Wednesday, August 24, 2011

Deja Vu

May sweldo na kami for this month! Yippee! Eid Holiday (end of ramadan) na next week at naka-bakasyon na ang mga bossing kaya maaga ang aming sahod. Magandang balita ito kaya naisipan kong tumawag kanina sa aking nanay para i-inform na pwede na niyang kunin sa Friday ang padala ko kasama na ang aking late na birthday gift para sa kanya. (note: i make sure na ina-advise ko na ang date ngaun kasi naikwento sa akin ng nanay ko dati na na 'wow mali' siya sa bangko...nag-text ako na nagpadala na ako then dahil kelangan na kelangan niya nun, nagpunta siya agad sa bangko para kunin ito..pero wala pa pala...nakalimutan kong sabihin na 2-3 days bago makarating ang padala pag bank-to-bank)


Pagkadating ko kanina sa bahay after ofis (4pm), agad kong ni-dial ang mobile number ng aking nanay

The Scene
(phone is ringing....matapos ang tatlong ring, sinagot na ito. pero nde ang nanay ko ang nasa kabilang linya bagkus ang bunso kong kapatid)

bunso: hello 'te....dala ko ang cellphone ni nanay nasa Manila pa ako.
ako: huh?!? bakit? sasakay ka na ba ulit ng barko? parang nangyari na ito kasi. hehe..
bunso: (natawa ito) oo 'te, sasakay na ulit ako. bukas na flight namin, sa Singapore ulit ang sakay.
ako: nangyari na talaga ito. nagkausap din tayo nung una mong sakay sa barko. dala mo din cellphone ni nanay. nasa Manila ka din nun at inaantay ang tiket mo...enewei, ingat ka dun..natatawa tuloy ako...
bunso: ingat ka din 'te.
ako: siyanga pala, paano ko makakausap si nanay.
bunso: tawag ka na lang kay cel (wife of my brother, kakauwi lang niya last week sa pinas dahil natapos na ang contract niya sa Taiwan)
ako: o cge, send mo sa akin ang number niya.
bunso: cge 'te
ako: basta ingat na lang ulit.
bunso: ingat din 'te.


Natatawa talaga ako sa mga pangyayari. Nakausap ko ang aking nanay at ni-kwento ko din ito. :-)

Dear God,
Thank you po sa blessing na ito sa aking kapatid.
Thank you din po sa timing dahil nagpang-abot pa silang mag-asawa.
Napakasaya po ngayon ng aking pamangkin. :-)
Masaya din po ang aming nanay gayundin ako.
Maraming-maraming salamat po!

love,
tin



p.s.
sa pagkakatanda ko naisulat ko din dito ang nangyaring pag-uusap naming magkapatid noon kaya binalikan ko ang mga blogposts ko...at eto ang aking nakita---My Little Brother's Now A Seaman. by the way, 6am din bukas ang flt ng aking kapatid papuntang Singapore. Doon sila sasakay ng barko. Pero this time, pangalawang pagsakay naman niya sa barko. :-)



Monday, August 22, 2011

Can't Fight This Feeling Anymore (Na Naman) :-)

Pinipilit kong i-divert ang aking attention para medyo makalimutan ito pero pilit naman itong nagsusumiksik sa aking puso't isipan. Hahaha...Excited na ako talaga sa aking bakasyon ngayong darating na Pasko! :-)

Out of nowhere kanina habang sakay ng bus pauwi, bigla kong naisip na dapat may photo op kami ng buong family pag-uwi ko. Sana talaga makapag-bakasyon din ang kuya ko para kumpleto kami. Wish kong magkaroon kami ng family picture na naka-display sa bahay. :-)

Umandar ang aking imagination. Gusto ko naka-formal attire kami. Haha. Mga taga-baryo kami kaya for sure magiging unforgettable ito sa lahat. Magsu-suot ako ng dress for the first time! haha...Nakita ko na ang gusto kong dress last week pero di ko muna binili baka magbago pa isip ko eh. Color green ang magiging motif namin. Favourite color ko . :-)

