Monday, January 25, 2010

Gaano Kita Kamahal?...

Labing-limang taon na ang lumipas nang mawala ka sa aking buhay ngunit kailanman hindi ka nawala sa aking puso at isipan. Ang iyong alaala ay lagi kong dala-dala kahit nasaan man ako. Ang iyong mga pangaral at turo sa akin ay aking isinasabuhay. Gusto kong maging proud ka pa rin sa akin gaya nang dati.


Nagpapasalamat ako sa ating Panginoon at binigyan niya ako ng lakas para malampasan ko ang sakit at hirap ng iyong pagkawala. Alam kong masaya ka na sa kinaroroonan mo ngayon kapiling ng ating Maylikha.


Miss na miss na kita. Miss ko na ang paglalambing mo sa akin tuwing may sumpong ako. Miss ko na din ang paglalambing ko sa'yo pag meron akong gustong makuha. :-) Gusto kong malaman mo na mahal na mahal kita at hinding-hindi magbabago ito lumipas man ang napakadaming taon.


"'Tang, thank you for being the best father to me. i love you and i will always do for the rest of my life. i miss you so much." - from your favourite daughter (i'd like to claim the word favourite; i was a daddy's girl)

Note: Today, 25 Jan 2010 is the 15th death anniversary of my beloved father. We lost him in a car accident in 1995. My life has never been the same without him. I miss him so much but life must go on. Let us show our love to our parents now, while they're still with us, before it will ever be too late.

2 comments:

  1. Yeah!Kaysa pagsisihan natin balang araw na hindi natin nagawa o nasabi man lang ang gusto nating sabihin sa kanila

    ReplyDelete
  2. Very true..kaya let's do it! Now na!

    ReplyDelete