Sunday, June 3, 2012

Re-arrangement

I've been so excited with my upcoming vacation. I've been busy planning and finalizing my itinerary/schedules these past few days. Just when i thought everything is set, an unexpected and beyond-my-control situation arises. :-( I felt sad about it but  i told myself  "hey, don't be silly. it's not in your hands.if worse comes to worst, u just have to re-arrange your plans".


Note:
as of this writing, hoping pa rin ako. sana magawan ng paraan. enewei, what is important is i'm going home and makakasama ko ang aking mahal na ina sa kanyang kaarawan (after 7 years!). :-)

Sunday, May 27, 2012

Vacation Plan-2012

Weeehhhh, this is it! Excited na ako! Tuluy na tuloy na ang bakasyon ko sa Pinas this coming August. And to date, meron na agad akong schedule na kagalaan. hehe..i'm expecting na dadami pa ito pag ipinaalam ko na sa mga kaibigan ko sa pinas na sure na akong uuwi. eto ang mga confirmed na gala ko na:
1) Singapore (ulit)---oh yes! love is sweeter the second time around! hahaha...tsaka di ko pa talaga nalibot ito noong last akong nagpunta doon na mag-isa (2010). Dito ako mag-stop over ulit ngaun para meet ko ang friend ko na based na doon ngayon. Ipapasyal daw niya ako sa mga di ko pa napuntahan dun ie. night safari etc. At sabay kaming pupunta sa....MALAYSIA! (Note: blessing in disguise na wala ng flt ang Malaysian Airline from Dubai. otherwise, di kami magkikita ng aking kaibigan. last kaming nagkita bago ako nagpunta dito sa Dubai, in 2005 pa!)
2) Malaysia - gosh! excited na ako talaga. i've been dreaming to see this place...gusto ko lang makita ang petronas tower. hehe...6 hours daw ang byahe from singapore...kerimg-keri na namin ng aking kaibigan ito.
3) Mindoro- weeeehhh! uuwi din ang aking kaibigang si ivy. at napagplanuhan na pupunta kami sa Mindoro. taga-doon kasi ang asawa niyang si ryan..sabit ako sa pasyalan...1st time kong sasakay ng barko! madami ding rambutan at banana chips doon. :-)
4) Tagaytay - eto naman reserved namin ang date na ito para aming nanay. Nagkaayaan na magtagaytay kami ng F4 (minus si jo na nasa Canada) kasama ang aming mga nanay. Invite din namin sympre ang nanay ni jo. :-)
5) Manila Zoo- eto naman ang hiling ng aking mga pamangkin. hehe...di pa kasi nakakapunta sa zoo si kobe (3-year old ko na pamangkin) kaya yun ang naisip nila na pasyalan daw namin.
6) Ilocos/Manila- for sure, di na papayag ang bestfriend ko noong college na wala kaming bonding ngaun. inaabangan na niya ang aking pag-uwi.


If there's a will, there's a way. :-) In just one week, i managed to arrange my plan vacation just the way i like it.
1) moved my vacation leave from july to aug to coincide with my mother's bday on aug 19. -DONE
2) booked a flight - DONE (ticket to be issued and paid this month-end, sa sweldo:-))
3) itinerary to include stopover in Malaysia - DONE

On top of all these, i'm also planning to have a simple yet memorable birthday party for my mother. gusto ng nanay ko na mag-party sa 60th bday niya which is sa 2013 pa, di ko pa alam kung nasa pinas ba ako nun o wala. kaya napag-isip isip kong mag-hold ng isang party para sa aking nanay...i'm actually thinking of doing a suprise party. :-)..di uso sa amin yun kaya for sure magiging memorable ito. i'm also planning to make a video clip for my mother...kukunan ko ng message lahat ng nagmamahal sa kanya (sympre including me). Camera-shy ako but i'm gonna do it for my mother. Ako din ang mag-eedit ng video sympre. Nagpapa-schedule na ako ng tutorial sa kaopisina ko. Di pa ako marunong eh. hehe.