Mukhang magkakatotoo ang aking imahinasyon dahil napabili ako today ng mga neck tie para sa mga kalalakihan sa pamilya. Haha....Mga first timer lahat ang mga magsusuot! Nai-imagine ko na ang buong pamilya na pormal na pormal. Haha. I LOVE IT! :-)



From L to R:
For Jon Harold (my kuya's eldest son) & Kuya
For Bunso & his 2-year old son, Kobe


Sunday, August 21, 2011

Meet-Up

Ang tagal-tagal ko ng di gumagala. Madalas mas gusto ko pang mag-stay sa bahay tuwing weekend. Katunayan, di ko man lang nasisilayan gate namin pag Friday. Buong araw sa bahay lang talaga ako. Sunday na ako nagsisimba.

Kanina, nagkita kami ni anne (fren ni jo na naging fren ko na rin). Tagal na naming di nagkita kasi. Ang last is nung andito pa sa Dubai si jo. Umattend kami ng 4:30pm mass sa St Mary's Church. After ng mass, gumala na lang kami sa DFC at dun nag-chikahan. Sinamahan din niya ako sa IKEA. Nag-iipon na kasi ako ng pampa-cargo ko pinas.

Ang dami naming napagkwentuhan. Sympre hindi mawawala sa usapan ang aming kaibigang si joana na nasa Canada na. Pareho pala kaming walang gaanong balita ngayon kay jo kasi nde kami nagpapang-abot sa chat dahil na rin sa time difference ng Dubai at Canada. advance ng 10 hours ang dubai sa kanila. Gabi na dito, umaga pa lang. Idagdag pa na Friday ang off ko tapos Sat & Sun naman dun.

Tuwang-tuwa ako kay anne kasi nde pa rin siya nagbabago. Kwela pa rin. Kung gusto mo ng masayang kasama, siya yun. Napaka-carefree ng taong ito kaya gustung-gusto ko ding kasama. Sabit lang ako sa pagkakaibigan nila ni jo pero naging super close kami. Nagkakasundo kasi kami sa mga kalokohang bagay. hehe.

Madalang lang kaming magkita ni anne dahil weekday ang kanyang off, sa hotel kasi ang work niya. Eksakto naman today na nagpang-abot na ang schedule namin kaya Go kami! Miss ko na din siya kasi.

Pagkauwi ko ng bahay namin, nag-check ako ng ym at email kung may message ako. Para bang naramdaman ni jo na nagkita kami ni anne ngayon at nag-message siya sa akin kung on-line ba ako (lagi kasi akong invisible).

At yun na nga....sa wakas! nagpang-abot kami sa chat ni joana! Tawa lang kami ng tawa...Masaya lang kami lalu pa ngayon wala na kaming isipin--meron na siya work dun tapos ako naman aprub na bakasyon ko...hehe....tinour niya ako sa kanilang tinitirhan. Kasama niya dun ang pinsan ng kanyang husband. by the way, tuloy ang visit ng kanyang husband dun sa pasko...sana magka-baby na sila. :-)

Sobrang tuwa namin ni jo. Dahil sa sobrang excitement yata, napalakas ang boses ko. Eh 11pm na, sleeping time na ng ibang kasama ko dito sa bahay. After more than 1 hour naming chikahan over chat ni joana, nagpaalam na kami sa isa't isa..1pm na daw sa kanila, lunch time na nila...sabi ko, saglit picturan ko muna siya ng nakatalikod. bakit, nakakapag-blog ka pa ba nyan? alam niya kasi ginagamit ko ang mga backpic sa blog ko..hehe...


eto ang backpic ni jo sa chat (inalis ko yung pic ko sa baba)
yung pic sa other side, dyan sila namasyal last wik.
ang ganda sabi ko! gusto ko ding makapasyal dun! :-)

Saturday, August 20, 2011

Saan Nga Ba Patungo?

