Saturday, February 11, 2012

Panahon Na Naman Ng Pag-ibig

"Hindi mo ba namamalayan?
Wala ka bang nararamdaman?
Ika ng hangin na
humahalik sa atin:
panahon na naman ng pag-ibig,
panahon na naman

panahon na naman
ng pag-ibig
gumising ka,
tara na"

-by Rivermaya



Malapit na ang araw ng mga puso! Yippeee! Eh ano naman daw sa akin tanong ng kaopisina. Wala lang, gusto ko lang magsaya. bakit ba? hehe. Love. Love. Love. ika nga ni kris aquino. :-)
Niloloko ako ng mga ofismeyts ko baka naman daw may ma-received akong flowers sa valentines pero ang sender daw ako din. hahaha...grabeh naman, never ko namang naisip itong gawin.

Unting kwento lang, meron akong kaopisina, si ate MT, 42 years old, single & NBSB (no boyfriend since birth). Lagi kong sinasabi sa kanya na 'ate, mag-asawa tayo sige na'. Pinipilit ko siya. Ang sagot naman niya lagi sa akin, ikaw na lang kung gusto mo. Ako, masaya na akong single. Tsaka kung gusto ko, sana noon pa.

Then ako, titigil na sa kakakulit at sasabihin na 'sana maramdaman ko din yung ganyan ate MT kung talagang di ako for married life..bakit kasi ramdam na ramdam ko ang pag-ibig? :-)

Just today, naka-received ako ng message sa aking bestfriend noong college. nag-aaya na ding mag-asawa na kami this year (it's like as if meron akong naka-ready na groom). malapit na daw ang birth month namin (pareho kaming ipinanganak sa buwan ng Marso), tatanda na naman kami. May pinapaaral pa ang aking bestfriend kaya alam namin na hold muna ang plano niya. Anyway, next year tapos na ang bunso nila kaya pwedeng-pwede na nun.

Nag-meet nga din pala kami kanina ng aking kaibigan since birth. Kasama niya ang kanyang husband na kanina ko lang na-meet in person . Kadarating lang niya sa dubai. Kwento kwento at sympre napunta ang usapan sa lovelife ko naman. Natatawa ako parang meron akong lovelife talaga. :-)

Share ko lang, fresh na fresh na status from Facebook ng isang kaibigan:
"just one step and i will be brave for you"














Saturday, January 28, 2012

Inventory Recount

Maaga akong umuwi ngayon para makaipon ng lakas. Expected ko na exhausting ang magiging araw ko bukas dahil mag-iimbentaryo kami ulit sa mga site. Haaaayyyy, life. Matatandaan na kaya 10 days lng bakasyon ko last Christmas dahil nga kasama ako sa inventory team namin. Muntik na akong nilagnat dahil sabak agad ako sa work pagdating ko from vacation.

Ako dapat ang magiging leader ng team. Pero dahil sa bakasyon ko nag-decide ang boss namin na yung kasama kong ibang lahi at lalaki na lang. So yun nga ang nangyari.

After mag-reconcile ng inventory, it turned out na napakalaki ng variances sa mga sites---missing? not properly documented? not properly counted?. Sa sobrang laki ng variances, nagpatawag ng meeting ang management kanina sa lahat ng involved. Kahit na sobrang busy kami ngayon sa audit, pinapauna munang i-resolve ito. This time, kasama na ang bisor ko sa actual count. Evicted na si ibang lahi sa team (at medyo nanganganib siya due to incompetence)

Two days ang alloted time namin para ma-cover ang lahat ng mga sites - Jumeirah Village South, Al Furjan, Discovery Garden, Palm Jumeirah & International City.

Sana ma-reconcile namin at mahanap ang mga variances. Dahil di biro ang almost 1M Dirhams! Sigurado may mananagot pag nagkataon.


Trivia:
'nag-iisang ako' lang na babae ang kasama sa buong team. nasabi ko nga sa boss ko na buti na lang hindi ako naging team leader dahil tingin di ko kakayanin ang pagod. sabi ba naman, "nagkamali nga ako ng pagpili sa isa, eh mas tigasin ka pa dun"...ganun, tama bang gawin akong lalaki?!!!! :-)

Wednesday, January 25, 2012

Bloopers...