Pag usapang bakasyon talaga, nake-carried away ako. Di ko alam kung saan ko tatapusin ang aking kwento. hahaha.

Bago pa ako mag-sign off tonite, it is important to note na 2 months na lang pala ang aking aantayin at nasa Bayang Sinilangan na ako! Sobrang excited na ako! :-)









Friday, May 25, 2012

Pick-up Lines :-)

Ilang linggo din ang aking ginugol sa pagpick-up ng mga linyang ito.  Galing ito sa aking mga kaibigan at kaopisina. Nag-enjoy ako sa pamimikap, sana gayundin ang makakabasa ng mga ito. :-)

Mga Napick-up mula kay Janice
1) teleserye ka ba?...Baket?...Kasi ang ang sarap mong sundan.
2) facebook ka ba?..Baket?...Kasi di kita maiwan.
3) twitter ka ba?...Baket?..Kasi i always follow you.
4) di kita kaya sa suntukan..Baket?...kasi tingin mo pa lang knockout na ako.
5) sana ID mo na lang ako...Baket?...para kahit saan ka pumunta alam nilang akin ka lang.
6) Meron na yata akong diabetes...Baket?....Kasi ang tamis ng iyong mga ngiti sa akin.

Ni-pick up kay Francis
1) Deadline ka ba?...Baket?...Kasi lagi kitang hinahabol.

Pick-up naman ni Cherry
1) Magnet ka ba?..Baket?...Kasi kahit saan ka pumunta nadadala ako.
2) Flashlight ka ba? Baket?...Kasi naliliwanagan mo ang buhay ko.
3) Minamaliit ka ba nila? Baket?...Kasi ako iniiBIG kita.

At ang malupet sa pag-pick up--- si Ella
1) May 1 ka ba?...Baket? Kasi you're may 1 and only.
2) Tatakbo ka ba sa susunod na eleksyon?...Baket?...Botong-boto kasi ang nanay ko sa'yo.
2) Asin ka ba?...Baket? kasi i luv u ALAT! (hahahaha...adik lang) :-)


Ayan, sa wakas nai-compile din. Ginulo ko talaga ang mga kaibigan ko para sa mga ito. Nakiki-pick up. lng hehehe...


"hindi tayo tao....BAKET?...kasi Bagay tayo..Bagay na bagay!" :-)
---(if i'm not mistaken, galing ito sa greenwich commercial noon nina john loyd at bea)










Saturday, May 19, 2012

Photo Release: My Kuya in Dubai :-)

I and our youngest brother, have this high regard and respect with our kuya. We've always been looking up to him eversince na naging kuya namin siya.hehe. We recognize his authority/power over us. Pramis, isang utos lang niya dati, sunod agad kami. nanginginig pa. :-)

I remember pag nagluluto siya sa amin noon, lahat kami sa bahay pagod dahil puro utos siya. hehe. Di naman sympre kami maka-hindi. hehe. Takot lang namin.

Four years ang tanda ng kuya ko sa akin (he's turning 35 sa May 28! advance happy bday kuya). Unlike yung bunso namin na 1 yr lang ang agwat namin, never kaming nag-away o nagkatampuhan man lang ng kuya ko during our younger years (yung bunso namin lagi kaming nag-aaway dati over tv remote control.hehe.). Siya kasi yung tipo ng kuya, na kuya talaga in the true sense of the word. Di siya mahirap lapitan. At alam kong ipagtatanggol niya ako hanggang sa dulo ng walang hanggan. :-)

During my late teen years, di naman daw mahigpit ang kuya ko sa akin pagdating sa mga 'boys'...Pwede naman akong makipagkaibigan or mag-boyfriend na bsta mag-aral lang ng mabuti. Pero malaman-laman ko, may usapan pala silang lahat na mag-babarkada na hindi talo ang mga kapatid. Dami ko pa naman crush noon sa mga barkada ng kuya ko...hehe...No wonder nung maging kaibigan namin ang ilan sa mga barkada ng kuya ko, pag magpupunta sila sa amin, kelangan muna nilang magpaalam sa kanya na kinakausap lang ako. etc.etc.