Gusto kong mag-blog today. Yun nga lang wala akong maisip na topic. Mahigit isang oras na akong nakatitig sa aking laptop, wala pa din. Tsk tsk, sabi ko sa sarili ko. Hindi maaari ito. Kelangan makapagsulat ako! Di naman ako 'choosy'. Basta dapat may maisulat lang ako, by hook or by crook ito. It's an ultimatum! :-)

Eto na nga, nagsusulat na ako. Yipppeee! I won! I won! hehe (parang adik lang)

Madaming beses na may gusto akong isulat dito ngunit hindi natutuloy dahil sa napakaraming excuses ko---busy ako/tinatamad ako/di ko alam isulat/ayoko pala talaga. :-)

I-try kong balikan ang mga ito ngayon sa abot ng makakaya ng aking memory.

1) Du Customer Service
Ni-blog ko dati dito na ang Kablogs ay blocked site sa Du (one of the two internet providers here in Dubai, the other one is Etisalat). Nag-request pa nga ako sa Du na i-unblock ito. November 18, 2010 yun. Then on 23 January 2011, na-received ko ang email sa ibaba galing sa Du. Though mabagal ang kanilang action, pwede na atleast ginawa naman nila. Last time na nagpunta ako sa friend ko, na-access ko na rin ang Kablogs!

Dear Sir/Madam,

Thank you for your email received on 18/11/2010. Regarding your request to unblock the URL: http://www.ofwkablogs.com/

Kindly be informed that your request has been attended and the URL is accessible now.

Best Regards,


2) Etisalat Prepaid SIM
Requirement sa pagbili ng SIM dito ang passport or labor card. Registered ang lahat ng SIM kaya madaling i-trace ang isang taong pinaghahanap ng batas. Di mo rin gugustuhin ang maraming SIM dahil bukod sa mahal (AED100), meron pa itong annual renewal with same amount. Kaya pag August na, nag-se set aside na ako ng load para pang-renew ko. In fairness last year, ibinaba na ang renewal fee sa AED50. Dati kasi may monopoly sa telecom. No choice ang mga consumer. Anyway, yun nga dahil kabi-kabila ang promo ng bagong telecom na Du. Napilitan siguro ang Etisalat na ibaba na din ang kanilang presyo. That's the beauty of competition. And it seems mas tumitindi ang competition ng dalawang network (parang Kapamilya at Kapuso) dahil ang Etisalat--free lifetime renewal na ngayon! My new SIM renewal date is 01 Jan 2037! Napaisip ako, siguro naman wala na ako sa Dubai nun. 56 years old na ako nun!:-)

3) International Roaming SIM
Wala akong pang-roaming na SIM from Philippines. Pero meron akong chikka text. Although matagal-tagal ko na din itong nde nagagamit. Thru Dubai SIM or YM ang means of communication namin ng aking pamilya. Sa mga kaibigan ko na naman, email email lang o kaya tawag pag may 'birthday' hehe. :-)

4) Skype
Wala pa akong skype account. hehe...YM lang din kasi ang alam sa amin. Although, nagbabalak akong mag-register if ever magka-iPhone ako para kahit nasaan ako pwede akong tawagan sa amin.

5) SLR camera
Gusto kong magkaroon ng SLR camera. Wala lang, gift ko sa sarili ko. Madalang na madalang lang kasi akong magkagusto sa isang bagay. Last Christmas, dapat bibili na ako. Hindi natuloy dahil namamahalan ako. hehe. Kelangan may mag-push pa sa akin. Nagkita-kita kami ng aking mga dating kaopisina last week, binyag ni baby R (anak ni JM)..Nag-set up ng photo booth si RS. Nagandahan ako! Usapan namin, sabay kaming bibili ng SLR, naunahan na din ako ni RS.
Timing habang sinusulat ko ito, pumasyal sa bahay sina ivy at ryan kasama sympre si baby miguel. Nagka-ayaan kami ng gala sa Friday meaning ng gala sa amin---gala sa mall at kainan.....Napag-usapan na bibili na kami ng SLR sa Friday. Tingnan na lang natin kung matuloy na ito this time.



