Sunday, May 30, 2010

Deadline...

Nakatitig sa kawalan
Iniisip ikaw lamang
Tulang alay sa iyo’y gustong umpisahan
Pilit na inaapuhap lahat ng kaalaman

Bakit hirap ako ngayong gumawa ng tula?
Damdaming nakatago’y gusto nang makawala
Sabi nila’y hayaan lang daw puso ang magsalita
Pero tila di nakikiayon sa akin ang tadhana

Sakali mang ito’y mabasa at madaanan mo
Huwag mo sanang tawanan, ako’y nagsusumamo
Bawat letra dito ay galing sa puso ko
Umaasang mga ito’y makarating sa iyo.



Behind The Scene
Aliw na aliw ako pag nagbabasa ng tula. Nagagalingan ako sa mga taong marunong gumawa ng tula. Frustrated manunula kasi ako. Kaya naman, i challenged myself last month na dapat makapag-post ako ng tula dito sa blog ko before this month ends. :-) Effort to the max ako para magawa ko ito. Isip ng magiging magandang subject. Ayon sa isang kaibigang eksperto, kailangan daw ng inspirasyon whether good or bad. Tamang-tama, madami ako nun sabi ko.

Naisip ko agad tungkol dapat sa 'love' ang subject ko. This time, dapat istorya ko naman. Kung mapapansin ninyo, puro mga lovelife ng mga kaibigan ko ang nandito dahil sa napaka-obvious na reason na wala naman akong lovelife (haha...natatawa ako, pag nabasa ito ng mga kaibigan ko..tiyak sasabihan akong bitter?, na sasagutin ko naman na mukha ba akong bitter?..hehe :-))

I intended na maging serious itong post na ito. Pero mukhang hindi mangyayari. Natatawa kasi ako at feeling namumula pa (sa hiya). hehe..:-)

Anyway, i gotta do what a writer's gotta do. Lingid sa kaalaman ng lahat (except ni Jo at isa pang malapit na kaibigan), tumibok naman ang puso ko dito. Meron naman itong itinangi kahit papaano. Hindi naman pala ito naging bato. :-)

Inspired sa kanya ang tulang aking gagawin sa Ingles. Medyo malungkot ang ending. Sympre hindi naman kami nagkatuluyan at i know it will never happen. one hopeless case kumbaga. :-( Supposedly, bukas sana ang posting nito pero ang hirap! Hindi ko siya magawa-gawa kaya i decided to extend my deadline sa katapusan ng June. :-) Intro ko naman sana yung tula sa itaas.


ps:
super lihim itong naramdaman kong ito. very outspoken ako pero may mga bagay
na hindi ko kayang sabihin. malakas ang loob ko dito kasi hindi nila alam ang blog ko. :-)

Tuesday, May 25, 2010

Serious Talks

23 May 2010 Sunday 6pm
@ the office

I got alarmed when I received this (emergency) call from a friend. She told me she needs someone to talk to, first time i heard this from her. She sounded very desperate and hopeless. I really have no idea what's worrying her. I wanted to be of help so I decided to cancel my planned activity for the night and meet her instead.

8:30pm-12:30am

We met up at a nearest mall and had dinner. After our 'komustahan' portion (it's been a long time since we last saw each other), she became so serious and started crying over a lot of things that are really bothering her.


Our Conversations

her: tin, do you believe in God?
me: of course, I do. And I believe He's a loving and very compassionate God.
her: i'm losing my faith in Him. He's not listening to my prayers (citing all her unanswered prayers). i'm trying my level best to be good & correct mistakes i've done in the past but why He's giving me all these trials? sometimes, i want to try the other side. hoping it will be different. these problems are too much for me.
me: There are no unanswered prayers. Sometimes His answer is No or No, not this time. Believe me He perfectly knows the right timing. He has a reason for everything. Don't blame Him for our misfortunes in life. He gave us wisdom and free will. Let us be responsible in using these gifts. God loves you don't ever forget that. Whatever problems you have, it shall pass too. Just keep the faith.

her: i've been so patient in waiting for His response, but today is very different. i was happy for i saw some developments on my request like 'i think this is the long-awaited answer' but only to find out, He's still not giving it to me. I've done everything.
me: then, let Thy will be done. There is this book Eat, Pray & Love which I just started reading two days ago. The start of the story is a woman is crying at 3am in their bathroom over unhappiness in her marriage and life altogether. She married her chilhood sweetheart but now she wants out of this marriage. She realized she's not ready to bear a child. She doesn't know what to do. But something unexplainable happened that night, for the very first time she talks directly to God. She asked for help. They had a one-on-one conversation. And did you know what God tells her after? Now, go back to sleep. Because God gives possible answer. At 3am, there's nothing she can do.