Noong bago pa ako dito sa abroad lagi yang tumatawag sa akin para lang ipaalala na bago ako mag-boyfriend kailangan makilala muna niya ito. marami daw manloloko at kilalang-kilala daw niya ang mga likaw nito. Going 7 years na ako dito this Nov and yet wala man lang siyang nabalitaan na nagkaroon ako ng boyfriend. So ayun, siya na ang kusang tumigil sa pagpapa-alala. :-)

Fast-forward today
Sa buong 2 weeks na pag-stay ng kuya ko dito  sa Dubai (Apr28-May11,2012), siya lahat ang naghanda ng breakfast at dinner namin! As in pati paghugas ng plato siya din ang gumawa (samantalang noon, di sila marunong maghugas ng plato..ako ang katulong nila). Nahiya ako nung una sa kuya ko tsaka hindi ako sanay. hehe..Ang katwiran ng kuya ko..yun ang trabaho niya--cook kasi siya. And I'm really proud of my kuya, magaling nga siyang magluto. Two-times akong nagpa-taste test sa office at patok na patok ang kanyang pork/beef teriyaki, gen. chao chicken and cashew chicken. :-)

Ni-kwento ko nga ito sa aking nanay. Pinagluto din pala siya nito noong bakasyon nito sa Pinas. Wow, ngayon ko lang napagtanto, lahi pala kami ng magagaling magluto. hehe..Masarap din ang mga luto ng aking nanay tsaka yung bunso namin. Saglit, ako lang yata ang napahiwalay ng landas..hehe...Wala lang  akong time. :-)


OMG! ang haba na pala ng kwento ko sa kuya ko. Enewei, hanggang dito na muna ito. In summary naman, gusto ko lang ipaabot /maisulat man lang kung paano kami magmahalan ng aking mga kapatid. (Di namin nakasanayan na magsabihan ng i love u sa family namin, basta alam at ramdam na namin yun) :-)




Burj Khalifa & Dubai Mall on our background


so happy together :-)
no dull moments pag kasama ko ang aking kuya
magaling magkwento. sinasabayan ang kadaldalan ko. :-)



near Union Metro Station
galing kami nito sa Dubai Creek :-)


sympre di mawawala ang pagkain ng shawarma
pag may bumisita dito.


@ Aroos Damascus
sarap ng charcoal broiled chicken dito
pero iba ang order ng kuya ko-halabi??!
hilig ng kuya ko ang mga pagkaing kakaiba 


@ Dubai Mall
suggestion ko gayahin namin ang mga nagda-dive sa 
likuran namin. eto ang kinalabasan..hahaha..
para kaming ewan. :-)


@ Jumeirah Open Beach,
Burj Al Arab on the background :-)


chilling out :-)




Note:
Meron pa kaming kapatid na bunso. Binisita na din niya ako dito sa Dubai noong Jan 2010 (isa siyang seaman ngayon). Sympre pinasyal ko din siya. Nakakatawa nga ang kuya ko, tinanong niya ako kung nakapasyal din ba si mac sa mga pinuntahan namin. Ang sagot ko, oo lahat, lamang lang siya ng Jumeirah Open Beach. Pero si mac naman ay naibili ko ng sapatos. hehe...  :-)

Friday, May 18, 2012

Decision Made

Pagkatapos ng mahaba-habang pag-iisip kung uuwi ako ng Pinas o hindi ngayong taon for vacation, finally   nakapag-decide na ako na uuwi ako. :-) Kahit pa sagot ko ang ticket ko this time, in-advance ko na kasi ito last Dec. Nagdalawang-isip ako dahil:
1) yun nga, di free ang ticket ko.
2) july 2012 ang approved vacation ko (walang special occassion sa amin)
3) di ako excited..hehe...nauna na kasi akong na-excite sa supposedly UK trip namin pero na-denied kami. (nai-blog ko na din ito...ok lang naman ito sa akin dahil di pa naman talaga kaya ng bulsa kong mag-gala ng bongang-bonga...may masa-sacrifice pa nagkataon..di ako kakain ng isang taon..hahaha)