Friday, August 19, 2011

Ika-19 ng Agosto

Para sa mga mahilig sa history ng Pilipinas, ang araw na ito ang Manuel L. Quezon day. Noong nag-aaral pa ako, aligaga ang buong school namin tuwing sasapit ang araw na ito dahil kaalinsabay din nito ang selebrasyon para sa Linggo ng Wika.

Pero bilang isang anak na nagmamahal sa kanyang ina, ang araw na ito ang pinakamahalaga at pinakapinagpapasalamat niyang araw dahil ito ang araw ng kapanganakan ng kanyang ina.

I know for a fact na very proud sa akin ang aking ina mula noon hanggang ngayon. Nakakataba ng puso pag maririnig mong ginagawa niya akong mabuting halimbawa sa aking mga pamangkin. Wala lang, nakakatuwa lang isipin. :-)

Very proud din ako sa aking nanay! Nasaksihan ko ang kabutihan ng kanyang loob sa lahat. Di lang iisang tao ang nagsabi na siya ang pinakamabait na taong nakilala nila. Di kokontra ang mga kapatid ko pag sinabi kong, ang nanay namin ang pinakamabuting nanay sa buong mundo!

Disciplinarian din ang aming nanay. Lahat kaming tatlong magkakapatid, nakikinig talaga sa kanya. Mabait pero napakatapang ng aking nanay. Nakaya nga niyang itaguyod kaming magkakapatid nung mawala ang aming tatay. Siya yung tipo ng nanay na isusubo na lang niya, ibibigay pa sa mga anak. At sympre ang walang kamatayang kwento ko tungkol sa aking ina nung nag-aaral pa ako at nagtatrabaho sa Maynila---ang paggising niya ng madaling araw every week para ipaghanda ako ng breakfast, baon at mainit na tubig na panligo bago ako lumuwas. Walang palya yun for more than 8 years...Grabeh, ganun ako kamahal ng aking ina. As in di ko siya narinig mag-reklamo man lang.

Love na love din siya ng aming mga kamag-anak. Lahat na yata ng aking mga pinsan, ginawa siyang ninang sa kanilang kasal! Nabanggit ko na din dito na sa dami nilang magkakapatid (14), siya ang napili ng aking lola. Sa amin ngayon nakatira si lola considering ang daming gustong kumupkop sa kanya. Ang biro nga daw ng aming mga tito at tita "ang paboritong anak ang nagwagi!" ..joke lang yun, wala daw paborito si lola. hehe...


Sa aking Pinakamamahal na Ina,
Happy Birthday 'Ma! Mahal na mahal ka namin ng aking mga kapatid.
Mahal na mahal kita. Very blessed kami na ikaw ang aming nanay.
Wala na kaming mahihiling pa. :-)

love,
tin









Saturday, August 13, 2011

When It Rains, It Really Pours....

God is so good to me...overflowing ang mga biyayang pinagkakaloob niya sa akin. :-) Thank you so much Lord! I feel overwhelmed sa mga magagandang bagay at pangyayari sa buhay ko. 1st, naaprubahan ang aking vacation leave this Christmas eventhough wala pa akong one year sa company namin. Sabi ko nga 'suntok sa buwan' na bakasyon. Pero with God, nothing is impossible talaga. :-)

Gusto ko talagang umuwi ngayong Pasko. Hindi ko iniisip kong meron akong pasalubong or wala basta ang importante sa akin makasama ko naman ang pamilya ko ngayong Pasko. Kinalimutan ko muna ang pagiging matipid ko. Ok lang sa akin kung ako ang magbabayad ng tiket ko. Nai-budget ko na ito. Hindi ko ito panghihinayangan. Hindi ako mayaman, gusto ko lang talagang makasama ang aking pamilya ngayong Pasko. Six years akong hindi nag-Pasko sa amin. At heto na nga...finally, makakauwi na ako..hehe..(4 months to go pa pala) :-)