I advised my friend to get a support from her family and friends. When you know you have 'kakampi', somehow it gives you strength & sustain you. And our biggest/strongest kakampi is God.

We talked lots of things. She cried her heart to me. I consoled her. I tried to make her smile while crying. I told her all the parables and encouraging stories that i know. I wish I could help in solving her problems directly. But these are the only ways I think I could do. I am sincerely praying for God's intervention.


I easily get depressed when i have problems before. I excessively sleep, i cannot talk and i don't want to go out-these are the signs (i've changed, nde ko na ginagawa ito ngayon). Nagtatampo din ako sa Kanya. Pero pag nahimasmasan na ako, sigurado babalik din ako sa Kanya. I know kasi I will be lost pag hindi ko siya kasama, kaya naman talagang dumidikit ako sa Kanya.

Sunday, May 23, 2010

The Pre-Nuptial Photo Shoot :-)

Naganap na nga ang pre-nuptial photo shoot kahapon ng aking kaibigang si Jo at ni GD. Sa sobrang kakulitan ko ay napapayag ko silang gawin ang isang bagay na never nilang na-imagine sa buhay nila..hehe...Pero grabeh, super satisfied kami sa end result nito at nag-enjoy naman ang lahat. Sabi ko sa kanila ang goal namin is mag-enjoy at ma-capture ito ng camera. :-) Which is nagawa naman namin. Teaser lang sympre ang ipapakita ko dito. Nag-request ako sa photographer na dapat merong back-pics for my blog purpose. hehe.

Bago ako magpatuloy, i would like to thank RS & JM for this very successful photo shoot. Sila ang aking super napakabait at very supportive na mga kaibigan sa ofis. I told them i'm so blessed & thankful na kaibigan ko sila. Napakabait nila sa akin and now extended pa ito sa kaibigan ko! :-). Kay JM, na siya ang nagpahiram sa amin ng SLR camera (na kabibili pa lang). Kay RS, na siyang naging official photographer. Ngayon ko lang din nalaman na meron pa lang talent si RS na ganito. Again, thank you..thank you so much! :-)

Miyerkules nang ma-confirm ko na pwedi sa lahat ang Saturday. Hindi na ako magkandaugaga. Mas excited pa sa mga pipiktyuran. Gumawa ako ng preliminary plan/proposal para sa location shoot at mga costumes. Natakot ang dalawa. Gusto nang mag-back out. Kaya ang nangyari, kami ni RS ang nag-conceptualize ng lahat. Hindi na muna namin ipinaalam ang plano sa dalawa. Basta ang bilin ko kay RS, gawin ito as much as possible na 'very light' lang ang dating para maging komportable ang dalawa.

Inumpisahan namin ang photo shoot sa may Jumeirah Open Beach, medyo mahilig kasi ang dalawa na mamasyal sa beach kaya perfect location ito tapos kita pa ang Burj Al Arab na very prominent na landmark ng Dubai. Tsaka dito sa Dubai sila nagkakilala. Pagkatapos ng beach, tumuloy kami sa malapit na park. Then nag-location shoot din kami sa may Madinat Souk. Ang last stop namin is sa Dubai Mall kung saan nandoon din ang Burj Khalifa, the tallest building in the world.

Grabeh as in super enjoy kami! Parang naglalaro lang. Pagod na pagod kami pero enjoy talaga. Feel na feel ko ang pagiging Executive Producer cum Director cum Personal Assistant. hahaha...Ang dami naming bitbit na props parang may shooting talaga. Bumilib din ako kay RS kasi kumpleto siya ng gamit at marunong talaga. Would you believe na siya din ang naging make-up artist? Nagdala din siya ng mga accessories at yung ibang mga costumes. Bale apat na beses silang nag-change costumes. One per location.

Madami akong naging pagkukulang bilang kaibigan kay Jo (dahil sa pagseselos kay GD noon). Hindi ako naging mabuting kaibigan. I was so bad really. Pinagsisihan ko na iyon. And I thank God dahil nalampasan ko na ang stage na iyon.

