Ang pamilya namin nde mahilig sa techonology, makaluma talaga. Pare-pareho kami na nde mahilig sa computers (since, i am a blogger na pinipilit kong maging updated na ngaun.hehe). Lately lang nila in-embrace ang pag-chachat. Yung dalawa kong kapatid kelan lang sila nagkaroon ng sariling yahoo email. Yung nanay ko naman, ginawan ko pero ang ginagamit na account yung sa kapatid ko din. So malamang, inactive na din yun. Nakalimutan ko na nga din password niya.
Pinilit ko talaga sa amin na magkaroon ng internet kasi mas mura ang chat kesa tawag plus yung kuya ko nasa abroad din tsaka yung asawa ng aming bunso, mas convenient lahat sa amin pag may internet. Malaking tipid sa load sa akin. Kung dati 8 cards ang budget ko sa isang buwan, ngayon pwedi na ang 3 cards pag walang okasyon. Yun nga lang tuwing Friday or Saturday ko lng sila naka-kachat. Dahil sa 4 hours time difference, tulog na sila pagkatapos ko sa work. Ok na sa akin yun. Normal chat hours naman ng aming nanay is almost 3 hours lagi..hehe. Grabeh, sumusuko ang aking nanay sa akin. Masakit na daw ang tenga niya...hahaha. Tinatawagan ko din sila in-between days. Sabi ng aking nanay, daig ko pa nga daw nung nagta-trabaho ako sa Maynila. Parang andun lang daw ako. (Sa akin, sana nga andun lang talaga ako)
Buti nga natuto na ding mag-chat ang aking mga kapatid. Dahil siguro naranasan din nila ang magtrabaho sa ibayong dagat. Alam na nila ngayon kung gaano kahalaga ang YM pag nasa abroad ka. Dito kasi, walang limit ang usapan...one to sawa kumbaga. Unlike pag sa mobile, laging bitin ang usapan o kaya naman nagmamadali lahat kasi alam na mahal ang tawag pag overseas. Kaya ako, sanay sila dati sa amin ..."HELLO MA! MUSTA NA? OK NAMAN AKO DITO. CGE, BABAY!". hahaha....o kaya naman on other side of the line "LOLA, SI TITA NASA PHONE"-sigaw ng pamangkin ko sabay takbo ng mabilis papunta sa nanay ko..."HELLO ANAK, NASA LIKOD AKO NANG BAHAY, BUTI NA LANG SINAGOT NI GEY2 ANG PHONE. MANGANGANAK KASI ANG BABOY NGAUN KAILANGAN MAY NAKABANTAY. YUNG KABABATA MO PALA NANGANAK NA, NINANG KA DAW. SI MANONG ISUNG (jogging mate namin dati sa baryo) NANDTO NGAUN SA PINAS, TINATANONG KA. PUNTA AKO SA TITA MO BUKAS, BIRTHDAY NG APO NIYA, SAMA KO SINA GEY2, AWUD, & KOB (my three pamangkins)...kwento pa si madir..hanggang sa "MA, MERON NA AKONG NARIRINIG NA WARNING SIGN DITO PAUBOS NA ANG LOAD KO, PAG NAWALA AKO IBIG SABIHIN UBOS NA"...."OK"-sabi ng nanay ko sabay tuluy sa kwento at biglang may naalala pang bagong kwento...at Tooooot..Toooot. Tooooot....naputol na ang linya.
Ako, naiwang balisa at hindi mapakali. Pag feeling ko makakatulog naman ako, sa next tawag ko yun ang unang-una kong itatanong. Pero pag feeling ko kailangan kong malaman yun, punta sa tindahan at bili ng card. Bitin. :-)
Pag sa YM, patatagan kami. Actually, parang paulit-ulit kami kung minsan ng aking nanay. Kung minsan nagku-kwento siya biglang sasabihin niya sa akin parang nakwento na daw niya sa akin. Naikwento na nga niya. Pag wala na kaming mapag-usapan showbiz at politics naman. hehe. O kaya naman pagku-kwentuhan namin ang palabas..usually TV Patrol kasi live ito sa TFC. Kaya parang magkasama lang kami sa bahay na sabay nanonood. :-)
Why suddenly i thought to blog YM? kasi ka-YM ko ang kuya ko kanina lang. As i've earlier blogged, isa na siyang chef ngaun. Ang kulit kulit ko daw sabi niya. Kinukulit ko kasi siya to send me back pic na naka-uniform at yung mga gawa niya para sa aking blog. I'm so proud of him kc and I want to blog him as chef. hehe....Sana mapadala niya ang mga ito soon. :-)
Ang comment ng kuya ko regarding my request:
"Bakit nakatalikod na litrato ang gusto mo? Ikinakahiya mo ba ang itsura ko? Pangit ba ako?"
Napatawa niya talaga ako dito. I explained to him na gusto kong magpaka-anonymous sa blog ko. Pero kung gusto niya, cge ipo-post ko pic nia dito. Akala ko sasabihin niya, cge i-post ko (ang kuya ko is kabaligtaran kasi namin ng aming bunso- mahiyain daw kami). Buti na lang ayaw din nia. hehe.
No comments:
Post a Comment