Thursday, November 25, 2010

Multiple Choice

Naniniwala ako na lagi tayong merong choice sa mga bagay-bagay sa ating buhay. Noong nag-aaral pa ako, pinakaeasy para sa akin ang multiple choice tuwing exam. Walang memorization na kailangan. Pwedi ka pang manghula kung hindi mo talaga maalala ang tamang sagot. Madalas pag ganito ang type ng exam, expected ko na hindi man lang ako pagpapawisan. (hahaha...gusto ko lang magyabang)


Ngayong may edad na ako at natutong mag-blog, susubukan ko namang ilista ang mga bagay na pweding maging 'multiple choice' sa buhay ko. Maging easy pa kaya ang pagsagot ko? Makapagmayabang pa kayo ako? Hahaha. Let's see... :-)



1) Pasado alas dose na ng gabi dito sa UAE. Gising na gising pa rin sa kakaisip at kakasulat dito sa blog. Ano ang aking gagawin?

a. matulog na para hindi mapuyat
b. tapusin ang blog, ok lang mapuyat dahil walang pasok bukas
c. none of the above


2) Ako ang naka-schedule na cook pag Friday. Thursday night pa lang naggo-grocery na ako para sa aking menu. Alin kaya sa mga ito ang aking iluluto bukas?

a. sinigang na baboy/hipon/salmon
b. kare-kare
c. pork chicken adobo
d. menudo
e. ginisang munggo plus pritong alumahan
f. dinuguan
g. beef steak
h. beef brocolli
i. caldereta



3) Ginusto ko ang mag-work dito sa Dubai para makatulong sa aming pamilya. I'm missing home lalu na ang aking nanay ngayon. Ano ang aking iniisip na mabuting gawin?

a. umuwi na sa Pinas
b. normal lang ang aking nararamdaman magpapasko na naman kasi
c. i-visit visa ang aking ina para mapasyalan ako dito



4) Ni-blog ko na dito na gusto ko nang matirhan ng nanay ko ang bahay na plano ko para sa kanya sa May 2011 (in time para sa aming fiesta). Paano ko i-meet ang target date ko?

a. mag-loan sa bangko
b. gumawa ng budget ayon sa cash flows, i-monitor/limitahan ang mga gastusin
c. bahala na si Batman :-)

5) Kakauwi ko lang sa Pinas nung Sept para sa 2010 vacation leave ko. Pero gusto ko na ulit mag-plano para sa bakasyon ko next year. Napapasaya kasi ako nito kahit papaano. Ano naman kaya ang magiging itinerary ko sa 2011?

a. stopover either sa Malaysia o kaya Thailand
b. to organize family reunion sa mother side ko
c. maging emcee sa kasal ng pinsan/barkada ko (if ever mag-coincide ang wedding date nila sa bakasyon ko, no exact wedding date/month yet while ang bakasyon ko is baka month of Aug)
d. all of the above



My Answer Key:
1) b
2) d
3) b
4) b
5) d

2 comments:

  1. kung ano ang tatanungin mo para sa mga sagot eto ang dapat mong gawin,

    1. magblog ka pa hanggang dilat pa ang mata mo, at least nahahasa yang skills mo sa pagsulat and eventually maging kasing galing mo na rin ako ( mas mayabang ako see)

    2. magluto ka ng dinuguna, tapos sabihin mo pagluto na pupunta ako jan nang maka arbor.

    3. normal lang sa ofw, in your case, parang OA na yan, hello. 5 years ka na dito noh!

    4. magloan ka sa bangko. pag me sobra, i reloan mo sa akin. nice deal.

    5. family reunion na lang. singapore and malaysia wud be the same without you. and thinking of hosting a wedding party, me ganun, nakabili ka na ng talent sa hosting. joke.

    approve mo tong comment ko ha.or else...

    ReplyDelete
  2. @ Duboy,
    hahaha, umayos ka! binabantaan mo ba ako sa sarili kong blog? well, hindi ako natatakot sa'yo. :-)

    welcome na welcome naman dito ang gustong mag-suggest or mag-comment...(hahaha..as if madami sila)...yun nga lang, sigurado may comment back ako sa kung anuman ang comment.

    at ito ang comment/reaksyon ko sa mga binigay mong sagot.

    1. di na ako kokontra dito. magaling ka naman talagang magsulat at mas mayabang! (dahil may ipagyayabang).

    2. sori nailuto ko na ang menudo. hehe..di bale sa darating na pasko alam ko na ang ibibigay ko sa'yo. hahaha.

    3. kainis! OA ba ang magdrama ako (sa blog)? hindi siguro. :-)

    4. hahaha..nice deal ka dyan! umayos ka! No to bank loan pa rin ako.

    5. mali ka pa ng bansang binanggit, it should be thailand, not singapore. nag-stopover nako ng singapore last sept 2010 di ba. at super enjoy talaga. umpisa pa lang yun..at eto nga ang mga kasunod (sana). oissst, wag mo naman akong ilaglag sa hosting skill ko. family event din naman ang wedding ng pinsan ko kagaya ng reunion so yakang-yaka ko yun. naman, kung alam mo lang kung gaano kabilib ang mga kamag-anak ko sa akin..lalakas din ang loob mo. hehe...

    ReplyDelete