Kaya naman ngayon, as in super bawi ako sa dalawa. I'm extra kind din kay GD. hehe..Gone were the days noong 'no comment' ako pag dating sa kanya!. Nakikipagbiruan na din ako. Tapos na yung tipong 'mamawala ako sa mood' dahil lang dumalaw sa bahay si GD. Hahaha. Natatawa na lang ako ngayon pag naalala ko ang mga 'kasamaan' ko. :-)


para maging at ease ang dalawa,
sabi ko kay Jo pag ako kinasal, payag din akong may pre-nup. :-)
(never talaga kasi namin na-imagine ito,
pero recommended ko na ito ngaun para may souvenir din ang couple)



i suggested kay Jo na suotin niya ang kaisa-isa niyang dress
na ginamit niya sa christmas party nila sa ofis. bagay kasi ito sa kanya.
(hindi kami nagdi-dress ni Jo unless kailangan talaga,
ako nga wala akong dress dito sa Dubai, sana wag kailanganin. :-))


naku, naku, i can't help but post this pic.
hindi naman masyadong exposed ang mga mukha. :-)



This is Us: me and RS
apparently, i was also with RS in the BSB's This Is Us Tour last Dec 09


From L to R: RS-the photographer,
Jo-the model and me-the assistant. :-)


taken @ the Ladies Room in Dubai Mall
hmmm, mukhang feel ko din ang maging photographer. :-)
kakarerin ko ito soon!

Wednesday, May 19, 2010

Housewarming :-)

Sa sobrang hectic at busy ng aking schedule nung mga nakaraang araw, ngayon ko pa lang maikukwento dito ang nangyaring housewarming (07>08 May 2010) para sa aking kaibigang si ID. Lumipat na sila ng tirahan. Medyo malayo na sila ngayon sa aming tinitirhan. Magkapit-bahay lang kami dati dito sa Deira. Ngayon, kailangan pa naming maglakbay para makarating sa kanila. Pero okay lang kasi super ganda ng environment at community doon para sa kanyang pamilya lalung-lalo na kay MJohn. :-).

Si ID ay kaibigan naming pareho ni Jo. Magkakasama kami dati sa work sa Pinas. Apat kaming matalik na magkakaibigan (tatlo kaming naglakas-loob na hanapin ang kapalaran sa Dubai), ang tawag sa amin ay F4 hango sa 'Meteor Garden' series na sikat na sikat noon. Tumira ako ng mga ilang buwan sa bahay nina ID sa Paco, Manila bago kami nagpunta dito. Nag-maternity leave kasi ang pinsan ko noon (si ate CP) na kasama ko sa bahay na inuupahan namin sa may Estrella, Makati. Ewan ko ba, pero mas panatag ako pag may kasama ako sa bahay. Takot akong mag-isa. Kaya naman, nang mag-alok si ID na pansamantala akong manirahan muna sa bahay nila ay hindi na ako nagpakipot pa. hehe. :-) Noong umalis sina ID at Jo papuntang Dubai, eksakto namang balik-trabaho na yung pinsan ko.

Noong ibinalita sa akin ni ID na nakahanap na sila ng bagong bahay (pero malayo na sa amin), nalungkot ako. Hindi na ako pweding dumaan sa kanila kahit kailan ko gusto. :-( Si baby MJohn ay hindi ko na lagi madadalaw. Sabayan pa nang nalalapit na pag-alis at pag-uwi sa Pinas ni Jo next month para sa kanyang nalalapit na kasal.

Masaya ako dahil sa mga magagandang pangyayari sa mga buhay ng aking mga kaibigan. May nararamdamang lungkot dahil maghihiwa-hiwalay na kami ng bahay. Naiisip ko, ano kayang mangyayari sa akin sa June? Kakayanin ko bang mag-isa? Gusto kong lumipat sana kina ID pag-alis ni Jo, kaya lang hindi pwede ngayon kasi malayo sa pick-up/drop-off point ng service namin.
Ayokong alalahanin pa ito ng aking mga kaibigan. Sabi nga nila, matured na daw ako ngayon. hehehe. Feeling ko napaka-dependent ko sa mga kaibigan ko, pero alam niyo bang nasabi na sa akin nina ID at Jo na sa akin sila kumukuha ng lakas? Very strong daw ang personality ko. Kayang-kaya ko daw lahat.

