Wednesday, November 4, 2009

Free Gifts

Every good and perfect gift is from above,
coming down from the Father of
the heavenly lights, who does not
change like shifting shadows.
James 1:17
Late na akong nagising kaninang umaga dahil sa kaka-blog ko hanggang madaling araw (adik na ako talaga). Muntik pa akong maiwanan ng bus service namin. Buti na lang mababait ang mga kasama ko sa bus at inantay nila ako. Nakiayon din ang driver namin na Indian lagi naman daw kasi akong on-time. Salamat RE & Lalu! :-)
Tumakbo talaga ako papuntang pick-up point para hindi masyadong nakakahiya. Hingal na hingal ako pagka-upo ko sa bus. Tiningnan ko mga kasama ko nandun, mga nakangiti pa naman. Pag umaga, wala munang masyadong kwentuhan sa bus. Reserved ang mga kwento pag uwian. Pero kanina medyo naiba. Tinupad na kasi ng isa naming kasama sa service ang kanyang ipinangakong 'ham and cheese sandwich!'. Meron kaming breakfast inside the bus. Siguro mga isang buwan ko ng kinukulit na magdala ng ham and cheese sandwich itong kaibigan kong ito. Natakam kasi ako dito minsang nabanggit ito sa aming kwentuhan. Pareho kami ng probinsyang pinanggalingan kaya madali kaming naging close nito. Nagkakaintindihan kami, we speak the same language ika nga. Sabi nga niya 2.5 hours lang daw ang naging tulog niya dahil sa paggawa nito. Pero sulit naman, masarap talaga siya! Lahat kaming kabayan ay nakakain, pati syempre si mamang driver. Sobrang saya ko talaga dahil dito. Special request ko kasi ito. Tig-isa isa lang ang lahat, samantalang ako naka-tatlo (2 lang talaga dapat, kaso hindi sumabay sa service yung isa)..hehe..At my disposal ko daw ang mga ito. Thanks EG! :-)
Naalala ko kaninang pauwi kami from work na kailangan ko na palang magbayad ng aking kautangan para free of interest charge ako. Bumaba ako sa Khalid Bin Waleed Station para sumakay ng Dubai Metro papuntang Deira City Centre para dun magbayad. Madami na ang sumasakay sa Metro ngayon. Walang available seat ng pumasok ako sa train. Ang daming lalaking nakaupo tapos ang mga babae nakatayo. Pero deadma ang mga ito. Biglang tumayo si kabayan, pinaupo ako. na-touch naman ako at naging proud as Filipino. Meron pa ring gentleman sa mga panahong ito :-).
Pagkababa sa train, pila palabas ng station. May foreigner (isang Kenyan) na tumawag sa pangalan ko. Medyo malabo mata ko, nde ko ma-recognize kung sino pero nginitian ko pa din. Nilapitan ako. Grabeh, small world yung dati ko palang seatmate sa bus service namin sa current company ko. Nag-resign siya last year & first time namin magkita ulit. Kwento kwento ng mga pangyayari sa work namin. Papunta rin siya sa mall kaya nagsabay na kami. Magkikita daw sila dun ng husband niya. Siya ang pinakauna kong seatmate at naging close noong bago pa lang ako sa company. Palagi kasi akong huli pag pauwi, sakto naman lagi siyang walang katabi. Siya lang kasi ang Kenyan tapos puro Pinoy at Indian na lahat. Sa araw-araw naming magkatabi sa bus ay nalaman na namin ang mga kwento ng buhay namin. Naipakilala ko pa sa kanya ang lutong pinoy na sinigang. Isinama ko siya minsan sa De Belchior, kung saan lahat ng tinda ay galing Pinas. Bagong kasal lang siya nun kaya super kilig siya pag nagkukwento ng kanyang love story. Ofismeyt niya dati ang napangasawa, Kenyan din. Nabanggit din niya sa akin na nag-Runaway Bride siya kaya napadpad siya sa Dubai. Habang naglalakad kami ay kita mo ang excitement sa kanya. Ipapakilala daw niya ako sa husband niya. Medyo mabigat ang dugo ko sa mga lalaking foreigner pero nagpaunlak naman ako. Sabi ko sige para naman makita ko kung bakit kilig na kilig siya sa asawa niya. Gosh!!?!!, grabeh medyo napatulala pa yata ako kasi as in ang guwapo ng asawa niya ala Will Smith ang dating! Nagpunta kami sa isang coffee shop at dun nag-chikahan. Nagpaalam ako sa kanila para puntahan ang aking sadya bago pa man magsara ang bangko at bago pa ako maubusan ng english. :-)
Pagkapasok ko sa bangko, kuha agad ako ng ticket number at dumiretso sa kung saan nagfifill-up ng bank slip. Kakasimula ko lang nang tawagin na ang number ko. Kabubukas lang ng bagong counter. Kabayan ang teller kaya tinanong ko kung okay lang ba yun. Ang bait ni kabayan, inasikaso niya ako talaga. Pag lumampas kasi number mo dun, uulit ka na na naman. Kukuha ka na naman ng another number. Kaya maraming salamat kay kabayan dahil mabilis akong natapos.
Pauwi na ako ng maisipan kong dumaan sa isang pharmacy store. Bumili ako ng gamot para sa taghiyawat. Naglalabasan na naman kasi sila dahil sa kakapuyat ko sa pagba-blog. Pero dahil mas priority ko ngayon ang blogging kesa sa mukha ko ibig sabihin magpupuyat pa rin ako, kaya bumili na lang ako ng gamot para atleast may pangontra lang. hehe..Nakilala ko si kabayan, promoter ng brand ng gamot ng binili ko. Madami daw kasamang free products ang binili ko. Balik daw ako sa Sabado at hanapin siya para ibigay niya sa akin. Dadamihan daw niya ang ibibigay sa akin. Without hesitation, for sure andun ako sa sabado. Hindi ko ito palalampasin. Naniniwala din kasi ako na "The best things in life are free."

No comments:

Post a Comment