Thursday, November 5, 2009

Insecure

Bago ako mag-blog ngayon, bumisita muna ako sa mga sinusubaybayan kong blog. Ang galing talaga nilang magsulat! Napapahanga ako sa mga gawa nila. Para sa akin ay maikokonsidera na itong mga obra maestro! Taas talaga ang mga kamay ko sa mga blogger na ito (isama ko na din ang mga paa ko. lol.). Nakaramdam tuloy ako ng insecurity para sa blog ko.

Ginagawa ko naman ang lahat para mapaganda ito. Buhos ang atensyon ko at naglalaan talaga ako ng oras para dito. Walang oras na hindi ko ito naiisip. Araw-araw ay lagi ko itong naaalala. Gusto ko lagi itong maganda at nasa ayos. Gumagawa ako ng paraan para araw-araw kaming magkasama. Pero bakit ganun? Parang kulang pa rin. Hindi pa rin sapat ang effort ko. Wala pa din akong ka-blog roll. :-(

Iniisip ko ganito talaga siguro ang buhay. Hindi ko mapipilit ang iba na gustuhin ang gusto ko kung ayaw nila. Lalong hindi ko mapipilit na gustuhin ako ng ayaw sa akin. Pero hindi pa rin ako nawawalan ng pag-asa. Mag-aantay pa rin ako. This time, hindi ako maiinip.

No comments:

Post a Comment