Malapit na ang June. Malapit na din akong mag-isa. Sabi ko hindi na ako magda-drama. Pero palagay ko, maiiyak ako sa araw na iyon. Di bale, iisipin ko na lang na nakakabuti naman ang mga luha sa mga mata ko kaya okay lang mag-drama (for one last time). hehe. :-)

Kung saan-saan na ako nakarating, eh ang gusto kong i-blog is yung bagong haws nina ID. Sosyal at maluwang ang bagong tinitirhan nila ngayon! Sa isang exclusive subdivision sila nakatira sa may bandang Mirdiff! Take note, may security guard pa sa gate nila kaya safe na safe sila doon.
Mahal ang renta dito sa Dubai kaya usually sharing ang accomodation dito. Kung mapapansin ninyo, medyo mataas ang energy ko sa pagkaka-describe sa bahay nina ID kasi sobrang we feel blessed dahil ang kaibigan ko ay nakatira na ngayon sa isang flat na sila lang pamilya ang nakatira. Nakakagalaw at nakakalaro na nang maayos si baby MJohn. :-)

Nag-overnight kami nina Jo at AB (kaibigan ni Jo) sa bagong bahay nina ID para ma-feel ito. Aba, sympre hindi ko nakalimutang kunan ng picture ang bahay nila para naman mai-post ko dito. :-)

the living room. :-)

Napansin nyo ba si Pooh? Bigay yan ni Tita F kay ID

Sa Sharjah pa lang kasa-kasama na iyan ni ID.

No wonder, favourite din siya ni baby MJohn.

(Si Tita F ang tumulong sa amin sa pagpunta dito)


lahat ng pang-display ay bili sa Ikea

except yung black lampshade, galing sa warehouse namin sa ofis. :-)



kapuso na sila ngayon, nde pa kasi available TFC doon.
si baby MJohn busy sa pagtingin sa DVD ni Barney's.
yung picture sa photo frame ay kuha naming F4 sa NAIA,
bago pumunta sina ID at Jo dito (after 2 months sumunod ako)


haaay..napakasarap mag-overnight kina ID,
pagkagising namin nag-jogging kami at nilibot
ang buong subdivision, diet? nde cguro.
kasi tingnan nyo naman ang bumungad sa amin pagkatapos.
napakasarap na breakfast na luto ni ate E :-)


grabeh, super favourite breakfast ko ito- tapsilog!
so, sira ang diet namin ni Jo this May. hehe...
naka-tatlong servings ako na ganito &
i wanted more..hahaha.....

kagigising lang nito ni baby MJohn.
pero super cute pa rin. :-)

Very family-friendly and homey ang place nina ID. Malamang sina Jo at GD ay doon din maghanap ng tirahan pagkatapos ng kasal nila sa September. Magandang lugar ito para sa mga taong kasama ang pamilya dito. Pero sa kagaya kong single, mas prefer ko pa rin ang nakatira dito sa Deira. Malapit sa mall. Malapit sa simbahan. Malapit sa Metro. Pweding maglakad-lakad at gumala lang nang gumala. Madaming tao. Maingay, para hindi ko mapansin ang katahimikan ng aking pag-iisa.




Paano Pumunta Kina ID? :-)
1) sumakay ng Metro hanggang sa Rashidiya Station






2) mag-sight seeing muna :-)
3) from Rashidiya Station sakay ng Dubai Bus No. F3 and/or F10
(travel time from our place: 1 1/2 to 2 hours including waiting time)

Sunday, May 16, 2010

Burj Al Arab: Up Close and Personal :-)

About Burj Al Arab
1) an Arabic name meaning "Tower of the Arabs"
2) located in Dubai, UAE
3) the only seven-star hotel in the world
4) the second tallest hotel in the world with a height of 321m ( the Rose Tower being the tallest @ 333m height which is also located here in Dubai, UAE)
5) stands on an artificial island/(reclaimed land) 280m out from Jumeirah Beach
6) connected to the mainland by a private curving bridge
7) an iconic structure to mimic the sail of a ship
Source: Wikipedia


More About Burj Al Arab
1) almost all Dubai souvenir items were inspired from this hotel (be it t-shirts, fridge magnets, mugs, key chains, post cards, etc)
2) definitely a must-see place for all those who happen to be here in Dubai (whether a tourist/worker/resident/locals).
3) the most luxurious & expensive hotel (their lowest rate is a whooping AED5,000 per night!)
4) the only hotel i know which has an entrance fee (in the form of restaurant bookings/reservations; you can choose from 6 restaurants, 6 bars and 2 lounges; rates ranging from AED185 to AED495 per person )
5) now you know why it took us more than 4 yrs before we finally step in this grandiose hotel. hehe (kidding aside, we prioritize Burj Al Arab visit because of 'Nanay', mother of Jo. She's here on a 5-day visit only. She had heard lots of things about Burj Al Arab so we want her to experience it up close and personal. The same goes for us. hehe...Mas excited pa nga. Imagine, ang tagal tagal na namin dito at ngayon lang namin ito pinuntahan)
6) i had also visited other famous hotels here in the UAE like Atlantis Hotel & Emirates Palace, but Burj Al Arab is a different experience to me. (as in napa-wow talaga ako!) :-)
7) to sum it up----Burj Al Arab experience, priceless. :-)



