Saturday, January 14, 2012

Sherlock Holmes 2

OMG! Sobrang huli ako sa balita. Palabas na pala ang Sherlock Holmes 2! Google search agad ako kung palabas pa dito sa UAE. Haaayyy, salamat showing pa ito. Kelangan kong mapanood ito.

Gustung-gusto ko ang story ni Sherlock Holmes. Hanga ako sa galing at bilis mag-isip ni Sherlock Holmes (portrayed by Robert Downey Jr). Di ako mahilig mag-ulit ng movie, medyo may pagka-impatient kasi ako. Pero yung Sherlock Holmes part 1, di ko na mabilang kung ilang beses ko itong naulit panoorin. Ewan ko pero di ako nagsasawa. :-)

Kaya naman i'm giving myself an ultimatum. Kelangan panoorin ko ang part 2 nito! Kung hindi, di ko mapapatawad ang sarili ko. Di ko man lang mapagbigyan ang sariling kaligayahan ko.

Wala naman sanang problema. Yun nga lang, di pa ako nakapanood ng sine na mag-isa. (i know, ni-promise ko sa sarili ko na must-do ko ito pero di ako nagtagumpay).

Basta dapat mapanood ko itong movie na ito. Medyo nalungkot tuloy ako, na-miss ko bigla ang kaibigan kong si joana. movie addict kasi ito. kayang-kaya niya na manood ng movie na mag-isa.
Haaayyy, bahala na. Basta ang alam ko gustung-gusto kong panoorin itong movie na ito. Magandang senyales ito. Kasi pag gustung-gusto kong gawin ang isang bagay, ginagawa ko lahat ng makakaya ko. Let's see sa friday kung gustung-gusto ko pa rin ito. haha.

Natatawa ako habang sinusulat ito. Parang ang laki ng problema ko noh? hehe. Kelangan ko lang i-blog ito para lumaki ang chance na papanoorin ko talaga ang Sherlock Holmes by hook or by crook. :-)




Source: Wikipedia

isa sa mga all-time favourites ko ang Sherlock Holmes
sana di ako mabigo ng part 2 :-)





Saturday, January 7, 2012

There's No Place Like Home :-)

Kung itatala ko ang level of excitement na naramdaman ko noong nagdaang taon (2011), i'm sure highest ang Dec 15, ang araw ng aking pag-uwi sa Pinas dubbed as my shortest vacation yet the happiest!

Pumasok pa ako nung araw na yun pero sympre naglalakbay na ang aking isip sa Pinas. hehe. Mababait ang aking mga boss so undertime ako nung araw na yun para makapaghanda pa. Habang papalapit ang aking pag-alis ay di ko na din mapigilan ang aking excitement. Ang bilis ng tibok ng aking puso. Nag-palpitate talaga ako. Binibiro nga ako, baka daw mauna pa ako sa ospital kesa sa Pinas..hahaha...Ganun lang talaga ako pag sobrang excited. :-)


Sobrang saya ko talaga noong araw na yun, nkapag-email pa nga ako sa aking mga ofismeyts:


Subject: Maligayang Pasko

salamat. thank you. shukran. merci.

thank you for everything---for a new work, for a christmas vacation (after 6 years!), for the friendship and for everything else in between.

i will miss you all! enjoy your holidays!

-tin



Sobrang saya ko talaga dahil nakapag-Pasko ako sa pinas. Ibang level ang happiness. :-) Yung tipong patulog na lang ako, nangingiti pa dahil sa sobrang kaligayahan. hehe...Haaayyy, i miss home already. Di bale, malapit na July 2013..For good na ito. (binanggit ko na sa nanay ko ito. as long as na mag-asawa daw ako, okay sa kanya. hahaha.. ang layo ng sagot di ba.)





our new home.sweet.home :-)
i'm so proud to say na 'katas ng dubai' ito.



eto na lang ang natira sa luma naming bahay
nilipat ito sa likod.
pansin nyo ang madaming parol? wala lang
natuwa lang ako pagkakita sa mga ito. :-)


gumagawa ng taho ang isa kong tito (si tito ding),
meron akong supply ng taho at tokwa from him.
did you know na ang taho pag tumagal nagiging tokwa?



sinadya ng aking ina na may mga native fruits sa aming hapag-kainan
dahil daw alam niyang madalang ang mga ito sa abroad. :-)


sobrang tamis nitong yellow watermelon na ito!
first tym kong makakita nito kaya picture picture :-)



hmmmm..my favourite food.
(inihaw na dalag w/ sampalok at bagoong na sawsawan!)


kaka-miss ang mag-ihaw ng fresh tilapia :-)


trademark ng aking nanay ito- purong tsokolate
gawa sa buto ng cacao :-)
super favourite ko ito mula pa noong bata kami!
(walang binatbat ang hot chocolate ng jollibee. hehe)


paano ang paggawa ng tsokolate?
1) kainin muna sympre ang bunga ng cacao
2) itabi ang mga buto at ibilad sa araw
3) pag tuyung-tuyo na ito, isaing (gaya ng nasa picture)
4) ipagiling ito (mas maganda daw kung may halo itong kaunting peanuts)
5) then dyaraaannn...pwede na itong timplahan sa boiling water. :-)



Friday, January 6, 2012

Christmas 2011 Sa Aking Bayang Sinilangan :-)




Christmas Eve mass @ our town church

Christmas procession (in front of our house)
the Patron Saint of our barangay is St. Nichols


weeehh! first time mag-lechon sa aming bahay ng Pasko!
courtesy of my nanay...thank you 'ma!
happy lang siya na nakapag-Pasko ako sa Pinas after 6 years!



