Saturday, November 7, 2009

Isang Pagsusuri

Nasubukan nyo na bang maasar sa isang tao ng todo-todo? Yun bang gusto nyo mawala na lang ito sa buhay mo at wag na itong magpakita kailanman. Opppss...hinay-hinay lang. Huminga ng malalim. Be objective. Suriin mo muna ang mga pangyayari baka hindi naman sinasadya ng tao o kaya naman nakatagpo ka ng taong ugali lang ang mang-asar.

Base sa aking karanasan, nakakaramdam lang ako ng pagka-asar sa mga taong malapit sa akin. Madali akong maasar pero mas madaling mawala ito, unting eksplanasyon lang pwedi na. Swerte ako sa mga kaibigan dahil hindi pa naman umabot sa sukdulan ang aking pagka-asar. Wag naman sanang umabot dun.

Last year, naasar ako kay DG dahil sa pang-iindyan niya sa lakad ng grupo. Okay lang sa akin kung hindi siya makakarating pero yung sabihin na darating at parating na siya tapos hindi naman pala. Hanggang matapos ang pagtitipon ay ni anino niya ay hindi nakarating. Ibang usapan na yun. Dahil naasar ako ng todo, ang aking nagawang depensa ay manahimik. Hindi ko na sinagot ang tawag, text at email niya after that (which is so unlikely of me). Wala din akong maramdamang guilt feeling habang ginagawa ko ito. Nawalan talaga ako ng gana. Dumaan ang Pasko, Bagong Taon at iba pa. Deadma talaga ako. Tumataas pala ang pride ko pag naasar. Hindi naman nagtagal ay parang walang nangyari. Naging close ulit. Atleast naiparating ko sa aking kaibigan na tunay namang nakakaasar ang nagawa niya so pls lang wag na niyang ulitin. (Note: Si DG ay ang aking kaibigan na tunay kong maaasahan sa oras ng kagipitan. Tried and tested na ito ika nga. Never niya akong naasar, isang beses lang talaga kasi mas malakas naman akong mang-asar sa kanya. peace!)

Ilang bagay na tunay namang nakakapagpa-asar sa akin:
1) hindi pagsagot sa call o kaya naman di pag-reply sa text (medyo malaking issue ito sa akin kasi hindi ko ito gawain. ginagawa ko lang ito pag me problema ako sa tao)
2) hindi pagsunod sa oras ng usapan. ayaw na ayaw kong nag-aantay (except kung sa bookstore ang meeting place) tapos di pa sinasagot ang phone.
3) hindi pagsunod sa salita o pangako (nai-blog ko na ito dito at may titulong Word of Honor).
Meron ding ilang bagay na nakakapagparamdam sa akin ng pagka-asar pero hindi dapat- dahil alam kong wala akong dahilan para maasar. Malinis ang konsensya ng kinaasaran ko dito, ako ang may problema sa sitwasyong ito. (ito yung gusto kong baguhin ko sa sarili ko). Hindi ko na ito isa-isahin dahil nakakahiya. Wala na nga akong mukhang inihaharap dito. Baka pati likod ko ay mahiya na ding magpakita.lol.

No comments:

Post a Comment