15 May 2010, Sat


i once said, makapasok lang ako dito, pwedi na ako umuwi. :-)



This is it!!!!! :-)

it's a family outing! :-)
from L to R: Jo, 'Nanay' (mother of Jo) & me
kasama din namin si GD, ang soon-to-be husband ni Jo
(siya ang kumuha nitong pic) :-)

whooah, a breathtaking! :-)
and did you know it is also the highest atrium in the world?
plus.plus.plus. you would be able to see the Palm Jumeirah
when you're inside the Panoramic elevator
(nde ko nakuhaan ng pic dahil sa kaba at takot; ang taas kasi at ang bilis ng elevator!)

Junsui, a Far Eastern restaurant offering live cooking from
Thailand, China, Indonesia, Japan and Korea.



served Bumbu Bali delights :-)
sate lamb, sate seafoood, minced seafood sate, sate campur
all Indonesian foods from 11th - 15th May 2010
(though para sa akin mas masarap ang Thai food kesa Indonesian)


sarap ng fresh juices, refreshing! :-)
mixed kiwi/pineapple; mixed orange/strawberry/kiwi
dito kami nabusog--2 cocktail drinks kasama sa package namin
pero dahil matagal ko nang kinalimutan ang alak, kaya juice na lng. hehe.

Tuesday, May 11, 2010

A Daredevil :-)

Matatakutin ako. Takot ako sa multo kaya ayoko nang horror movies. Takot akong mapag-isa lalu na pag madilim. May fear of heights din ako. Madami pa akong kinakatakutan. Nangiginig talaga buong katawan ko dahil sa mga takot na ito. Pero nilalabanan ko ang mga ito pag gustung-gusto kong magawa ang isang bagay.

Isa daw akong 'daredevil' ayon sa isang kaibigan. As for me, yes malakas ang loob ko na mag-dare pero pag actual na grabeh nanginginig na ako. Gusto kong mag-back out. Pero dahil determined akong magawa ang isang bagay, i'm willing to face these fears. :-)





Wall Climbing @ Wafi City
01 May 2010




and i thought i couldn't make it, but i did! :-)





ON MY WAY TO THE TOP

this is my 2nd attempt :-)
(1st try, nde ko kinaya ang panginginig ko)

i was actually telling myself here, 'kaya ko ito'

i heard my friends (Jo & AB), cheering for me :-)


i'm almost there. :-)

Finally, at the top :-)
whoooaaahhh! yipppeeeee!


posing muna kasama ang aming climbing instructor :-)
From L to R : Jo, Surya and me



Acknowledgement:
Salamat kay AB (friend ni Jo) for introducing wall climbing to us. Salamat din sa pagiging photographer namin! :-)





Monday, May 10, 2010

Halalan - 10 May 2010

11:39 pm
Deira Dubai, UAE

Kanina pa kami nakatutok sa TFC. As of this writing ay nanguguna pa rin sa bilangan para sa pagka-presidente si Noynoy Aquino, kasunod niya si Joseph Estrada. 60% na ang nabibilang ng Comelec at malamang bukas ay malalaman na natin kung sino ang ating bagong Presidente. Bagong Presidente. Bagong Pilipinas.

Nakahinga ako nang maluwag nang malaman ko na tahimik at payapa namang naidaos ang Eleksyon sa pangkalahatan. Thank you, Lord. Sa ofis kanina, kabi-kabila ang mga nagpapadala ng updates sa work email namin kaya aware na aware kami sa mga nangyayari sa Eleksyon. Tumawag din ako kanina sa amin para makibalita ng personal (fiesta din sa aming barangay today), tapos na daw ang bilangan sa amin sabi ni madir. Si Noynoy ang panalo sa aming barangay dagdag pa ng aking nanay. :-)

Nakakatuwa kasi kahit malayo ako sa Pinas, ay nakikita ko pa rin ang concern ng bawat Pilipino. Nandoon pa rin ang pagnanais na makibahagi sa kasaysayan. Lahat kami dito sa bahay ay gising pa hanggang ngayon at inaantabayanan ang mga pangyayari sa atin. Napagtanto ko na malaki ang pag-asa ng ating bansa para makaahon. Nakikita ko na ang mga Pilipino ay mas mulat na ngayon. Tayo ay may pakialam na at nakikialam para sa ating Inang Bayan.