So what made me changed my mind?
nag-chat kami ng nanay ko kanina. tinanong ko siya kung uuwi ba ako o hindi. sinabi ko sa kanya na hindi free ang ticket ko. ipapadala ko na lang sa kanya ito at bumili ng bagong refrigerator (naikwento niya kasi na natanggal ang door ng ref namin kanina)...Akala ko mag-aagree ang nanay ko sa akin. Praktikal din kasi ito kagaya ko. Alam niyo ba ang sinabi niya? "uwi ka na lang para naman matulugan mo naman ang bahay natin ng matagal-tagal". Right there and then, nawala ang aking alinlangan. hehe...Yes, i'm going home! :-)


And now excited na ako! hahaha....I'm planning for a 1-day stopover either in Malaysia or Thailand. 1st choice ko si Malaysia, gusto ko lang makita ang Petronas Tower..hehe..Sana lang merong pa silang flight from Dubai. Check the net wala na ang dubai. huh?! Tawag agad ako sa mga posibleng nakakaalam. Meron akong friend na merong contact sa agency, malalaman ko bukas kung meron pa. Crossed-finger. :-) Kung wala naman, okay lang sa akin si Thailand (yun nga lang merong kaba, mag-isa lang kasi ako). Enewei, we'll see kung ano ang matuloy sa dalawa. Basta pag merong pang flight ang Malaysian Airline from Dubai. Go na go ako sa Malaysia!

MULTIPLE CHOICE

1) Saan ko gustong mag-stop over this time (minus na ang Singapore & Hongkong)?
a) Malaysia
b) Thailand
c) none of the above
d) depende sa sitwasyon

2) Ano ang sasakyan kong airline?
a) Malaysian Airline
b) Thai Airways
c) Etihad Airways
d) Depende sa answer sa no. 1


Planning Ahead
Ito ang pagkakaabalahanan ko mula bukas. Kelangan ko nang magpa-book ng maaga at makagawa ng itinerary ko. Plano ko ding ipa-move ang vacation ko from July to Aug. Birthday kasi ng nanay ko sa Aug 19. Bukas na bukas din mag-request na ako ng date change of leave. For now, eto na lang muna. Wala pa akong maidadagdag. hehe..Gudnyt! :-)

Thursday, April 26, 2012

Starbucks

Pasakalye: Weeehh, bago na ang itsura ng blogger ngayon. Naalarma ako ng unti kasi medyo natagalan ako bago ko nakita kung saan ang new post. hehe. Enewei, i'm back again. I know ni-promise ko earlier na may iba-blog akong true-to-life na tragic comedy love story. ipagpapaliban ko muna ito. di ko pa kayang ikwento. di ko alam kung matatawa o maiiyak ako sa nangyari. hehe..In the meantime, share ko muna ang mga nangyaring meet-ups ko with my friends sa Starbucks, Al Ghurair. :-)

Btw, i'm not a coffee-lover. Nagkataon lang na sa Starbucks ang aming meeting place. I remember my bestfriend in college, super favourite niya ang coffee. From dusk till dawn, kape ang kanyang kasama! Coffee na yata ang dugong dumadaloy sa kanya. haha. Peace MC! Miss you! :-)

I can't concentrate sa aking sinusulat ngayon. Ilang oras na lang darating na ang aking kuya. Actually, dapat andito na siya. Delayed ang flight ng Cathay Pacific. Ang aga-aga kong nagising at nagpunta kanina sa airport, only to find out na delayed ito. Nag-leave pa ako today. Anyway, okay lang po basta safe na makarating dito ang kuya ko.

Excited na ako! Lahat daw ng bagahe ng kuya ko, padala para sa akin. hahaha! Mamaya-maya lang, makikita ko na ang mga ito. hehe.