Scene 1
Papunta kami nun sa Abu Dhabi ng aking mga kaibigan. Medyo malayo ang biyahe kaya dumaan muna kami sa isang gas station para bumili ng makakain. Nagpunta ako sa rest room. Pagkalabas ko, nag-aantay na ang mga kaibigan ko sa sasakyan na naka-park sa dulo. Dali-dali akong tumakbo sa sasakyan. At umupo sa pwesto ko, sa driver's seat.
Driver/Friend: ok ka na tin. naka-belt ka na?
Ako: (nagtataka) oo, suot ko naman ang belt ko (sabay tingin sa aking sinturon)
Driver/Friend: ang ibig kong sabihin is yung seatbelt. :-)


Scene 2
Pauwi ako sa bahay namin galing sa isang interview. Sumakay ako ng metro. After ng isang station, tsaka ko palang napansin na mali pala ako ng nasakyan. Sa kabilang side dapat ako. Natawa ako sa sarili ko, pasimpleng bumaba at lumipat sa kabila, nawawala na ba ako sa sarili ko? hehehe.

(understandable ito kasi nawalan ako ng work nun dito (last year lng), siguro lumilipad ang isip ko nun. pero naging wake-up call ito sa akin para maging aware pa rin sa kapaligiran)


Scene 3
Year-end party namin sa ofis. Dinala ko si 'alexis', ang aking camera. After ng dinner, naki-join ako sa mga 'official photographers' ng aming company. Nag-table hopping ako para kunan lahat ng mga pictures. Nung nasa table na ako ng mga bossing. Aba'y sa hindi maipaliwanag na dahilan ayaw mag-click ng camera ko! After pa ng tatlong attempt tsaka lang gumana.

Tuesday, January 24, 2012

Powerful Words From My Kuya

Sobrang busy kami sa ofis ngayon, lagi kaming OT dahil audit time na. Meron ngang araw na ramdam na ramdam ko ang pagod bunga nito kagaya na lang ngayong araw.

Matutulog na sana ako at pass muna ako sa tv at internet nang biglang maalala kong mag-check ng ym baka lang kasi may nag-iwan ng message sa akin. Wala naman. I was about to sign out nang biglang nag-online ang kuya ko. Madalang ko lang siyang makausap kaya nagparamdam ako sa kanya.

Ayun, kwentuhan at komustahan kami. Bakasyon niya ngayong end ng February, di kasi ito natuloy noong pasko (nagtatrabaho din siya sa ibayong-dagat). Di tuluy kami nagkita.

After ng mahaba-haba naming kwentuhan, nagpaalam na si kuya. Matutulog na daw siya. Ito ang kanyang parting words na nakapagpalakas at nakapagpangiti sa akin hanggang ngayon:

tin : ingat dyan. bye.
kuya: ok bye. mis na kita.... ingat. mis u!
tin : gudnyt kuya :-)

Monday, January 23, 2012

Mistaken Identity

Dalawang Magkaibigan Habang Nagkukwentuhan

Kaibigan 1 : fren, good to see you. mukhang blooming ka ngayon ah.
Kaibigan 2 : na-miss kita. musta na bru? sana laging mukhang blooming ako. hehe.
Kaibigan 1: sino ang may kagagawan niyan ah?!!!
Kaibigan 2: fren, wag kang mabibigla ah pero gusto ko na si "joey", yung ni-kwento ko sa'yo dati.
Kaibigan 1: weeehhh, kinikilig naman ako sa'yo. kwento ka naman, paano nag-umpisa?
Kaibigan 2: relax, di ko nga din ma-pinpoint kung paano nag-umpisa. hi/hello lang kami. unting kwento ganun lang. tapos isang araw, napansin ko na lang na hinahanap-hanap ko na siya. nasanay na ako sa kanyang presence.
Kaibigan 1: hay naku fren, i'm so happy for you. at in fairness maganda ang pangalan niya "joey"?
Kaibigan 2: actually fren, di ko alam ang full name niya, nahiya akong itanong. di ko din sure kung "joey" nga ba ang pangalan.
Kaibigan 1: naku fren, assignment mo yan.
Kaibigan 2: cge fren, aalamin ko at inform kita agad. mamaya dyan di naman pala 'joey' ang pangalan nun. hahaha..


Few Days Passed....

Mga Magkakabarkada Nagkakasiyahan

Barkada 1: pre, masarap yung sisig. sino nagluto?
Barkada 2: si "joey"...kaya lang ayaw kainin ni brownie (isang alagang aso). mana sa may-ari.
Barkada 3: mana nga yata, di man lang ito ginalaw ni brownie
Barkada 4: yung gustong kumain, nasa mesa lang ang sisig.
Barkada 5: tamang-tama gutom na ako. salamat joey.


Lahat ito nasaksihan ni Kaibigan 2. Di niya mapigilang mapangiti pero di nagpahalata. Dali-dali niyang tinawagan si Kaibigan 1 para ikwento ang mga naging kaganapan. Tawa sila ng tawa dahil nagkamali sila. Kinikilig sila sa isang taong wala pang pangalan. haha....



