Lumipas ang mga araw, nawala ng kusa ang pagkagiliw ko sa iPhone. Hindi ko na ito naririnig na para bang sinasabihan ako ng 'BUY ME' pag napapadaan ako sa mga electronic shops. Kuntento na ako sa aking phone na Nokia na may radyo. :-)
Pero kanina parang nanumbalik uli ang pagka-gusto ko sa iPhone. Aliw na aliw kasi kami kanina habang pinapanood namin kung nasaan na ang exact location namin in real-time. Meron na kasing 'real-time tracker' ang iPhone ni NS. New feature daw ito, kanina niya lang din nalaman.
Kalagitnaan ng aming panonood ng maisip kong pwedi ko itong ikwento ngayong gabi dito sa blog ko. Interesting kasi ito para sa akin. Nag-request ako kung pwedi bang piktyuran ang mga dinadaanan namin. Pweding-pwedi daw tapos i-send na din sa email ko.
Tingnan ninyo kung nasaan kami eksakto kanina--yung color blue na dot. :-)

@ Karama Metro Station
pansinin ang apat na bubong ng Metro Station :-)
dalawa kasing line ng metro dito sa Khalid Bin Waleed Stn
although ang open pa lang sa ngayon ay ang red line;
soon to open ang green line (sana very soon na!)
kita din ang dubai creek, floating bridge naman yung isang tulay
kita sa photo ang bubong ng bahay namin :-)
nakikita nyo ba ang mga halaman sa gitna ng daan?
isang park kasi ang nasa gitna ng kahabaan ng Muteena St.
Conclusion:
So paano bibili na ba ako ng iPhone? hahaha. Let's wait and see ulit. Meron kasi akong pinaghahandaan na personal na gastusin ngayon- isang SLR camera. :-)



Magkano yan?!!! lolzz, gagana kaya dito yan sa Palau :D
ReplyDelete@ LordCM,
ReplyDeletesympre inalam ko kung magkano ito nabili- 2300 dirhams x 11.95= PHP26,450 plus 100 dirhams monthly fee sa service provider. free 60 mins international calls plus 2GB data package. :-)
mahal pa din sa palagay ko. sayang lng feature nito sa akin dahil hindi ako high-tech na tao. dito nga lang sa blog ko, di pa ako marunong maglagay ng blogroll. :-)
hahaha....na-curious tuloy ako sa Palau, tingin mo gagana kaya? hehe....
hahaha, padalhan mo ako dito para matest ko at may pang xmas ka na rin sa akin lolzz
ReplyDelete@ LordCM,
ReplyDeletehahaha, parang mapipilitan akong wag na lang ma-curious sa Palau..ang mahal eh. di kakayanin ng powers ko! :-)
advance merry christmas sa iyo LordCM at sa buong pamilya mo. thank you for being part of my (blogging) life. :-)
hala, wala akong pang xmas sa'yo. pero pramis, if ever magkita tayo in person..ako ang taya (isama mo pa pati buong pamilya, barkada, kapitbahay, barangay etc)...sky's the limit! hahahaha...
btw, going back to Palau ulit, meron bang postal service dyan or FEDEX? hahaha..na-curious lng ulit. di maka-get over...hahaha...
ayun eh, lolzz
ReplyDeletedi mo rin kasi magagamit ung lahat ng features ng iphone dito, kaya kahit ordinaryong cp lang ok na dito, pero since may access ako sa internet ng kumpanya eh libre akong ikonekta ang cp na naka wi-fi, pero wala ako nun eh lolzz
Hintayin ko na lang ung araw na magkikita tayo, isang barangay ang dala ko lolzz
Wala po atang FEDEX dito, kalimitan kasi na gamit ng friends ko pag nagpapadala dito lalo ung mga taga US, gamit nila USPS eh. Domestic lang kasi ang charge dahil dating US territory to...tapos ung iba post office na lang :D
Or, ipadala sa pinas(FR Express) tapos FR Express na magpapadala dito sa Palau...ganun naman gawa ng mga friends ko sa Pinas...
@ LordCM,
ReplyDeletenapaka-kumplikado naman pala ang magpadala dyan..padadalhan sana kita ng isang camel mula sa dubai..hahaha....
cge, kitakits tayo ng buong barangay! :-)