Naiiyak ako. Ang sama sama ng aking loob sa isang taong itinuring kong kaibigan. Wala akong hinangad kundi kabutihan lang sa taong ito. Never akong gagawa ng isang bagay na ikakasama niya. Nakakalungkot kasi hindi pala niya nakikita ito.
Akala ko tapos na ang aking 'paghihirap' sa taong ito. Lately kasi napansin ko talaga na ang bait bait na niya pati sa akin. Nararamdaman ko na ang kanyang concern. Ang saya saya ko kasi okay na ang lahat sa buhay niya. Nalampasan na niya ang mga unos sa buhay niya.
Nagkamali ako. For the nth time, pinasama niya ang loob ko ng todo. Hindi ako makapaniwalang all this time pala kasama ako sa mga taong itinuturing niyang kaaway. Harap-harapan akong pinagbintangan sa isang bagay na hinding-hinde ko kayang gawin sa kanya. Ni sa aking hinagap ay hindi sumagi man lang sa isipan ko ang bagay na ibinibintang sa akin. But I do appreciate him for telling me the whole truth. For his honesty and trust. Yun naman ang gusto ko. Malaman kung ano ang totoo kahit gaano man ito kasakit.
Naiiyak pa rin ako. Masama ang loob. Disappointed. Betrayed.
But
FREE.
No comments:
Post a Comment