Mag-blog na lang ako ng separate about it ah. Tapusin ko muna ito. Baka kung saan-saan ako makarating. :-)




02 April 2012 Monday
with Annie :-)

para kaming adik ni annie dito!
may dala-dala siyang 2 whole cakes para sa aming dalawa.
weeehhh, buti na lang di ako nagda-diet pa. :-)

from L to R - me and annie :-)
annie, kelangan na nating mag-diet pala! hahaha.
tingnan mo ang kuha natin! puro bilbil na tayo! :-)
















21 April 2012 Saturday
with my highschool classmates :-)

di sila ang original barkada ko in highschool.
actually, ako lang ang hindi nila original barkada noong highschool. :-)
pero naging super close kami nung 1st reunion namin
dahil kasama ako sa mga organizer nito.
by the way, sa Dec 2012 ang grand reunion ng aming batch!
i don't think i can attend, malabo ang Dec na bakasyon this yr.
tsk.tsk. sayang meron pa naman daw na 'It's a Date!' game
para sa mga single ladies. hahaha :-)




moment ko daw ito sabi ng aking mga klasmeyts!
i agree, nakuha ang aking anggulo.
considering stolen shot pa ito! :-)


ang aking mga kaklase :-)



26 April 2012 Thursday
with my long-lost friend SM :-)

super tagal na naming di nagkita ni SM nito!
madami daw siyang pinagkakaabalahan.
pati nga bday ko naindyan!
(count me out kung meron kang party sa bday mo)
makaganti man lang. :-)



ok, erase. erase.  i wouldn't want to miss it! pupunta ako
kahit di pa ako invited or kahit walang party. haha.
maiba ako, ang sarap ng cheesecake!
thank u friend! thank u sa time! na miss kita sobra!





btw, wala palang pic si SM. camera-shy? di siguro.
thank u ulit SM! sa uulitin ulit, ako naman ang taya! :-)

Wednesday, April 18, 2012

Restart

gosh! it's been a long time since my last post. super busy. ang dami kong na miss na isulat.

Dumaan ang mga ito:
1) ang aking 31st birthday last march 31 (w/c for the very first time nag-invite ako ng aking mga kaibigan (other than the usual casts) dito sa haws to celebrate).
2) mahal na araw (we got to do the traditional visita iglesia, first time din naming gawin ito. nabisita namin ang 7 churches at nag-station of the cross. pramis namin na gagawin na ito every year kahit nasaan man kami)
3) easter sunday (OA na ako pag sinabi kong first time ko din ito..hehe...nagsimba ako ng early morning nito then diretso sa ofis...tawag sa pinas..text ng mga greetings...bowling practice naman kami after ofis in preparation sa nalalapit na bowling tournament ng aming company)

And today:
1) our UK trip plan in July 2012 is officially cancelled. got the refusal letter from visa office today. the officer states that since i do not appear to have anyone who is dependent upon me in either the UAE or Philippines, he consider my ties to both countries to be limited. Hence, he is not satisfied that only a short visit is intended. Ok lng sa akin ito, ayaw talaga akong pagastusin. hehe..tsaka nauna nang na-refused ang mga kasama ko, ang reason naman nila is buong family magkakasama kaya baka di rin sila bumalik. anyway, yun nga yun. excited na pa naman ang mga pupuntahan namin. pero that's life. UK is not for me.sabi ko nga, makapag-ukay ukay na lang muna. hehe.
2) UK is out. who's in? malaysia or thailand ang aking pinagpipilian if ever uuwi ako ng pinas this july 2012. pinag-iisipan ko pa ito dahil expense ko ang ticket ko ngayon (in-advance na kasi ito last dec vacation ko).
3) visit visa ulit si kuya ko dito sa dubai. pina-courier na namin kanina ang visa niya. end of april andito na siya. hmmmm, sana madami akong pasalubong. hehe.


Haaay, salamat at naka-blog na ulit ako. i'm afraid baka makalimutan ko ito. hehe. Tama na muna ito. Bukas, meron akong nakakatawang true-to-life na kwento---a tragic comedy love story. :-)