Tuesday, November 24, 2009

My Two Brothers & Our Nanay

I am the middle child and the only daughter in our family. Napapagitnaan ako ng aking kuya at ng aming bunsong kapatid . Naisipan ko silang i-blog kasi ka-chat ko kanina ang nanay namin. Nabanggit na naman niya ang walang kamatayang issue tungkol sa pagkakaroon ng sariling pamilya. Huwag daw akong mapili as if naman meron akong pipiliin. No one's perfect daw. Natawa talaga ako sa nanay ko. Kinuwento din niya ang isa kong Tito na matandang binata (kapatid ng tatay ko). Ayaw daw niya akong matulad sa kanya na parang hindi na pinapansin ng mga kasama niya sa bahay- ang pamilya ng tita ko na kapatid nia. :-(

Sabi ko sa nanay ko, huwag siyang mag-alala. Ngayon pa lang magpapakabait na ako sa mga kapatid at mga pamangkin ko para pagdating ng araw maalala nila ako at alagaan. hehe. Huwag ko daw gawing biro ito baka magaya ako sa isa na namang kamag-anak na babae na 43 years old naman. Ngayon daw nagsisisi siya na hindi siya nag-asawa. Nahuli daw siya sa biyahe. Eto pa ang sinabi ni madir, dapat daw sa edad ko ngayon meron na akong boyfriend! Tama bang i-pressure ako. hehe. I told her about daring myself getting a date before this year ends, tawa siya. ( i'll blog the dev't of this soon).


Back to my two brothers:

MP- He's the 'bunso' in the family. Unlike me & my kuya, he is super tahimik. He seldom talks. Sabi nga nila, paano kaya daw siya nanligaw at nakapag-asawa. In fairness, napakaswerte niya sa kanyang naging asawa. Ang bait daw at marunong sa buhay. Coming from my mother, naniniwala ako dito. Napakabait din kasi ng aking kapatid. He's currently busy in his farm (this is a true farm, not Farmtown.lol). He's a farmer now :-). We're so proud of him for he has become a responsible person esp. now that he's a family man. He has a one very cute son turning one-year old this Feb which we all adore. I remember when he told me that he's getting married, i was adamant then for really for me, he's still my little brother.

Ang ikinakatuwa ko sa kapatid ko nung bata kami is pag meron siyang kailangan, lapit agad siya sa akin. Ako naman, feel na feel ko ang pagiging ate. He calls me 'Te' short for Ate. He's the only person who calls me that way. Would you believe ako ang tagagawa ng love letters ng aking kapatid nang magsimula siyang manligaw nung highschool? hehe. Salutatorian daw nila ang nililigawan niya, gusto niya english ang letter, sympre nagpapasikat si bunso. haha. Ganun kabilib sa english ko ang aking kapatid. Hindi naglaon napasagot ng aking kapatid ang kanyang nililigawan. Ako ang numero unong natuwa. In fairness sa aking kapatid, sulat kamay naman niya ang mga love letters na ibinibigay at isang babae lang ang sinusulatan namin. Partners in good crime kami talaga nun.


JP- He's our big brother. Nasa ibayong dagat din siya. Kelan lang cguro mga two weeks ago, he phoned me for his good news. He is now a chef! I'm not joking. He never attended a formal cooking school, though i have no doubt kayang-kaya niya ang maging chef. Sa bahay namin dati, pag nagluto siya para siyang chef talaga. Lahat kami pagod sa kanya sa kaka-assist sa kanya. hehe. Sabi nga namin ni madir, nakuha niya ang kanyang gusto. We're just so proud of him! Lalo na ang aming nanay at ang kanyang pamilya sa Pinas. He has a 9-year-old son and a 6-year-old daughter na kamukha ko daw. Lagi kaming napagkakamalan dati na mag-ina pag sinasama ko siya sa lakaran. :-)

To read more of my kuya, please click my previous blog entry Ang Aking Kuya.


When we were younger, i always tell other people that our 'bunso' was the favorite of our mother while me was the favorite of our father ('tang, mis na kita. 2nd yr highschool ako nang mawalan kami ng tatay). Our parents would always tell us we are all their favorites- pantay pantay lang daw kami. When I grew older, my mom confessed to me that iba daw ang panganay na anak which is my Kuya. Lahat ibinibigay sa kanya. Hmmm, kuya nakalamang ka sa amin dun ah. Anyhow, sa aming magkakapatid walang sibling rivalry na nangyari. Mataas talaga ang respeto namin sa isa't isa.

Would you believe next to my mom is sa Kuya ko ako natatakot. I guess ganun din ang nararamdaman sa amin ng aming bunsong kapatid. Takot not because of anything but because of the love and respect we have for each other.


Back to the concern of my mother:

Tinanong ko siya kung sino sa dalawa kong kapatid sa tingin niya ang kukupkop nang maluwag sa akin pagtanda ko if ever nde nga ako makapag-asawa. hehe. Aba with all her pride, sinagot niya ako na wala daw akong problema dun kasi love na love daw ako ng aking mga kapatid. :-). Sabay sabing pero nde daw makukumpleto ang kanyang kasiyahan sa buhay pag nde niya nakitang may sarili akong pamilya. Hala, ang nanay ko masyado niya akong minamadali. Bakit daw nde ko subukang makipag-chat or makipag-text mate? Hahaha...napatawa talaga ako ng malakas dito. Uso naman daw ito kasi yung anak ng kumare niya, nakapag-asawa thru chat lang. Biglang sisingitan naman niya na pag daw nag-asawa ako, sasama siya sa akin. Doon siya titira sa amin. Sabi ko talagang dapat ang mapangasawa ko mabait talaga. Kaya huwag kaming mainip baka piniprepare pa ng Nasa Itaas or baka on the way na pala. :-)

Ang aking nanay talaga. Binibigyan ako nang isipin ngayon. hehe. Bukas chat ulit kami, baka biglang mabago na ang topic. Napapansin ko parang all time favorite niya ang tungkol sa pagpapamilya ko. Next year daw 29 na ako, yung pinsan ko kasi na feeling ng lahat ng kamag-anak namin na tatandang dalaga 29 nakapag-asawa siya. So biglang nasabi ni madir, malalampasan ko pa pala ang record na iyon. hahaha....Natatawa talaga ako.

***naiintindihan ko naman ang aking nanay, kasi lahat ng mga kapatid at pinsan ko nag-asawa na lahat. Ako na bale ang pinakamatanda talaga na walang asawa pa. So feeling cguro ng nanay ko, huling-huli na ako.***

No comments:

Post a Comment