Sunday, January 22, 2012

My Fearless Forecasts This Year 2012

Gusto kong mag-blog today pero wala akong maisip na isulat. Binalikan ko ang mga pictures ko last vacation baka sakaling magkaroon ako ng subject pero naguluhan ako sa sobrang dami naman. Di ko ito matatapos tonite pag inumpisahan ko. Isip isip habang nanonood ng ASAP sa TFC. Ayun, nakaisip din..hehe..celebration ng Chinese New Year kaya susubukan kong manghula. Uso naman ito pag new year di ba. :-)

Actually ang mga isusulat ko ay mga inaasam ko na mangyari sana this year 2012. Isasama ko na din ang mga new year's resolution ko para may ebidensiya ako kung di ko ito nagawa at the end of the year. :-)

1) matatapos na ang aking 'engrandeng plano' this may 2012.
2) magtutuluy-tuloy ang pag-eenjoy ko ng panonoood ng sine na mag-isa.
3) makakapasyal ako sa isang bansa na never ko pang napuntahan----could it be UK, malaysia, thailand or korea? we'll see.
4) magkakaroon ako ng business venture i.e. fishpond/piggery/poultry/farming
5) at the end of the year, meron na akong concrete plan para sa aking repatriation sa july 2013.
6) matutupad na ang pangarap ng aking nanay at lahat ng aming kamag-anak dahil magkaka-boyfriend na ako. (meron ng tinitibok ang aking puso. ang lakas nga ng tibok nito. naririnig mo ba? -boy pick-up. hahaha.)
7) sasali ako sa isang contest - photo? blog? radio? (in my dreams.hehe)
8) learn a new craft -photography/baking/etc.
9) magiging 20 o higit pa ang blogroll ko.
10) dadalo ako sa isang grand EB ng mga blogger dito sa UAE. better yet, mag-oorganize ako ng isang EB. (haha..very ambitious!)

Cia, yan na lang muna. malalim na ang gabi dito (12:16 am). patapos na ang The Buzz. :-)

Saturday, January 21, 2012

First Timer

Yippeee!!!!!!Sa wakas, nakanood na ako ng sine na mag-isa! Thanks kay 'Sherlock Holmes' at nagwagi ang kagustuhan kong mapanood ito kaysa sa takot na mapag-isa. Haaayyy, i'm so happy talaga. Ang tagal tagal kong inintay ang araw na ito. hehe.

ipapa-laminate ko itong ticket na ito. lol. :-)

quick movie review- 10/10 ang rating ko dito.
at tingin ko, lahat ng nanood kanina ganundin ang ibibigay nila.
aba, first time kong maka-witness ng nagpalakpakan pa sa dulo ng movie
ang mga manonood. standing ovation ito. :-)




Btw, speaking of first timer. Ngayon ko lang din ipapakita sa blog ko ang best-ever concert na napanood ko so far---ang Incubus concert @ Yas Island, F1 Abu Dhabi last 12 Nov 2011! Sa sobrang saya ko, nawalan ako ng lakas para gumawa pa ng blogpost tungkol dito. You'll know why pag nakita ninyo ang mga pictures sa ibaba. :-)


OMG! Mr. Brandon Boyd himself, the lead vocalist of Incubus in flesh!
at ako lang naman ang inaakbayan niya! :-)

eto pa...parang 'it's us' di ba :-)
haayy grabeng saya namin dyan!!!!
di pa nag-start ang concert quota na kami sa happiness.

di namin lahat makakalimutan ang incubus experience na ito!
nawalan ako ng boses for 1 week pero ok lang kung kapalit naman ito.
3 kanta lang ng incubus dati ang gusto ko--drive, are you in? at tsaka stellar
after ng concert nila, gusto ko na everything about them! hahaha..
sobrang galing nila sa live concert! pag naririnig ko nga kanta nila
parang bumabalik ulit ako sa mismong concert! hehe.

"would you choose water over wine
hold the wheel and drive?" -drive


"meet me in outer space, i will hold you close
if you're afraid of heights" - stellar

"it's so much better when everyone is in,
are you in?" -are you in?


acknowledgement:
my special thanks sa aking kaibigang si RS/ella. Siya lahat ng may pakana sa mga concert experiences ko dito sa uae! (kasama ko din siya nung sa bsb concert). thank you din sa lahat! sana maulit ulit ito! (ang wishlist ko na lang sa concert scene ngayon ay si jason mraz!) tapos okay na okay na ako. hehe. :-)