Wednesday, January 13, 2010

Isang Istoryang Mahirap Ikwento

Bilang isang OFW, pinaka-aabangan ko ang araw ng aking pag-uwi sa Pinas. Sobrang excited ako na makita ko muli ang aking pamilya. Sinusulit ko talaga ang bawa't araw na nandoon ako kasama ng aking mga mahal sa buhay. Lahat excited sa muling pagsama-sama ng pamilya.

Sa darating na Agosto ko pa balak magbakasyon para sa taong ito. Gusto ko kasing nandun ako kasama ng nanay ko sa birthday niya. Nagbabalak ako ng isang bonggang-bonggang date para sa aking mahal na ina. Gustong-gusto kong makapamasyal kami sa Hongkong ng aking nanay. First time namin pareho mamasyal sa labas ng bansa. Excited na nga ako. Nabanggit ko ito sa kanya para mai-ready na ang passport niya. Medyo alanganin siya kasi iniisip niya ang magagastos. Very practical kasi ang aking ina. Sa kanya ko siguro namana ito. :-) Kaya naman ang gagawin ko is 'surprise gift' ko na lang ito sa kanya. Bago pa lang ako uuwi ay magpapa-book at magbabayad na ako para hindi na siya makahindi. hehe. Ngayon pa lang ay pinag-iipunan ko na ito para maisakatuparan ko ang plano kong ito.

____________________________________________________________________


Nahihirapan na ako. Hindi ko alam kung paano ko ikwento ang gusto kong sabihin sa ngayon. :-) Umuwi na kasi sa Pinas kanina ang isang taong malapit sa akin (si AB). Napakabilis ng mga pangyayari. Nalulungkot ako dahil medyo matatagalan pa ang kanyang pagbalik dito. Pero di bale, sigurado magiging masaya naman siya dahil makakasama na niya muli ang kanyang mahal na anak. Kay Ate AB, i know magiging okay naman ang lahat sa'yo dyan sa Pinas. Basta, kitakits na lang ulit tayo sa pagbabalik mo. See you in May! :-)

No comments:

Post a Comment