Monday, November 23, 2009

'Madugong' Araw

Galing ako sa probinsya kung saan masasarap daw magluto ang mga tao. Ang nanay ko as in superb ang mga luto. Pero ako medyo ang nakahiligan dati ay ang pagkain ng mga masasarap na luto ng aking nanay kaya ngaun pa lang talaga ako nakakapag-aral magluto. Kasi required, nasa Pinas si madir walang magluluto para sa akin. :-)

Anyway, mukhang in-born naman yata sa akin ang pagluluto. Naks! (binuhat ko na ang sarili kong bangko). Sabi kasi ng mga kaopisina ko, masarap daw ang luto ko. Minsan kasi dinalhan ko sila ng 'dinuguan' for our lunch. Aba, nde na nakalimutan. Hehe. Last week, kinulit ako ng kinulit ni JM, ang bagong kasal na kaopisina ko. Kung pwedi daw akong magluto ulit ng 'dinuguan'. Sabi ko cge kasi bawal daw ang tumatanggi sa taong naglilihi, niloloko ko lang kasi kagagaling sa honeymoon.

So nung Saturday ng gabi, nagluto ako ng dinuguan sa bahay. Parang fiesta nga sa amin kasi halos lahat natakam sa aking niluluto. Natuwa naman ako. Naisip ko agad ang nanay ko, she would be proud of me. Ang anak niya marunong ding magluto. Mana sa kanya. hehe.
Nakakatawa kasi medyo 'feeling down' ako sa mga panahong ito pero nakalimutan ko ito nang mag-umpisa na akong magluto sinabayan pa ng aking pagkuha ng mga litrato. :-)

HOW TO COOK A 'DINUGUAN'?

Complete Ingredients: pork belly, pork intestine, pig's blood,
sili, vinegar, fish sauce


cut the pork belly & pork intestine into small pieces; boil it until tender
igisa at ilagay ang pig's blood na may halong vinegar;
lutuin ng maigi bago tikman ito, lagyan ng fish sauce at vinegar ayon sa panlasa

yipee! my masterpiece :-)
(nilagay ko lang alak dyan for picture purposes;
matagal ko nang kinalimutan ang pag-inom. hehe)


fiesta kami sa canteen namin last Sunday
nagdala pa ng puto si JM para kumpleto ang puto't dinuguan



Segue. Kinagabihan nag-pregnancy test si JM para malaman kung buntis na nga siya. Take note, POSITIVE! Congrats, JM! So, totoo talaga na pinaglihian niya ang aking luto. Kinukulit na naman tuloy ako kanina ng mga kaopisina ko magluto ulit daw ako. Tokwa't baboy naman. Hala, masyadong nasarapan sa aking luto. hehe..Sabi ko, cge sa December na, naka-leave na ako from office. :-)
ps: grabeh, 4am na dito. i need to sleep na. :-)

No comments:

Post a Comment