Ang aking hiling ay maaprubahan lng aking aking bakasyon. Pero hindi lang bakasyon ang ibinigay sa akin..Dahil pati tiket ko ay sinagot na din ng aming kumpanya!!! Weeeehhhhh! I'm so happy talaga kanina. I feel so blessed. Ang biro ko nga sa mga kaopisina ko....siguro napakabait ko nung past life ko. hehe.. :-)

Dear Lord,
Thank you po talaga sa mga blessings na pinagkakaloob ninyo sa akin.
Love nyo ako talaga. Love you too! :-)

-tin

Friday, August 12, 2011

Blogging Takes It To Another Level...

"Busy as a bee" ako ngayon kaya nde ko masyadong maasikaso ang aking blog. Of course, palusot ko lang ito. Ramadan kaya ngayon kaya maaga kami ngayong umuwi from work. minus 2 hours ang working hours. Kung mag-ot man kami, maaga pa rin kaming nakakauwi. May araw pa. Ewan ko ba, nagtataka nga ako. Bakit parang ang busy busy ko pero kung tutuusin nasa bahay lang naman ako lagi. Kagaya na lang today. Natapos ang weekend ko na hindi man lang ako nakalabas ng gate namin. hehe...Kain-tulog-nood-chat lang ang aking nagawa. Dapat sana pupunta ako sa Ikea para bumili/mag-window shopping ng mga gamit sa bahay. Yun nga lang, tinamad na naman ako. Na-miss ko tuloy si jo, kung andito lang yun sigurado nasa galaan kami lagi...palakad-lakad lng..hehe(by the way, nakahanap na ng work si jo sa Canada. yippeee! thank you Lord!)

Nagtataka siguro kayo sa title ng post ko. Two weeks ago, napanaginipan ko kasi ang tungkol dito. Nagkaroon daw ng grand EB dito sa Dubai. Excited daw ako na makita ang ibang blogger. Pumunta daw ako. Napakasaya daw ng atmosphere. Super friendly ang lahat. Parang party sa wari ko. Tapos eto ang ilang eksenang nagpagising sa akin:

blogger 1: uy blogger 2, ang ganda ng blog mo. gustung-gusto ko ito. you're a brilliant writer.
blogger 2: thanks..pero ikaw talaga ang magaling magsulat..idol nga kita..
animus/ako: (nahiya ako kasi alam kong hindi naman outstanding ang aking blog. gusto ko lng talagang magsulat...dahan dahan akong tumalikod at naalalang kumuha ng drinks)

Nang magsalita si......
blogger 3: i hate it pag yung blogger hindi alam ang pinagsusulat sa blog niya. Lalu na pag gumagamit ng mga shortcuts like nde, ngaun, etc...

Napalingon ako...Parang ako kasi ang tinutukoy. Na-hurt naman ako kahit totoo ito. At hindi ako makapaniwala na ang nagsabi pa nito ay si blogger 3. Base sa pagkakakilala ko kasi dito sa blog niya, hindi siya ang tipong magsasalita ng ganun. Ang bait niya kaya. Patunay ang napakadaming pumapasyal, naaaliw at bumabalik sa blog niya.

Sumama ang loob ko sa panaginip. Sa isip ko, tuwang-tuwa pa naman ako sa blog niya dahil magaan sa pakiramdam ang mga sinusulat niya tapos lalaitin niya lang blog ko.

Then..nagising na ako.

Nawala na ang sama ng loob na naramdaman ko. hehe. Napangiti ako. Ibang level na ang pagba-blog ko, pati sa panaginip dinadalaw ako. At talagang sumama ang loob ko kay blogger 3 (na walang kaalam-alam) nung nilait ang blog ko? hahaha....Di ako makapaniwala, kasi feeling ko kung totoo mang mangyari ito...nde ganun ang magiging reaksyon ko...i'll just take it as constructive criticism. :-)