Tuesday, January 5, 2010

Special Prayer Intentions

Dear Lord,

Salamat po sa lahat ng biyayang ipinagkakaloob Ninyo sa akin at sa aking mga mahal sa buhay. Maraming salamat sa walang sawang paggabay sa akin sa araw-araw. Kayo po ang aking pinagkukunan ng lakas. Maging mabuti po sana akong tagasunod Ninyo.

Humihingi po ako ng tawad sa mga kasalanang aking nagawa. Lagi ko po sanang isaisip at isapuso ang mga aral at turo Ninyo. Mahal na mahal ko po Kayo.

Nais ko pong ilapit sa Inyo ang aking niloob sa ngayon. Alam kong Kayo lang ang makakapagpagaan ng aking nararamdaman. Salamat po sa Inyong pagmamahal.

1) nawa'y maging maayos ang pagproseso sa inaantay ng tatlong taong malapit sa akin (MP, CB, NS)
2) makahanap na po sana ng trabaho dito sa Dubai ang dalawang taong malapit din sa akin (AB, ES)

Gabayan Nyo po sila. Bigyan Nyo po sila ng lakas para harapin at malampasan ang kanilang pinagdaraanan ngayon.

Muli, Salamat po sa lahat lahat. Amen.

No comments:

Post a Comment