Christmas Lantern Festival 2011 @ San Fernando, Pampanga


Wednesday, January 4, 2012

Unveiling My Most Grandest Plan (Part 2)

Isang taon matapos kong i-blog ang aking pinaka-engrandeng plano sa Unveiling My Most Grandest Plan, muli ko itong binisita kung ano na ang naging progress nito. As the master planner, satisfied naman ako sa nangyari. :-)

Hindi pa siya tapos na tapos pero natitirhan na namin. I'm so inspired & determined na mapatapos ko na ito sa darating na May 2012. Tamang-tama lang kasi by July 2013, balak ko ng mag-retiro from abroad. Atleast meron pa akong enough time at maipa-plano kong mabuti ang aking repatriation in terms of financial aspect.

I've mentioned dito na dream ko talaga para aking nanay na ipagawa ang kanyang dream house. Eto na nga yun, nagawa ko! Di ko mapigilan, pero i feel proud of myself! hehe. :-)

Si nanay ko siyempre proud na proud din. Siya lahat ang pumili ng materyales sa bahay! Napabilib nga ang mga kamag-anak namin dahil may 'taste' daw si nanay---simple at elegante ang mga gusto. I agree.


MY MOTHER SAYS:
tin, okay na ang bahay nito. stop na muna niyan. asikasuhin mo muna ang sarili mo. baka makalimutan mong mag-asawa. alalahanin mo 30 ka na! di ka na bata. kahit mag-boyfriend ka na muna.


MY LOLA (from mother side) SAYS:
tin, kumendeng-kendeng ka kasi pag naglalakad (hahaha! sobrang natawa ako sa aking lola. naiinip na siguro sa akin. nauna na lahat na mag-asawa)

MY REACTION:
ngiti lang sa kanila at assurance na gusto ko naman talagang mag-pamilya. yun ang aking ultimate plan. (cool lang ako dahil alam kong mangyayari ito. actually, ramdam na ramdam ko na ito. i feel malapit na.this year 2012? who knows? hehe)


HAPPY NEW YEAR!!!





BEFORE



AFTER



BEFORE



AFTER


Note:
Photos above were all taken (by myself) during my vacation in the Philippines:
Before Photos - in September 2010
After Photos - in December 2011

Saturday, December 3, 2011

Ang Alibughang Blogger

Ouccchhh, ako po ito. I don't know pero sobrang busy at hectic talaga ang schedule ko. Mag-iisang buwan na mula nang huli akong mag-post dito! Ni hindi ko pa nga natapos ito.

Tapos heto na naman ako, nagmamadali ulit. Pasencia na talaga. I know you'll understand me. As long as i'm happy, happy ka rin di ba? :-). Well, magsaya ka na! kasi, i'm the happiest woman on Earth nowadays! hehe....

Pagbalik ko, madaming-madami akong ikukwento. Hindi na ito mga ka-dramahan, bagkus mga happiness naman :-).

So paano, gotta go for now. Don't worry about me, i'm fine. Never been this happy!

Advance Merry Christmas and A Happy New Year!!!!!! :-)



Animus' Hectic Schedule:

Nov 12 - Incubus concert @ Yas Island (best concert ever!)

Nov 17 - launching of my career in photography (nag set-up ng photo booth sa bday party ng anak ng aking boss) :-)

Nov 26 - 1st karaoke/videoke bonding time with my officemates.

Nov 28 - bonding with my long lost friend (ate PC)

Dec 1 - mini send-off celebration with my friend ivy & miguel (bakasyon sila sa pinas for one month)

Dec 2- whole day bonding with RS & other friends from previous company.
- 6:30 am Hot Air Baloon show @ Jumeirah! (with side trip to Madinat Souk)
- 9am-12pm picnic @ Zabeel Park
- 1pm-4pm @ RS residence
-6:30pm -9pm Hot Air Baloon night show @ Meydan (what a spectacular show!)
-9pm-midnight dinner @ Dubai Festival City

Dec 3 - chat with my mother
- chat with my cousin (who will tie the knot this coming Dec 17)
- i volunteered to be an emcee, kaya eto ako ngaun ngarag na ngarag sa wedding script :-)
- deadline ko sa sarili ko to finish it tonite!
- kinakabahan ako, iniisip ko na lang-though it would be my first time para mag-emcee ng wedding, kakayanin ko ito kesa sa maging bridesmaid na naman ako. ayoko na talaga mag-abay eh. :-)

Dec 8 - Year-end Party ng aming company! (1st time kung a-attend ng party ng naka-costume!)

