Nitong mga nakaraaang araw ay may mga unang pangyayari sa buhay ko na tunay naman nakapagpasaya sa akin bilang blogger. Oa na kung Oa pero sobrang saya talaga ang feeling! :-) Hindi ko nga masyadong ma-idescribe ito. Basta yung feeling na nanlalamig ako tapos nde ko alam ang gagawin dahil sa sobrang tuwa. Then feeling inspired at energetic ako the next day. hehe. :-)
Kahit hindi kami magkakilala ng personal ng mga sumusunod na bloggers (except si Dating Tambay na kaibigan ko), nais kong iparating sa kanila ang taos puso kong pasasalamat dahil napasaya talaga nila ako ng todo sa kanilang munting paraan. Sila ang mga salarin kung bakit mas lalo pa akong na-inspired mag-blog ngayon. :-)
Si Chookminder- sa kanya nanggaling ang pinaka- First Comment ko na natanggap last Nov. 9. Grabeh, hyper na hyper talaga ako that day. Obvious naman at nai-blog ko pa ito sa Those Things That Makes Me Happy. Pramis, kinuwento ko pa ito sa mga kaibigan ko para bang nanalo ako ng award. hehe. Syempre umasa ako na merong ciang follow-up comment sana pero naiintindihan ko naman kung gaano ka-busy ang isang blogger lalu pa ang kagaya nia.
Si LordCM - sa kanyang blog roll ko naman nakita for the very first time ang aking blog noong Nov 12. Grabeh, napa-wow talaga ako sa saya! Ibang level na ito! I'm so grateful na in-add pa rin nia ako kahit wala naman akong mga ka-blog roll pa.
Si Dating Tambay- siya naman ang dahilan kung bakit meron na akong blog roll today. Yipee! Medyo mahina kasi ako pagdating sa computer samantalang cia marunong daw..hehe..Totoo naman ito talaga. Madami pa akong dapat ipagpasalamat sa taong ito pagdating sa blog ko. Alam na niya ang mga ito. Sa sobrang tuwa ko, bawi na siya sa lahat ng sama ng loob na idinulot niya sa akin. :-)
No comments:
Post a Comment