Tuesday, November 10, 2009

O Pag-ibig na Makapangyarihan

O pag-ibig na makapangyarihan
Pag pumasok sa puso ninuman
Hahamakin ang lahat
Masunod ka lamang
-balagtas

Pag-ibig Pag-ibig Pag-ibig
Kay ligaya kung ikaw ay umiibig at iniibig
Laging may ngiti sa labi
Na hindi basta mapapawi
-subok lang :-)


Hindi ako inlab. Sa katunayan, parang ang layo layo sa akin ng pag-ibig. Parang kinalimutan na nga yata ako. Kung minsan gusto ko na ding magtampo, gusto ko na din siyang kalimutan. lol. :-)

Ano nga bang meron ngayon!?! Parang lahat na lang ng kakilala ko inlab. Kasama ko sa haws. Kasama ko sa ofis. Pinsan ko dito. Lahat ng mga kaibigan ko. Lahat sila ay tinamaan na ng pag-ibig. Worst yet, pati kaibigan kong 'walang-puso' (excuse my word fren, for blogging purposes only. hehe.), napana na din ni kupido. Haaaay, hindi ko na alam ang mararamdaman ko.

Mae-excite ba ako kasi ako na ang susunod? (uyyy, hoping..hehe). O baka naman ako pala ang exception to the rule, kalungkot naman. Medyo nababagabag na ako ngayon over this. Napapaisip ako ng malalim. Hindi alam ang gagawin. Kasabay pa nito ang pagiging blanko ng aking isipan. Kaya pala 2am na! itulog ko na lang ito at baka sakaling bukas may maiba. hehe..

No comments:

Post a Comment