyon. hahaha....Natatawa talaga ako.
***naiintindihan ko naman ang aking nanay, kasi lahat ng mga kapatid at pinsan ko nag-asawa na lahat. Ako na bale ang pinakamatanda talaga na walang asawa pa. So feeling cguro ng nanay ko, huling-huli na ako.***
All About My Passion in Blogging
What's the best way to start my vacation than to blog. hehe. I'd finished my blog entry yesterday at 4 am today. I was so engrossed with what I'm doing that I forgot the time. Ewan ko ba, iba ang hatak ng 'blogging' sa akin. Masyado akong pinapasaya nito (kahit na lately medyo may mga kalungkutang sumasagi sa isipan ko). Aminado naman ako na hindi naman talaga kagandahan ang mga pinagsusulat ko dito. But still, i can't help but feel proud pag nakikita ko na ang aking blog. :-)
I set a target of an average of one post per day. My friend & housemate JC always laughs at me kasi tuwing gabi pagkagaling sa ofis lagi akong nagmamadali to blog na para bang may hinahabol akong deadline. Niloloko ako ng mga housemates ko, sana daw yung blog ko pwedi din nilang makita. Hindi lang ako ang nakakaalam. hehe. Sabi ko, in time.
Malapit na akong mag 2 months! Yehey! Nakakatuwa kasi ayoko ng count down talaga pero ngayon i'm anticipating the days to come. Excited sobra. hehe.
Hindi na din ako masyadong insecure sa mga sinusubaybayan kong blogs ngayon, nde ko na nararamdaman na nakakahiya ang blog ko.hehe.. Bagkus, lalo akong na-iinspired sa mga gawa nila. Malay mo, one day makapagsulat din ako ng kagaya ng sa kanila. :-)
Monday, November 23, 2009
'Madugong' Araw
Anyway, mukhang in-born naman yata sa akin ang pagluluto. Naks! (binuhat ko na ang sarili kong bangko). Sabi kasi ng mga kaopisina ko, masarap daw ang luto ko. Minsan kasi dinalhan ko sila ng 'dinuguan' for our lunch. Aba, nde na nakalimutan. Hehe. Last week, kinulit ako ng kinulit ni JM, ang bagong kasal na kaopisina ko. Kung pwedi daw akong magluto ulit ng 'dinuguan'. Sabi ko cge kasi bawal daw ang tumatanggi sa taong naglilihi, niloloko ko lang kasi kagagaling sa honeymoon.
So nung Saturday ng gabi, nagluto ako ng dinuguan sa bahay. Parang fiesta nga sa amin kasi halos lahat natakam sa aking niluluto. Natuwa naman ako. Naisip ko agad ang nanay ko, she would be proud of me. Ang anak niya marunong ding magluto. Mana sa kanya. hehe.
Nakakatawa kasi medyo 'feeling down' ako sa mga panahong ito pero nakalimutan ko ito nang mag-umpisa na akong magluto sinabayan pa ng aking pagkuha ng mga litrato. :-)
HOW TO COOK A 'DINUGUAN'?
(nilagay ko lang alak dyan for picture purposes;
matagal ko nang kinalimutan ang pag-inom. hehe)
nagdala pa ng puto si JM para kumpleto ang puto't dinuguan
Segue. Kinagabihan nag-pregnancy test si JM para malaman kung buntis na nga siya. Take note, POSITIVE! Congrats, JM! So, totoo talaga na pinaglihian niya ang aking luto. Kinukulit na naman tuloy ako kanina ng mga kaopisina ko magluto ulit daw ako. Tokwa't baboy naman. Hala, masyadong nasarapan sa aking luto. hehe..Sabi ko, cge sa December na, naka-leave na ako from office. :-)