Dec 13 - Christmas Party ng aming Department

Dec 15-26 - Finally, makakapag-Pasko na ako sa Pinas after 6 long years of sacrifice & loneliness tuwing pasko dito sa ibayong-dagat!!!!!!!! No more lonely nights. yipppeee! :-)

Mas hectic sked ko sa pinas, per hour ito..hehe.... Excited na ako!!!!!





Friday, November 11, 2011

Week 9: Kuracha

Note: story to follow...


Thursday 10 Nov 2011 (after office)
@ COSTA Deira City Centre, with my officemates



Friday 11.11.11 (from 9am-5pm)
@ Zabeel Park, with my friend ivy & ryan and of course
with my inaanak, miguel :-)

Tuesday, November 8, 2011

Week 8: My Friend Since Birth :-)

"Friends Since Birth", ito ang pakilala ng aking childhood friend na si jeng sa kanyang mga kaibigan dito sa Dubai sa akin. Ganun na nga katagal ang aming pagkakaibigan. Tawag namin sa aming grupo noon "Five Star Gang"! Hahaha...5 girls kami na puro magkakapit-bahay. Eto ang kumpletong listahan (1st group - no. 1 to 4 + me= 5 star gang):-)

Meantime, si jeng (aka ES) muna ang iku-kwento ko dito sa blog ko. Mas nauna ako sa UAE sa kanya. Going 2 years pa lang siya. Kinuha siya ng kanyang ate. Pero mas nauna siyang nag-abroad sa akin, sa Taiwan. Dun na rin niya nakilala ang kanyang husband. Kaya, di ko pa talaga naka-bonding or nakilatis man lang ito. Swerte niya! :-) hehe....

Paano ko ba uumpisahan ang kwento ko kay jeng? Sige, magsisimula ako sa umpisa :-)

Grade 1 - magkaklase kami ni jeng sa public school malapit sa aming baryo, isa akong salimpusa. Itinatago pag merong mga darating na bisita sa school. Magkalaro kami sympre at sabay pumapasok. After ng school year, sa di ko malamang dahilan...ako ipinasa para mag-grade 2 tapos si jeng naman ibinalik sa grade 1. Gayundin si SC (isa sa five star gang din), nagbalik-grade 1 din siya. Kaya ang nangyari, wala akong naging batchmate sa mga 5 star gang. Yung dalawa kasi ka-batch naman ng kapatid kong bunso.

Grade 2 - naninibago ako kasi di ko na kaklase si jeng. Naalala ko pa nag-aantayan kami pag uwian. Sabay pa rin naman kaming pumasok at umuwi. :-) Pag recess time, pinupuntahan ko din siya sa room niya para sabay kaming mag-recess kina aling mina..hehe...yung nagtitinda sa iskul namin. Bata pa lang kami ni jeng, pareho na kaming maisip pagdating sa pera. Biruin mo nagpaluwagan kami/ipunan na kaming dalawa lang!

Super mag-best friend kami talaga ni jeng nung bata kami! Medyo may pagka-maldita noon si jeng (nambabato lang naman siya ng mga kaaway niyang bata), pero never niya akong pinagmalditahan.

Napakadami naming pinagsamahan ni jeng. Although sympre, nagkaroon kami ng kani-kaniyang sets of friends sa school, sa work..nanatili pa rin ang aming pagkakaibigan. Sa tuwing magkikita nga kami, lagi naming naaalala ang aming kabataan. Kami lang ang tao sa baryo namin ang nagdya-jogging sa umaga na may dalang baong pandesal! Tapos makiki-kape kami sa aming mga kamag-anak sa bandang Purok 3! hahaha....Taga-Purok 1 kami.

Hindi ako magtataka kung isang araw 'MAYAMAN' na ang aking kaibigang si jeng. Business-minded kasi ito. Actually, ganyan din ako nung nasa pinas (nawala ito nung nag-abroad ako).

Siya ang nag-propose na magtayo kami ng isang barbeque-han sa harap ng bahay nila pag bakasyon namin sa iskul. Umaga pa lang nun nasa palengke na kaming dalawa. Inaabangan ang isaw ng manok, adidas etc....Binibili namin ito sa kanyang ate (siyanga pala, siya din ang kumuha kay jeng dito sa dubai) na nagtitinda naman ng manok sa palengke. Tapos uuwi ko namin ito sa amin para linisin at lutuin/adobohin para ready na ito pagdating ng hapon! Would you believe patok na patok ang aming munting negosyo? Basta kahit pagod kami nun, feeling mayaman naman kami! hehe....3 consecutive summers ganun ang ginagawa namin...at as in kaming dalawa lang ang mag-partner!...pero full support naman ang iba naming kaibigan....kahit nga di kumakain ng isaw ng manok ang iba, napipilitan silang tikman ito..hehe...Btw, meron din naman kaming inihaw na hotdog, lamang-loob ng manok tska palamig. :-)

---itutuloy





jeng & me @ Dubai Creekside :-)
Thursday 03 Nov 2011